Journey 03

0 0 0
                                    

Masaya ako dahil nagbunga rin ang review sakin ni Ma'am at kumain kmi sa bakanteng room at pagkatapos ay umuwi na. Kahit mayroon pang awarding ng hapon. Kaya binigay na lang ni Ma'am ang award ko noong mayroon na kami klase.

Ang nakakatawang memorya ko kay Ma'am Medina ay noong naglelecture sya tungkol sa ilong kung anu-ano ang bahagi nito. At sadyang makulit at madaldal rin sa klase, nag-uusap kami ng katabi ko tungkol rin sa lecture ni Ma'am,

"Ang sabi ni Ate Chillet pointed ang ilong ko, tignan mo." ang sabi ko sa katabi ko,

"Oo nga" aniya ng katabi ko.

Nagtawanan kami at tinanong kmi ni Ma'am kung ano ang pinagtatawanan namin nasa unahan kmi nakaupo kaya talagang mapapansin kmi. At hindi pa kami nakakarecover sa pagtawa sinagot ko si Ma'am habang natatawa na pointed ang aking ilong.

Nainis siguro si Ma'am kaya pinatayo nya ako sa unahan, kinabahan ako habang tumayo naglalakad papunta sa harapan. Habang nasa harap ako nakayuko ako na nkangiting kinakabahan, nagtanong si Ma'am

"Totoo ba na pointed ang ilong nya?" at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang baba ko para makita ang mukha ko kasi nakayuko ako at nagtawanan ang kaklase ko at ako ngiting kinakabahan.

At hanggang ngayon ewan ko kung matangos ba ang ilong ko kasi hindi nmn sila sumagot noong tinanong sila nagtawanan lang at pinaupo na ako ni Ma'am at alam ko na nainis sya kasi ang daldal ko pero connected nmn sa nilelecture nya ang pinag-usapan nmin.





At yung siguro ang dahilan kaya ako ang napili nya para sa Academic Contest para sa Science.

Journey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon