Journey 02

0 0 0
                                    

Noong araw na yun masaya ako kasi wala kaming pasok ang nasa isip maglalaro nmn ako. Ang rason kung bakit wala kami pasok ay hindi ko alam yun pala mayroong academic contest na isasali pala ako.

Kagigising ko palang at mayroon pumunta sa bahay na nagsabing kasali ako sa contest eh di sila Mamay aligagang pinapunta nmn ako kasi marami na ang estudyante sa paaralan nmin ang venue ng contest, pinahanap muna ang aking bag kasi pinaglaruan nmn ng pinsan kong si Zydric mga tatlong taon gulang palang.

Ayoko ko pumunta sa paaralan wala nmn ako hilig dyan, pero pumunta pa rin ako. Kinakabahan akong pumunta maraming tao at estudyante na iba't iba ang uniform. Hinanap ko ang aking adviser at pinapasok ako sa isang classroom marami nang nakaupo roon at kinakabahan ako kasi wala akong kakilala siguro ang mukha ko noon ay namumutla ang sabi ng adviser ko galingan ko raw sabi ko nmn okay.

Mukha akong tanga noon wala akong pakialam basta sumasagot ako sa mga questions na malakas na binabasa ng teacher sa harapan. At itsitsik ng katabi ko ang aking papel. Isusulat sa blackboard ang score namin nakahanay sa aming pangalan. May tatlong stage ang contest ang easy, medium, difficult.

At sa huli nakapasok ako,  yung palang ginawa sa aming paaralan ay elimination round at yung makakapasok ipanglalaban sa bayan na gaganapin sa BULAN SOUTH CENTRAL SCHOOL. Wala parin ako pakialam, laro parin ang aking nasa utak. Noong palagi na ako niririew ni Ma'am Midena ( aking adviser) payat, maputi at maiksi ang kanyang buhok at istrikta syang guro.

Hindi na nya ako pinapakinig sa klase, nasa table nya ako at nagbabasa, sila nmn ay naglesson. Kapag may pinapagwa sya mga kaklase ko pupuntahan nya ako at kukumustahin at tuturuan ng kung ano ano tungkol sa Science. Kapag hapon nmn ganon parin ang gawain.

Two weeks rin ang nakalipas sa pagririview namin ni Ma'am at dumating na ang araw kung mayroon bang bunga ang pagririview ni Ma'am sa akin. Si Mamay ang gumawa ng baon ko kasi wala si Mama nandoon sa Manila may ginagawa. Nakisabay na lang ako sa kaklase ko na kasali rin sa subject na Hekasi.

Noong naroon na kami sa venue marami ng estudyante ang naroon, ang tingin ko sakanila ang gagaling nila at manghang mangha ako kasi mga bagong mukha kaya nmn nanglalamig na ang aking kamay at paa. Hindi ako kumikibo ng nakaupo na ako at yung kasama ko ay hindi ko rin kilala kahit na schoolmate kami, dalawang kalahok bawat paaralan noong nasa venue ko lang nalaman akala ko tig-iisa lang.. Iba nmn kasi ang nag-riview sa kasama ko kaya hindi ko sya kilala at nasa ibang section sya.

Ang pangalan ng kasama ko ay Garry ngayon ko lang nalaman nagpakilala rin ako. Nakasagot rin nmn ako kaysa sa iba na walang tamang sagot sa difficult, sa difficult stage kasi ay ibibigay mo ang tamang sagot sa tamang baybayin. Ang easy at medium stage kasi ay multple choices kahit hindi mo alam ang sagot pwede ka magsyamba.

Ang resulta ay nakapasok ako sa top 10 ika-pito ako.

Journey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon