Journey 01

0 0 0
                                    

Grade One nang mayroon na akong naaalala. Masaya ang pagiging makulit na mag-aaral, iniisip lang ang paglalaro, at ang baon.

Marami ang aking kalaro, palagi naming nilalaro ay ang chinese garter, ten-twenty, tumbang tsinelas at iba pang larong kalye. Nakakalaro ko rin ang mga pinsan ko na sina Amen, Tabo, Nonoy, Kakay at marami pa sila.

Pero madalas gusto ko kapag nag-iisa habang naglalaro kasama lamang ang mga stuffed toys at ang nag-iisa kong barbie doll na binili sa palengke na pwedeng alisin ang ulo.

Ang una kong gagawin ay magkukulong ako sa kwarto at ang aking ginagawa sa mga laruan ay nagkakaroon sila ng role play at ako ang voice actor at ang kwento ay ginagaya ko sa nakikta ko sa tv, mga love story, action, at yung mga cartoons. Hindi nawawala itong kaugalian ko hanggang Grade Six at masaya ako don kaya minsan lang ako nakalalabas ng bahay, sa eskwelahan lang ako nakakapaglaro hindi rin nmn kasi ako bibong bata na mahilig makihalubilo.

Tahimik lang akong bata kapag tinanong doon ko lang kakausapin.Ang nasa utak ko lang noon gigising ng umaga para pumasok sa eskwelahan para maglaro at ibili ng pagkain ang baon ko na nagkakahalaga lang naman ng limang peso minsan naman nadadagdagan. Ang palagi kong binibili ay ice crumble at cotton candy sakto lang sa limang pesong baon ko.

Grade Three nang ako isinali ng aking adviser sa Academic contest sa subject na Science.

Journey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon