no edits....
no edits
..
ang pagkawasak ang magsisilbing pananggalang sa kadiliman sa panahon ng pagkabuhay kaakibat ang oras at hinaharap.
napahilot ako sa aking sintido.kahit bali baliktaran ko yata ang kapirasong pahinang ito ay wala parin akong maunawaan.kahit anong intindi ko ay walang anumang clue ang lumalabas.ano ba ito?isang tula o isang bugtong.napakahirap intindihin.bakit ba tila.lahat ng may kaugnayan sa lihim nitong akademya ay napakahirap na tuklasin.tila sinasadyang pahirapan ang iyong isipan ngunit sa huli ay kahahantungan mo lang ay kawalan.
nabalik ako sa sarili ng marinig ang marahang pagpitik ng daliri ni ara sa aking harapan.nakakunot ang noo ko itong nilingon.naroon sa tabi nito ang nakangiting si cloie.
wag mo ng pag aksayahan ng panahon ang mga salitang yan dahil wala karing mapapala dyan.ani ara na nagsimula ng iligpit ang mga gamit.nakaalis napala si ms.santos na hindi ko namalayan.nag aalisan narin ang mga naroon at iilan nalang kaming naiwan.matapos banggitin ni ms.santos ang tulang iyon o bugtong ay para may kung anong humuhigop sa aking buong pagkatao.tila ba may kung anong humihila sa akin na tuklasin ko ang mga katotohanan sa likod ng mga matalinghagang salita.
ara is right cindy,your effort is mapupunta lang sa wala.sabat ni cloie na naligpit narin ang mga gamit.may 30 minutes kaming natitira bago ang susunod na si subject.
bakit?nagtatakang tanong ko.napansin ko kasi kanina na tanging ako lamang ang nagkaroon ng interes na intindihin ng labis ang tulang binigkas ni ms,santos.parang lahat sila ay bagot na bagot na animoy ilang beses na nila ito narinig at paulit ulit nalamang.
you see,cindy like ilang beses na kayang ms,santos told that proverd be like na yan.Its so old na and still no one can sagot it.kaya im telling you na your effort is not making sense.nakacross arm na ani ni cloie.
mula ng magkaisip kami ay narinig na namin ang palaisipan na yan.nagpasalin salin na yan dito sa academy at hanggang ngayon ay hindi parin malaman ang kasagutan.segunda ni ara.lalo akong nacurious sa palaisiping ito.kung ganun hindi lang ito basta tula o bugtong.ang palaisipang ito ay maaaring may koneksyon sa pinakatatagong sekreto ng akademya pero bakit nila pinapaalam sa bawat mag aaral at tila ayaw nilang makalimutan ng bawat mag aaral rito.maaaring higit pa roon ang nasa likod ng palaisiping ito.
she look scary ara,she's like may plan ng hindi natin know.nakangiwing bulong ni cloie kay ara.tumikhim si ara kaya napabaling ako sa kanila.napangiwi naman ako sa hitsura nilang dalawa.kaya pilit akong ngumiti at inaya na sila paalis.
bumati kami kay mr.riksmon kim,ang Professor sa paglinang ng physical na kakayahan.isa siyang shape shifter.kaya niyang magshift bilang mababangis o maaamong hayop ngunit may limitasyon.
hindi sa bawat oras ay maaari kayong dumepende sa inyong kapangyarihan.ang kapangyarihan ay may limitasyon at hangganan sa sandaling maubos ang inyong enerhiya.alalahanin ninyong malakas ang hatak ng inyong kapangyarihan sa enerhiya ng inyong mga katawan.sa klase ko ay matutunan ninyo kung paano higit na mapapahaba ang taglay niyong enerhiya at paano ito maikokonekta ng wasto sa inyong physical na lakas.
mataman lamang akong nakikinig kay prof.kim.Nang una ko syang makitang magshift ay halos tumakbo na ako palayo.nagpalit anyo sya bilang mabangis na leon.mabuti na lamang at agad din syang bumalik bilang tao.hanggang kelan ba ako hindi masasanay sa mga kakaibang mayroon sa akademyang ito.hanggang ngayon ay nahihirapan parin akong iprocess sa utak ko ang lahat ng mga natutuklasan at nakikita ko sa lugar na ito.
ang sumunod naming klase ay ang pagkonekta sa mga nilalang na maaaring may koneksyon sa taglay mong kapangyarihan.malinaw na ipinaliliwanag ni prof.antonette velasco ang kaugnayan ng mga hayop sa taglay na kapangyarihan ng bawat isa.isa siyang prof na may kakayahang magsummon ng mga hayop.maaari mo raw sila makatulong sa tiyak na kapahamakan o labanan.interesado namang nakikinig sa kanya ang bawat mag aaral roon.

BINABASA MO ANG
Gangelian Academy(gangelie world)
Fantasymatapos ang misteryosong pagkakabukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal ay ang matagal na panahong pagkakatrap ng pitong makapangyarihang gangelei sa daigdig ng mga tao sa loob ng napakaraming taon.naging misteryoso ang kanilang paglaho at p...