Journey 05

1 0 0
                                    


Ang pangalan nya ay Joanna close friend ko sya noong Grade One hanggang Grade Four naputol lang dahil sa away namin.

Mga Grade Two naging close friend ko sya, lima kaming lahat, palagi kami nagpaparticipate sa recognition para sumayaw, kasi wala nmn akong Honor noon pagsasayaw lang ang naiaambag ko pagrecognition, sila lang ang mayroong honor.

Nagbobonding kami sakanilang bahay, naliligo sa ilog nakihiram ng damit sakanya kasi ayaw ako ni Mama maligo sa ilog.

Pero nabuwag rin ang pagsasamahan namin ng umalis yun isa pumunta sa Maynila, yung dalawa may bagong kaibigan na hindi na rin namin naging kaklase, kami na lang dalawa ni Joanna ang magkaklase. Nabuwag na rin kasi nagfocus ako sa pag-aaral hindi na ako hayahay sa buhay.

Galit parin sya hanggang matapos ang Christmas break 1st day namin excited pa nmn ako sa pagpasok pero kaunti palang ang pumasok. Galing sya Maynila marami ang bago sa kanyang gamit kaya lumalapit sa kanya ang mga kaklase namin eh si ako di talaga ako lumalapit sa kanya, natakot baka hindi nya ako pansinin kaya wag na lang.

Para akong loner noon wala nmn kasi lumalapit na kaklase ko sa akin, hindi pumasok si Top 1. Nawala ang pagkaexcite ko ng makita ko ang kakaunti ang pumasok at noon ko naramdaman ang matinding lungkot na wala kang kasama kundi ang sarili mo lang.

Kinaawaan ko ang sarli ko noong hanngang ngayon first time yung napakasakit mapag-isa. Naiiyak na ako at wala pa noon lesson so boring talaga,ang nasa isip ko noon sana hindi na lang ako pumasok nag-iisa lang ako.

Ang unang kong experience kung ano ang ibig sabihin ng napanis ang laway ang bilis ko non umuwi sa bahay at hapon hindi na ako pumasok. Tinanong ako ni Mama bakit ako absent ng hapon ang sagot ko wala naman akong kaklase na pumasok, tama nmn wala akong kaklase pumasok na close ko







at hindi na rin kami bumalik sa dati ni Joanna kaklase na lang ang turing ko sakanya.

Journey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon