First day of school para sa secondary level. Kinakabahan ako kasi marami ang aking makikilala bagong kaklase galing sa ibang barangay ang iba kong kaklase noon kaklase ko parin maliban sa mga mayroon honor ng elementary hiwa-hiwalay. Hindi ko na sila naging klasmet pero si BF kaklase ko parin close na pla kami noong Grade Six pa.
Pagpapakilala sa harapan ng klase ang unang ginawa nmin nagkakahiyaan pa. Ang aming paaralan ay nangangalang (Consul) Louella G. Alcoba National High School na nasa aming barangay lang.
Kaya hindi na namin kailangan pumasok sa ibang school na nasa bayan o karatig na barangay. Ang ibang estudyante na pumapasok sa Alcoba ay naktira sa mga karatig na baranggay. Ang aming uniform ay blouse nateternohan ng palda na lagpas tuhod ang kulay ay itim na checkered.
Karamihan sa mga Alcobanians hindi nagsusuot ng blouse, mas gusto nila ang puting t'shirt at hindi nagsusuot ng black shoes. Kakaunti lang ang gumagamit ng black shoes, kapag unang buwan ng pasukan perfect ko ang pagsuot ng black shoes. Kapag Lunes, naka complete uniform pero martes naka t'shirt, tsinelas o rubber shoes. Hindi sa pagbubuhat ng bangko marami nagsasabi na malinis ako manamit kasi plantsado ang aking uniform. Hindi kasi ako nagsusuot ng gusot gusot na unifrom kahit noong elementarya pa lamang ako.
Grade 4 ng matuto na ako magplantsa ng sariling uniform. Ako na rin ang naghahanda ng gamit na kailangan ko sa pagpasok, hindi na kailangan gisingin ng maaga kusa akong gigising at manghihingi ng pangbili ng pandesal kay Mamay at tatawid ng kalye para makabili sa bakery na nag-iisang bakery sa aming baranggay kaya paunahan para hindi maubusan ng pandesal na nsa Ilawod ang aming bahay nman ay nasa Iraya kay medyo may kalayuan., naging kagawian ko na noong elementarya pa ako.