KABANATA 28

8 1 0
                                    

Matapos kaming kumain ng dinner ay saka ko lang nabasa ang text message ni Maureen kaya hindi siya nakapunta kanina.

-beep-
Maureen: I'm sorry, I can't go now because I have urgent meeting with my client. Maybe tomorrow.

Me: Okay. Just text me tomorrow. Take care.

Inutos ko na lang sa maid na ibaba ang matress sa mismong tabi ng kama ko pati ang extrang kumot at unan. Sinabihan ko din silang iwanan kami roon. Pinanuod ko lang siyang ayusin iyon matapos kong gawin ang night skincare ko.

"May dala ka bang pamalit mong damit?" kaswal kong tanong.

Napalingon naman siya sa akin.
"May dala ako nasa maleta."

Tumango naman ako. "Bakit ayaw mo doon sa dating kwartong tinutuluyan mo?"

"Mas gusto kong nakikita ko nang anak natin pati ikaw bago ako matulog para alam kong ligtas kayo dahil nasa tabi niyo ako at natatakot lang akong maging totoo iyong text messages sa akin nang wala akong ginawa para bantayan kayo."

"Okay." Iyon na lang ang nasabi ko dahil naspeechless ako sa mga sinabi niya.

Nagpaalam naman siyang magshashower habang nagpapabreastfeed ako kay Vilem para makatulog na din saka ko inilapag sa crib niya.

"..anak natin"
"..anak natin"
"..anak natin"
"..anak natin"

Mula noong maipanganak ko si Vilem, hindi ko pa yatang narinig na sabihin niya sa akin iyon. Pati ang pag-aalala niya sa akin bukod kay Vilem.

Napatitig lang ako sa pinto ng bathroom habang nakaupo sa kama ko hanggang namalayan kong lumabas si Valmor doon. Napaiwas naman ako ng tingin at nagpanggap na mahihiga para matulog na din.

"Are you waiting for me?" rinig kong tanong ni Valmor kaya napalingon ako sa kanya.

"Ah, eh, good night." awkward kong pahayag saka nagtaklob ng kumot.

Ramdam kong lumapit na siya sa tutulugan niya.

"Alam kong hindi ka pa tulog, Memory." biglang pahayag niya at alam kong nakahiga na din siya.

Tinanggal ko naman ang kumot na nakataklob sa akin pero nanatili akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Napabuntong-hininga naman ako bago magsalita sa kanya, "I want to hear your side about our issues, Valmor."

Nakita kong ngumiti siya sa peripheral vision ko at tumango.

"First, I want to say sorry for everything that I've done to you every now and then. I'm sorry for dragging you to the social experiment. Hindi ko alam ang nangyari doon noon hanggang sa malaman kong ikaw ang tumanggap doon. I wasn't expecting you for it. So, I am sorry for not hearing your side that time."

He sighed.

"Second, sorry kung hindi ko kayang lumapit sa'yo noong nasa Paris ka pa. Inaalala ko lang baka mastress ka sa akin at maapektuhan ang bata kaya binabantayan kita mula sa malayo. Hindi kita agad kinausap tungkol sa mga nangyari noon dahil natatakot lang ako na baka ilayo mo sa akin ang anak natin o kaya tanggalan mo ko nang karapatan sa kanya."

"Hindi ko kayang gawin iyan kay Vilem." Depensa ko naman agad at napalingon sa kanya.

Tumikhim naman siya bago nagpatuloy, "At huli, sorry kung hindi ko agad sinabi kung ano mo ba ako noon. Sorry kung" -sob- "..iniwan kita noon para sa pangarap ko." -sob- "Maling iniwan kita noon, alam kong sobrang nasaktan kita sa naging desisyon ko."

Napatigil siya ang malungkot na ngumiti sa akin, "Alam ko ang lahat na nangyari sa'yo noon pero hindi ko lang alam ang nangyari kung bakit hindi mo na ako nakilala ulit noong magkita tayo. Sorry Memory, kung iniwan kitang mag-isang lumaban dito habang sinusubukan kong makuha ang pangarap ko sa sarili ko kahit na gusto mong sabay nating makuha iyon." -sob- "Naging makasarili ako at gumawa ako ng desisyong parehas tayong nasaktan pero mas nasaktan kita dahil mas pinili mong hayaan akong umalis kahit masasaktan kita. Mas ginustong piliin ang ikakasaya ko at huwag humadlang sa pangarap ko. Sinuportahan mo ko hanggang dulo kahit na maghihiwalay tayo dahil doon. Huli na nang marealize ko ang sakripisyong ginawa mo para sa akin. Dahil doon gustong-gusto kitang balikan noon pero hindi ko magawa dahil kasalanan ko kung bakit tayo naghiwalay noon, ipinagpatuloy ko lang para hindi masayang ang dahilan ng paghihiwalay natin at gusto kong bumawi sa'yo kapag bumalik na ulit akong successful at worth it ang lahat pero nagbago na ang lahat. Sinabi mong masaya ka nang wala ako sa tabi mo." -sob-  "Pinagsisihan kong iwanan kita dito." -sob- "Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon pero hindi ko lang masabi dahil natatakot akong baka maiwan ulit kitang mag-isang nasasaktan." -sob- "I'm s-sorry, Memory. Gusto kong bumalik tayo sa dati-" seryosong paliwanag niya habang nakatingin sa akin.

"Ayaw kong bumalik ka lang sa akin dahil kailangan mong panagutan kami ni Vilem-"

"No Memory, I love you so much. That's why I wanted you to come back to me. Can we start over again? Not for Vilem to have a complete family as he grown up, but this is what we want for ourselves." seryoso pa ding sambit niya.

Napatingin ako sa crib ni Vilem na kung saan mahimbing siyang natutulog bago ibinalik sa tingin kay Valmor habang hindi ko mapigilan ang luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata ko at napakagat din ako ng labi ko habang tumatango.

Marupok na kong marupok pero mahal ko pa din siya hanggang ngayon kahit ano pang nangyari sa amin noon.

Naging blurred ang paningin ko pero maliwanag kong nakita ang mga ngiti sa labi niya. Nagulat naman ako nang biglang niyang hilain ang kamay ko pababa sa tabi niya para yakapin ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo. Habang ako naman ay nakangiting isiniksik ang katawan ko sa mga bisig niyang mahigpit na yumayakap sa akin na parang ayaw na niyang mapakawalan ulit.

"It's good to be back in my arms, Memory. I miss this. I miss everything. I miss you damn much." biglang bulong niya.

"Namiss din kita, Val." mahinang tugon ko habang nakatingala sa kanya.

Ngumiti siya at ipinatong ang noo niya sa noo ko saka marahang binitawan ang mga salitang, "I love you more than everything, Memory Chandria."

"I love you too, Val." nakangiting pahayag ko.

He leaned forward as he kissed my lips as sign of our new beginning.

Accept or decline?

DISGUISE USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon