no edits
....chapter 14
Actual examination
..
ang lakas ng kabog ng puso ko habang hila hila ako nila ara papunta sa arena kung saan gaganapin ang actual examination.kasalukuyan kaming tumatakbo sa hallway.nakabakas sa mga mukha nila ang excitement.hindi ko alam kung ramdam ng mga ito ang panlalamig ng aking mga kamay.nagtatalo ang isip ko kung tutuloy ba ako o magbaback out nalang.natatakot din kasi ako sa punishment na naghihintay sa hindi makikipaglaban.tinakot kasi ako nung tatlo na may naghihintay na malaking kaparusahan sa mga hindi sasali.mabuti pa raw mabubog sa duel kaysa maparusahan kaya sino hindi magdadalawang isip sumali.sumalsal ang bilis ng tibok ng puso ko ng marinig ang malakas na hiyawan.palapit na kami ng palapit pakiramdam ko palapit na rin ng palapit ang kamatayan ko.eto pala pakiramdam ng malapit ng bitayin.para kang maiihi sa nerbyos.wait medyo exag ako dun..mga konti lang.
Ahhhhhhhhhhh
Spade!spade!spade!
inferorssss!!!
boooooooo!!!!!
napangiti ako ng marinig ko ang pagsigaw ng mga inferors.kahit halata sa kanila na kinakabahan na.napabaling ako sa mga spade.bumalik ang kaba ko.kasi naman parang mga nagwawala sa hiyawan.madali lang kung saan sila kabilang dahil sa mga suot nila.nakasuot batay sa kulay ng flag nila.nilibot ko ang paningon ko at hinanap ang grupo na nais kong makita.
wala pa sila.
ha?
napalingon ako kay ara.may inis na nakalarawan sa mukha nito.sino?maang maangan ko kahit na alam ko na kung sino tinutukoy nya.
bwisit na mga yun hanggang salita lang.naiinis na ani nito.nakaramdam naman ako ng disappointment.kahit na sabihin kong hindi ako umasa sa sinabi nya may part parin saakin na nadisappoint.nakabawas kasi sa kaba ko noon ang sinabi nila.sabagay sino nga ba ako para pag aksayahan nya ng panahon.ano nga ba naman ako sa kanya kumpara sa napakahalaga nilang mission.dapat noon pa alam ko na kung hanggang saan lang ang lugar ko.dapat sa mga ganitong laban at wala akong kakampi dapat sa sarili ko lang ako kumapit.saka nandito naman ang mga kaibigan ko.hindi ko lang kasi maiwasan makaramdam ng ganito dahil akala ko hindi na katulad ng dati ang turingan naming dalawa.na kahit friend lang iconsider nya ako.hindi naman ako umaasa ng higit pa dun.nagpatangay nalang ako sa kanila.naghanap kami ng pwesto sa banda kung nasaan ang mga spades.panay ang kwentuhan,daldalan at payabangan ng mga naroon.napakalawak ng arena at naparami pala talaga ng mga mag aaral dito.punuan na ang mga upuan at hindi nakakatulong sa kaba ko ang panay nilang pagpapayabangan.
this is guys this time tataas na ang ranking ko.
kung nakaraan ay nahirapan ako ngayon ay mas nag ensayo pa ako.
hindi ako mapaghintay na gamitin ang bago kong tuklas na technique.
humanda sa akin ang makakalaban ko.
marami na naman ang nangangarap na makakuha ng 90 pataas asa pa sila.
kahit sino naman noh nangangarap ,makasama lang ang mga lerion araw araw sa klase nakoh kumpleto na lagi araw ko ehhhhhh!!!
speaking of them hindi pa pala sila nakakabalik.
oo nga eh excited pa naman ako ngayon kasi umasa ako na makikita ko ulit sila ngayon.
balita ko napakahalaga daw ng mission na binigay sa kanila.
alam nyo guys masaya ako para sa kanila lalo na kay mking diba noon pa nya pangarap na makalabas ng akademya ayan na wish granted.
nakuha ni yssa ang atensyon ko ng kalabitin nya ako.nilingon ko sya.nagtatanong ang kanyang mga mata kung ok lang ako.pilit ko syang nginitian ayaw ko namang problemahin pa sila.masyado ko na nga silang naabala ng sanayin nila ako sa self defense.nakuha ang atensyon naming lahat ng muling maghiyawan ng malakas.napapunta ang atensyon naming lahat ng bumaba mula sa pinakamini stage ay magsimula ng magsalita roon ang pinakang emcee ng arena.wait kilala ko sila.sina prof.rosie at prof.dominick.

BINABASA MO ANG
Gangelian Academy(gangelie world)
Fantasymatapos ang misteryosong pagkakabukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal ay ang matagal na panahong pagkakatrap ng pitong makapangyarihang gangelei sa daigdig ng mga tao sa loob ng napakaraming taon.naging misteryoso ang kanilang paglaho at p...