no edits
..
chapter 20
vanessa claire gonzales
....dalawang araw...
dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari ang pangbubully sakin at dalawang araw narin mula ng kumalat ang balitang nakabalik na sila.kahit saan ako mapunta sila palagi ang topic.kahit anong iwas ko na makarinig tungkol sa kanila ay hindi ko magawa.totoong kasama na nga nila yung vanessa.hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko sa mga balita kung gaano itrato ni azer yung vanessa ng makita silang dumating.sinalubong paraw ang mga ito ng headmaster.mukhang napakahalaga nyang gangelei.masaya ako at apat na sila ulit dahilan para muling mabuhayan ng pag asa ang mga narito.masaya na akong tahimik na ang buhay ko dahil wala ng nagtatangkang mangulo sa akin.palagi kong kasama sila patricia.hindi na ako nag aalalang paglaanan pa ako ng atensyon ng iba dahil lahat sila ay naglolook forward sa pagwewelcome kay vanessa.hindi ko pa sya nakikita pero masaya ako na nakabalik na sya.napahawak ako sa dibdib ko.hindi ko na dapat pang ientertainment pa kung ano mang gumugulo sa isipan ko.
ok kalang?
nilingon si cole na tumabi sa akin.kasalukuyan kaming nakatambay sa garden para sa mga inferors.napakalawak ng akademya kaya hindi ako nakakasalamuha ang mga spades.nagkakasalamuha ata ang mga gangelei tuwing may pangkalahatang okasyon,program o sa main cafeteria.naroon kasi talaga yung mga masasarap na pagkain kaya dumadayo sila kahit na may cafeteria for spades at inferors.simple lang akong tumango sa kanila.
hindi mo ba sila pupuntahan?
bahagya lang akong ngumiti sa kanya.bago sumagot.
wala din namang saysay,isa lang din akong simpleng gangelei kaya bakit ako paglalaanan ng oras ng mga matatas na gangelei tulad ng mga lerions.mahinahon kong turan na ikinatango nito.
tama ka ang tataas nga nila per gangelei din sila at minsan ka ring napalapit sa kanila kaya hindi masaman na kamustahan mo sila.patuloy nito na nginitian ko lang.
kahit kaylan naman hindi ako naging malapit sa kanila naging mabuti lang sila sa akin at ngayon masaya ako na nakabalik na yung totoo nilang mqueen.tinapik lang ako sa balikat ni cole.
wag kang masyadong harsh sa sarili mo malay mo hinahanap karin pala nila.
ayoko ng umasa.tanging nasagot ko nalang sa kanya.ayoko ng lumalala pa ang nararamdaman ko na kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.dapat ilugar ko na yung sarili ko.ayokong mas lalo pang pagmukhaing kawawa yung sarili ko.nag aya na sila henry na maglunch kaya tumayo na kami hindi ko na pinansin pa ang mga bulungan tungkol sa lerions.balik na naman pala sila sa dati nilang buhay.mukhang matatagalan bago sila muling makita.
isa,dalawa,tatlo....
tatlong linggo na kahit anino ng lerions ay hindi nagpakita kahit kanino.malamang naroon lamang sila sa kanilang malamansyon na dorm.napahinga ako ng malalim.ano bang pakialam ko doon.lalo ko lang napapagtanto kung ano ba talaga ako sa kanila.tanggap ko na pero pasaway kasi tong dibdib ko hindi tumigil kung ano man ang gumugulo.hindi naman kami dumalo sa pawelcome kay vanessa dahil hindi naman kami invited.tanging matataas na tao lang sa akademya at ilang masweswerteng spades.kahit naman siguro invited kami hindi ko nais na pumunta pa.para saan pa.dapat nga masaya ako dahil nakamit ko na ang tahimik at normal na buhay na hinahangad ko dito sa loob ng akademya mula palang ng mapunta ako dito.
mag isa akong naglalakad ngayon papuntang office ni ms.antonnette.naatasan nya kasi akong magpasa ng mga projects namin.hindi na ako natatakot mag isa dahil mula noong nangyaring gulo ay wala ng nagbalak na saktan ako.siguro nga ay matindi ang parusang nakamit noong apat na babaeng nanbully sakin dahil ng minsang makasalubong ko sila ay sila na mismo ang umiwas at parang natakot pa saakin na pinagsawalang bahala ko nalang kumatok ako sa pinto at ang nakangiting supreme student ang nagbukas.iginaya niya ako sa table ni ms antonette.nakangiti naman ako nitong binati.

BINABASA MO ANG
Gangelian Academy(gangelie world)
Fantasymatapos ang misteryosong pagkakabukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal ay ang matagal na panahong pagkakatrap ng pitong makapangyarihang gangelei sa daigdig ng mga tao sa loob ng napakaraming taon.naging misteryoso ang kanilang paglaho at p...