Malapit na ang graduation namin practice doon, practice dyan. Palagi ko rin nererecite ang opening prayer naka-atas saakin , isang umaga naksabay ko ang childhood friend ko na plinaplastik nmn pla ako ( kasama sya doon sa limang friend ko n nagsasayaw sa recognition) " uy alam mo ba sabi ni Top 6 hindi ka raw marunong magbasa kaya hindi mo deserve na ikw ang mag-opening prayer sa ating Graduation." aniya, ang sgot ko "Ganon ba", ang damdamin ko ay nasaktan, napigtasan ako ng confidence at hindi na ako nakapagsalita sa kanya. Pero sya salita parin ng salita at tumatango nalang ako sa kanya kasi sumabok ang utak ko, kumalat yung sakit sa katwan ko namanhid ang puso ko. Gusto ko nang umuwi at magkulong. Nang nakarating sa eskwelahan hindi parin nawawala yung boses nya napaulit-ulit nagplayplay sa utak. Nakalipas na araw palagi kong tinatanong ang sarili kong deserve ko ba na ako mag-opening prayer eh hindi nmn pla ako marunong magbasa sabi ng kapwa ko mag-aaral. Nahiya na ako banggitin ang prayer sa practice namin, ang rami rin ang iyak ko sa banyo. Doon ko naramdaman ang pressure yung excitement ko pra sa Graduation bumababa hanggang nawala. Halu-halo ang nararamdaman ko lahat yun negatibo. Yung sakit na naramdaman ko naging takot. Natakot sa iba na magsasabi na hindi ako marunong magbasa, pagtatawanan. Bago ang aming Graduation ng gabing yun nakahiga na kami ni Mama para matulog na nagrerelax kasi kabado ako " Recite mo ang prayer." aniya, nerecite ko ang prayer "Ang pronuniciation mo mali mali, ayusin. Baka bukas magkamali ka." "aayusin ko". Umiyak akong umiyak ng walang tunog kasi katabi ko si Mama. Napressure lalo ako mas dumoble ang kaba. Kinabukasan Graduation na namin gumwa ako ng kodigo kahit memorize ko pra siguradong hindi magkamali. Ang bilis ng tibok ng puso ko lalong bumilis ng malapit ng mag alas kwatro. Si Papa ang bumili ng dress ko para sa Graduation pumunta pa kami nila Mama sa Legaspi para lang bumili ng dress at gamit nagagamitin ko sa highschool. Masaya ako dahil nagbonding kaming tatlo kahit na may kaunting pangamba. Ang nakakatuwa ay nakalimutan ni Mama gawan kmi ng bulaklak na ididikit sa toga kasabay ko ang dalawa kong pinsan na sina Nonoy at Tabo. Mabuti na lang mayroon sobra yung magulang ni Archie kung hindi maglalakad kami ni Nonoy na walang palamuti sa toga plain lang talaga. Nagsimula ng alaskwatro, ang bilis ng heartbeat ko pagkatapos ng Pambansang Awit ako na ang tatawagin pra prayer gumawa muna ako ng sariling panalangin Kay God sa isip ko nasa hindi ako magkamali sa pagbigkas ng mga salita english po ang ginwang prayer ni Top 2.