chapter 10

0 0 0
                                    


no edits

...

no edits

....

dinaan ko nalang sa pagbabasa yung nararamdaman kong pagkainis sa sarili kong katangahan.kanina kinulit ako noong dalawa na magkwento pero di nila ako napilit.pagkatapos ng kahihiyan ko kanina magawa ko pa kayang magkwento.hindi ko talaga alam kung pano ko sya haharapin pagnagkita ulit kami.siguro pinagtatawanan na ko nun.pero parang di naman.para talaga syang clueless kanina na nakamaan lang sa akin.haist tama na nga.lalo ko lang dinadagdagan ang kahihiyan ko sarili.

history of gangelian academy.

ito yung book na hiniram ko sa library.nagsimula ko iflip yung page.nilagpasan ko yung mga nabasa ko na sa library.magkakaugnay lang kasi sa ibang librong nabasa ko na tungkol sa gangelian academy.

ayon dito walang sinuman ang nakakakilala sa pitong makapangyarihan nilalang na pinagmulan na lahat ng ability na mayroon dito sa academy.iyon din ang dahilan kung bakit unknown parin kung ano ano ang seven magical powers.nagkahiwa hiwalay daw ang mga ito at nagsimulang ipakalat ang kanilang lahi.oh kung ang bible may eva at adan ang gangelei may seven magical ancestors nice.sa paglipas ng napakahabang panahon ay nagkaroon ng ibat ibang klase ng ability at sa bawat henerasyon ay may isinisilang na panibagong nagtataglay ng mismong katulad ng kapangyarihan ng ilan sa pito.hindi pa nangyayaring nakumpleto sa iisang henerasyon ang pitong cariers.ibig sabihin nandito na ang gangelei bago pa dumating ang mga spanish sa pilipinas.so bakit hindi man lang sila tumulong noong ginigera ang pilipinas ng ibat ibang lahi.walang wala ang mga pasabog at kanyon nila sa mga mahika.ano bang rason kung bakit ni hindi sila nangialam kung malaki naman ang maiitutulong nila.

wait heto ang sagot.

ang mga gangelei ay hindi maaaring mangialam sa kahit anong gusot mayroon sa lupang kanilang kinalalagyan nila.hindi maaaring mawala ang balanse ng mundo ng mga tao dahil magdudulot ito ng napakalaking trahedya na maaaring lumipol sa buong sangkatauhan sa daigdig(paggunaw ng mundo ganun?)ay may acceptable reason naman pala.sa panahon ng digmaan nananatiling tahimik ang mga gangelie ngunit ang iba sa kanila ay hindi nakatiis na mangialam.karaniwan ay ang mga gangelei na na may mahihinang kakayahan.ang mga vergons at ang mismong cariers ang humuhuli at pumipigil sa mga ito.bagamat magkakahiwalay ay nanatiling mulat ang mga gangelei sa kaalamang ang mga gangelei ay hindi maaaring mangialam sa digmaan ng mga tao.ng sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga spanish at americans ay itinayo ang kauna unahang building gangelian academy. sa hangaring muling mapagsama sama ang pitong makapangyarihang cariers.sa tulong ng pinagsama samang kakayahan ng mga malalakas na gangelie ay nagawa nila itong palawakin at patibayin ang proteksyon sa pader na nakapalibot .doon nagsimula ang paghahanap ng mga may dugong gangelei sa buong mundo.mahina o malakas ay dinadala sa loob ng akademya.(creepy ganun na kaold tong academy?ibig sabihin sub abilities lang ng pitong makapangyarihang tao yung lahat ng mayroon dito sa akademya at ang pinakamain ability nila ay iyong tataglayin ng panibagong cariers.)Itinago ang presensya at imahe ng akademya sa mga mata ng mga tao kayat nananatili itong ligtas at hindi kilala sa napakahabang panahon ng pang aalipin sa pilipinas.sa pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng hapon at american sa pilipinas ay nagsimula ang pagkawatak watak ng mga gangelei na nananahan sa pilipinas.marami sa mga ito ang nagsipaglikas sa mga karatig bansa kung kayat nahirapan ang mga vergons na sila ay mahanap.marami sa mga gangelei ang nagrebelde at nais tulungan ang naghihikahos na bansang pilipinas sa kamay ng mga dayuhan.mulat na mulat sila sa pang aalipin at pagpapahirap sa mga ito.sa pamumuno ni Eduardo Palencio ay nagawang makagawa ng lagusan palabas ng akademya ang mga nag aaklas na gangelei(palencio?kaano ano kaya ito ng kasalukuyang headmaster?).subalit hindi rin sila tuluyang nakatulong sapagkat kasabay ng kanilang paglabas paglabas akademya ay tanging mga naiwan at bakas ng nagdaang digmaan ang kanilang nadatnan.walang makapagsabi kung ano ang totoong nangyari kung bakit ganoon na lamang ang kanilang nadatnan.ayon sa mga haka haka ay may gangelei na nagmanipula sa oras at panahon kung kayat hindi nila naabutan ang digmaan.walang lumitaw na pagkakalilanlan ngunit kasabay nito ay ang parang bulang paglaho ng isa sa nagtataglay ng seven magical powers.hindi na bumalik sa akademya ang mga nag-aklas na gangelei.mas pinag igting naman ang proteksyon sa pader ng akademya.mula noon ay wala nang sinumang gangelie ang nakalabas ng akademya.

Gangelian Academy(gangelie world)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon