At dahil istrikto ang aming guro first time namin makakita ng mga galloonan(malalaking plastik na bote yung lalagyan ng suka o tuyo) na lumilipad. Shookt lahat kami. First day palang nagbigay na sya ng paalala na kapag nakita nya walang laman ang mga bote ng tubig tuwing umaga magkakaron ng flying bottles in the early morning. One time hindi ko alam kung bakit walang umigib kahit isa saamin para may ipon kaming tubig, eh mga tamad kami pagwawalis ang pinili nmin may assign nmn na cleaners kasi eh kaso mga late ang naka-aasign sa pag-iigib. Tapos na ang flag ceremony first subject namin sya. Lahat kami nakatayo para sa opening prayer pagkatapos igregreet namin sabay sabay ng good morning Ma'am at sabay sabay rin uupo kapag nagsabi sya ng "you may sit down" pero wala pumunta sya sa lababo doon nakalagay ang bote hindi umiimik si Ma'am lahat parin kami nakatayo. Nagtitinginan kaming lahat nagtatanong gamit mata kung bakit di pa nagsasalita si Ma'am at biglang hinawakan ni Ma'am ang mga bote at sabay tapon sa amin. Nabigla kaming lahat mga isang minuto bago namin naiintindihan kung ano ang ginagagwa ni Ma'am malapit sakin ang lababo kaya nabasa kaunti ang ang palda ko. Aligaga namin kinukuha ang mga bote pra mag-igib lahat kami lumabas ng room para umigib habang ang ibang klase nagsisimula na ang kanilang lesson. Habang tinatapon ni ma'am ang bote nagsasalita na sya "ang sabi ko diba sainyo na ayoko ng walang laman ang bote twing umaga dapat nag-iigib kayo kapag umaga. Nalimutan nyo na ba ang paalala ko sainyo. Oh yan mag-igib kayo punuin nyo yan lahat." Natakot kami kay Ma'am kalaunan binigyan nya ng pangtali yung sasali sa Girl Scout. Mabait talaga saamin si Maam noong Unang markahan may promise sya saamin na kung mataas ang score namin sa exam bibigyan nya kami lahat ng Sabbath (polseras na plastik na itim yung pang-emo) lahat kami nagsikap at lahat parin binigyan ni Ma'am kahit ang iba mababa ang score. Hindi ko sya makaklimutan sa lahat ng titser ko sa elemetarya pagkat mapagbigay sya kahit Ilocano, makwento sya sa kanyang buhay. Kung pano sya napadpad dito saming probinsya.