KABANATA 29

8 2 0
                                    

"Ehem! Ang sweet nemen! Ang langgam umabot na sa amin." pabebeng sambit nila Yasmine at Precious.

"SANA ALL SWEET! SANA ALL NILALANGGAM!" nang-aasar na sambit din nila Castor at Pollux.

"Ay wow! Come back pa nga!" pang-aasar ni Almira.

"SANA ALL COMEBACK!" sabay na sambit nila Piddi at Stephanie.

"Ehem! Marupok si bunso. Huwag tularan." biro ni ate Cecilia at kuya Demon.

"Sana all marupok! Sana all may jowa!" sambit naman ni Dash kaya nahampas naman siya ni Almira sa balikat.

"I'm happy for the both of you!" masayang pahayag nila China at Maureen.

"Congrats bro!" bati nila Rayjan at Martin.

Napailing na lang ako na nakangiti sa kanilang lahat habang ngiting-ngiti naman si Valmor sa tabi ko habang buhat-buhat si Vilem Mace sa bisig niya.

"Food is ready!" masayang sigaw ni Mama Ruth.

"Let's eat na everyone!" anyaya ni Mommy Sofelia.

"I brought some root beers and sweets. Late na ba ako?" sambit ni Papa Thomas na kararating lang galing sa trabaho niya.

Masaya lang kaming nagkwentuhan sa mga nangyari sa lumipas na buwan.

Magpapasko na din at magseseven months na din si Vilem Mace. Masaya ang naging takbo ng pangyayari sa dalawang linggo mula noong makaayos kami ni Valmor sa relasyong naudlot noon. Masaya ang lahat para doon.

Matapos kong kausapin si Maureen ay wala pa ding balita pero dahil nabuksan ulit ang kaso ni Keanu ay pinagpiyestahan ng media kaya hinalungkat nila ang nangyari noon.

Mula noong mabuntis ako kay Vilem Mace ay hindi na muna ako bumalik sa modeling pati sa pagmamanage ng hotel ko dahil nag-eenjoy naman sila kuya Demon at ate Cecilia na magmanage doon. Binibisita din ako dito minsan nila Sister Maria, Mel, Jiselle, Kira at Sam para makita si Vilem Mace at masaya din sila para sa akin dahil kay Valmor.

Mula din noong magkaayos kami ni Valmor ay sinabi ko sa management ng modeling ko na lilinawin ako ang isyung ginawa ni Keanu patungkol sa pagdeklara niyang siya ang ama ng dinadala ko noon sa pamamagitan ng private interview dito sa bahay. Na natapos noong nakaraang linggo.

Sa kalagitnaan ng masayang kwentuhan namin ay biglang tumayo si Valmor at nagulat ako noong lumuhod siya sa harapan habang hawak ang isang singsing na may nakapalibot na dyamante roon.

"Memory Chandria Abel, isang pangalan ng babaeng hindi ko inaasahang mapapasaakin. Unang taon ng pag-aaral ko sa kolehiyo ay madalas ko nang masilayan ang napakagandang ngiti sa napakagandang babaeng hindi ko inaasahang makikilala kahit magkaiba tayo ng kurso. Friendly ka at palangiti sa iba pero pagdating sa akin sobrang harsh mo. Tipong idinadaan ko lang sa biro para mapansin mo. Akala ko noon taken ka na kaya napakaharsh mo sa akin hanggang dumating ang isang araw na ang birong pag-aamin ko sa'yo naging daan para malaman kong gusto mo din ako."

Napakagat ako ng labi habang inaalala ang nakaraan namin.

"Hanggang sa niligawan kita noon. Hindi natin alam na magbestfriend pala ang mga magulang natin kaya noong maging tayo ay naging isang pamilya tayo. Lumipas ang tatlong taon natin at nakapagtapos na din tayo ng kolehiyo pero sa isang iglap, biglang nagdesisyon akong maghiwalay tayo para sa pangarap natin. Ayaw mo ang naging desisyon ko pero hanggang sa huli ay sinuportahan mo ako kahit masasaktan ka. Na siyang pinagsisihan ko at gusto ko na noong balikan ka pero nagpatuloy na lang ako para maging worth it ang pagbitaw ko sa iyo noon at sa relasyong maraming pangarap na dapat magkasama nating pinagkamtam."

Napansin ko ang panunubig ng mga mata niya habang nagpapatuloy sa pagsasalita.

"Lumipas ang panahon, parehas na nating nakamit ang mga pangarap natin na magkahiwalay. Pero dumating ang isang pagkakataon na pagtatagpuin tayo dahil sa isang social experiment na ako mismo ang may gawa. Wala kong ideya na ikaw pa mismo ang tumanggap noon na siyang hindi ko inaasahang gagawin mo. Naging masaya ako sa piling ni Raffy pero sa likod pala ng katauhan niya ay ang babaeng ikaakala kong hinding-hindi ko makukuha ulit hanggang sa umabot ulit sa puntong naghiwalay tayo noong mabigla ako sa nalaman ko na ikaw at si Raffy ay iisang tao lang. Pinagtulukan ulit kita papalayo sa akin hanggang tuluyan ka na talagang mawala ulit sa akin."

Napalingon siya kay Vilem Mace at bumalik sa akin.

"Isang anghel ang dumating sa buhay natin, malabo ang usapan at nabukas ulit ang mga naging lamat ng relasyon natin noon hanggang dumating iyong araw na nagdesisyon tayong mag-usap ng maayos at muling pinagsama, hindi dahil sa anak natin pero dahil mahal pa natin ang isa't-isa at gusto nating ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan."

Naririnig ko ang lahat na nagiging emotional habang nakangiti sa likod ng mga camera nilang kumukuha ng panibagong yugto ng buhay namin ni Valmor at ang aming anak, si Vilem Mace.

"Memory Chandria Abel, it might sound cheesy, but you're the one I've been waiting for my whole life. Having you by my side is what completes me. I can't imagine my life without you in it. I now know that you and I are truly meant to be. Let’s spend the rest of our lives together. I want to be with you and Vilem Mace forever. Will you do me the honor of becoming my wife and makes me the happiest man alive? Will you marry me, Memory?" He emotionally asked.

"Yes, I d-do Val. I will marry you!" naiiyak kong pahayag habang tumatango sa harapan niya.

Naghiwayan naman silang lahat dahil sa tuwa sa naganap na proposal sa harapan nilang lahat lalo kay Vilem Mace, kahit hindi pa niya masyadong alam ang nangyayari ngayon. Masaya akong nasaksihan niya ito.

"CONGRATS SOON-TO-BE MR. & MRS. SMITH!" masiglang bati nilang lahat.

"Road to church na 'to!" sigaw pa nila Almira, Yasmine at Precious.

"Sana all ikakasal na! Sana all forever! SANA ALL!" sambit pa nila Piddi at Stephanie.

Napatalon naman si Valmor bago niya isinuot sa aking darili ang singsing. Hinila niya ako patayo at niyakap nang mahigpit.

"I love you, bae." mahinang bulong ko sa kanya.

"I love you more than everything, Memory. I can't wait to see you walking in the aisle with your beautiful wedding dress."

Saka hinalikan niya ako sa harap nilang lahat kaya lalo silang nag-ingay sa mga mangyayari sa amin.

Accept or decline?

DISGUISE USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon