Grade Four, may iba na rin akong interes sa buhay maliban sa paglalaro at panonood ng tv ay ang makilahok sa mga academic activities.
Nakikisama na rin ako sa mga matatalino noong Garde Three kasi ang aking mga kasamahan lang ay ang mga hayahay ang buhay walang pakialam sa grado.Pero nang Grade Four naging grade conscious na ako. Sumali ng Girl Scout para sa extra-curricular activities dagdag sa pagrate kung pang ilan sa honor list at palagi ang rank ko ay top 4.
First time kong sumali sa Girl Scout at atribida kahit wala akong uniform sumali ako.. Overnight lang nmn na ginanap sa Ades Elementary School malapit sa Sabang( pasyalan). Kasama ko yung Top 1 na kaklase ko rin at ang ibang higher grade, anim kaming lahat. Dahil don naging close kami ng Top 1 na si Krishia. Naging close rin ang magulang naming dalawa, siguro sya na ang aking bestfriend.
Grade Four rin noong nagkaroon ako ng big enemy. Recess naglalaro kami ng tumbang tsinelas at ang saya-saya ko tinanong nya ako kung pwede sumali,
"Puno na di na pwede sumali" aniya ko
"OKAY", aniya.
MSEP namin, mayroon pinasulat ang guro namin nag -iisa lang ako sa mahabang upuan narinig ko sya nagsalita
"Pwede ba ako maki-upo?" aniya,
"Puno na, wala ng space", sabi ko habang busy sa pagsusulat hindi ko sya pinansin kung sino yun.
Maya-maya nakatanggap ako ng sulat galing sa kanya kung bakit ang damot ko daw sa kanya sinama nya yung issue sa tumbang tsinelas at ang upuan, eh ako kinabahan ayoko ng mayroon galit sakin kaya sumulat na rin ako sa pirasong papel naghihingi ng paumanhin sa kanya pero galit parin sya. Hindi nya ako papansin habang buhay ang sagot ko sige hindi mo na ako pansinin.