Top 4 parin ako, maintain parin ang rank. Ako ang inatasan sa opening prayer nagpagawa ako sa Top 2 namin na mayroon kaunti ng selos sa Top 1 namin. Pareho silang maganda. Si Top 1 chinita, maputi na makinis pa ang kutis, matangkad, ang itim nyang buhok ay kulot, payat at marami sa kanya nagcucrush kahit kababaihan humahanga sa kanya hindi lamang sa katalinuhan kundi sa kagandahan pero mapanakit sya mahilig sya magkarate akala nya nasa shooting sya ng movie ni bruce lee, jet li o jackie chan mga idol nya yan. Masakit kaya kapag tintamaan ang tyan eh si ako nmn tanga di nmn marunong (girly ako o lampa) palagi ako nasasaktan sadista kasi si Top 1. Si Top 2 transferee noong Grade Four kami kaklase namin, hirap sya kausapin kasi Tagalog. Makikita mo sa kanya na matalino dahil aktib sa lecture, matatas ang score sa mga quiz. Chubby, maputi, hindi sya katangkaran pero matangkad sya saakin(ako na pandak), makinis ang kutis, ang linis nya tignan.Friendly sya sa lahat ng kaklase namin opposite kay Top 1 ay resting bitch face pero mabait sya pag nakilala mo ng mabuti (mahiyain rin si Top 1), relihiyoso mayroon syang nakakabatang kapatid Grade Three.