Grade Five ng nakilala ko kung sino talaga ang best friend "forever" dahil rin kay Top 1 kaya ko sya nakilala papatapos na ang taon at mayroon kaming field demonstration sasayaw kaming buong Grade Five ng Paru-parong Bukid nasa kabilang section sya.
Nagpaturo ng step si Top 1 sakanya at si ako nagpaturo kay Top 1
"Doon ka magpaturo" aniya habang nakaturo doon kay BF kaya nagpaturo ako,
snob ako sa kanya pero mabait ang pakikitungo nya sa akin hindi ko parin sya feel kaya wapakels lang ako hanngang gagawin na namin sa actual (recognition day) hindi ko parin alam ang pangalan nya.
Grade Six ang baitang sa elementarya, nagkayod ako ng husto para sa Graduation. Hindi naging boring ang buong taon, mabait na matabil ang aming Adviser Ma'am Otilano.
Ang Top 1 hanggang Top 5 nagsama sa isang section, walang pinagbago ang ranking noong Grade 4 kami maintain parin namin.
First day nagkaroon ng komusyon gusto ni Top 1 lumipat sa kabilang section eh si ako naman tanga feeling bff sumama at sumang-ayon pumunta kami sa Principal office
"Magandang umaga Ma'am, pwede po ba kaming lumipat sa kabilang section ang "Ruby" ayaw namin sa "Emerald"?" aniya.
Ang sagot naman ni Ma'am Principal "Hindi pwede kasi paghiniwalay-hiwalay kayo hindi makikita kung sino ang pinakamatalino sainyo",
marami pangdiskusyon silang dalawa ang ginawa ko lang naman ay makinig at sumagot ng "opo" si uto-uto kasi.
Sa huli wala rin naman napala si Top 1 kaaway nya kasi si Top 2 sa akademik pero friend nmn sila "di ako sure".
Ang katabi ko yung kateam ko sa Academic contest noong Grade One si Garry(Top 3)friend narin kami, noong Grade 5 umayaw na sya sa Science ang gusto na nya icompete na subject ay Math kaya iba na ang kateam ko babae na sya si Jade(Top 5).
At doon ko na rin nakilala ang tunay na bestfriend ang pangalan nya ay Noralyn sobrang bait nya at masaya syang kasama dahil rin sakanya nakpunta na ako sa Pawic ang Sitio ng aming Barangay. Kumukuha ng bayabas, mangga at sampaloc.
Masaya ako kapag kasama sya kahit ang palagi ko kasama sila Top 1 sa mga matatalino.