Tinawag na ako sobra talaga ang bilis ng tibok ng puso, wala na akong pakialam sa maraming tao tinuon ko ang atensyon sa prayer. Nakaraos rin ako. Nung moment na lead ako ng prayer yung unang tao na nakita ko ay ang ina ng kamg-aral ko nagsabi sakin na di ko deserve na ako ang maglead ng prayer nakangiti sya. Kinabhan ako lalo ang nasa isip ko pinagtatawanan ba nya ako. Minamaliit nya rin ba ako o hindi nmn para sakin yung ngiti kundi pra sa kanyang anak dahil magtatapos rin sa elementarya. Nawala narin ang nararamdaman kong takot, napalitan ng sobrang saya ang naramdaman ko, naiyak si Mama ng kinanta namin ang tribute para sa parents dalawa ang pumunta kay Mama kami ni Nonoy sya kasi ang nag-alaga sakanya noong Grade One palang hindi ko pla na banggit plagi kmi magkaklase hanggang Grade 1 to 6. Noong bata pa kami sya ang kabuddy ko ng hindi pa sya natuto maglakwatsa kasama ang ibang batang lalaki. Noong Grade 3 kmi palagi kami ng aasaran. Asar talo ako kaya hindi kmi close.