"Good morning, Valmor!" masiglang bati ko sa kanya ng makita ko siya sa labas ng kanyang bahay.
"Oh ikaw pala, Raffy!" gulat niyang bati sa akin, saka siya lumapit sa aking tabi.
"Kamusta ka naman?" masayang pagtatanong ko.
"Ayos lang naman ako. Ikaw? Kamusta? Ang aga mo yatang gumising." kaswal niyang sagot sa akin.
"Ayos lang haha maaga talaga akong nagigising. Daily routine ko na 'to."
"Wala ka bang kasama?"
"Tulog pa ang mga kaibigan ko pati sila Inay."
"Kasama mo pala sa bahay ang mga kaibigan mo?"
"Oo naman hahaha sila kasi ang tumutulong kila Inay na mag-alaga sa akin saka volunteer din sila ng orphanage kung saan ako tumira noong bata pa ako."
Napansin ko ang pag-aalinlangan niya sa kanyang nais sabihin sa akin.
"May problema ka ba?" curious kong pagtatanong.
"Wala naman, pero pwede ba kitang maimbitahang na maglakad-lakad, I mean, samahan ako sa paglalakad papunta sa malapit na park?"
Tumango ako sa kanya.
Nagkukuwentuhan lang kami ng mga kung ano-anong bagay na maari naming pag-usap habang naglalakad siya at tinutulak niya ang wheelchair ko.
"Ano nga ulit ang trabaho mo, Valmor?"
"Isang akong businessman at may-ari ng isang kilalang kompanya sa buong mundo."
"Edi sobrang yaman mo pala?"
Hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko ang ngiti mula sa kanyang labi.
"Wala ka bang girlfriend, Valmor?" pabalang kong tanong noong ibinalik ko ang aking tingin sa daanan.
Napatigil siya bigla sa pagtutulak ng aking wheelchair.
"Wala. Masyado pang busy si Kupido para sa amin ng itinadhana sa kin. Hahaha." nakangiting biro niya sa akin at patuloy sa pagtulak sa aking wheelchair.
"Maliban sa pagiging businessman, ano pang pinagkakaabalahan mo?" muling pagtatanong ko nung tumigil siya sa pagtulak at naupo sa isang bench.
Ngumiti lang siya sa akin bago tinanaw ang malawak na park sa aming harapan.
"Raffy,"
"Hmm?" mahinang tugon ko habang nakangiti at napapikit dahil sa malamig na simoy ng hangin.
"Nevermind." mahinang sabi niya kaya napamulat ako at napalingon sa kanya na masayang nakangiti ang sumalubong sa akin.
"O-okay." naiilang kong tugon sa kanya.
"Anak,"
Napalingon naman ako sa tinig na siyang tumatawag sa akin.
"Nay!" gulat kong bati sa kanya.
"Hay naku! Raffy! Kanina ka pa namin hinahanap sa loob at labas ng bahay!" seryosong sambit ni Jiselle.
Napasalubong naman ang kilay ko, "Huh?"
"Ay pogi!" gulat naman sambit ni Kira nang tumayo sa likuran ko si Valmor.
"Pasensya po." paumanhin niya kila Inay.
Napalingon naman ako sa kanya.
"Ako nga po pala si Valmor. Bagong kakilala po ni Raffy. Nakita ko po kasi siya kanina kaya niyaya ko po si Raffy na sumama sa akin dito kaya pasensiya po kung hindi ko po siya naipagpaalam sa inyo at nag-alala pa po kayo. Sorry po." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
DISGUISE US
RomanceStart: 08.08.2019 End: 09.22.2020 Mission: Do this experiment. Meet someone who could be your forever love and accept you whoever you are in this life. If the mission failed, face the consequences with brave and love. Challenge: Disguise yourself to...