KABANATA 1

227 5 1
                                    

Ngayon ay papunta na kami ng aking kaklase sa maliit at tahimik na bayan ng Pueblo De Flores. Actually, natatakot talaga akong pumunta dito kahit habang planning palang namin ni professor nung field trip dahil matagal ko nang alam na ang Pueblo De Flores ay kilala rin sa pangalan na Pueblo De La Muerte. Sa wikang Tagalog, Bayan ng mga Patay. Alam mo ba kung bakit ganon ang tawag dito? Noong 1832 ay sabay-sabay na nagpakamatay ang lahat ng mamamayan sa loob ng Pueblo De Flores. Walang natirang buhay, at ang pinaka nakakatakot ay hanggang ngayon wala parin nakaka alam kung ano ang rason sa biglang paglaho ng mga ito.

Ako nga pala si Clara Isabella at yung seating buddy ko dito sa bus namin ay si Franz Quezon, ang pinakamatalik kong kaibigan. Sa harap naman nakaupo ang gwapo naming professor na si Sir Villanueva, kinulang pa ata siya sa tulog kasi rinig na rinig ang hilik niya galing dito sa pwesto namin.

"Clara," tawag sakin ni Franz, "may dala ka bang earphones diyan?" tanong niya at tumango ako, sabay halungkat sa dala kong pouch. Nilabas ko ang aking earphones at binigay sa kanya ito, "Eto." sabi ko at nginitian niya ako, "Salamat." sabi niya. Ang gwapo, help. Kinonek niya yung cord sa kanyang phone at ipinasok ang isang earbud sa kanyang tenga, yung kabila naman ay binigay niya sakin upang sabay kaming makinig. Ang pinapatugtog niyang kanta ay ang Kung Di' Rin Lang Ikaw ng December Avenue at ni Moira, which is ang kanta na kasalukuyang kinakabaliwan naming dalawa.

Humiga ako sa kanyang balikat at nag-lean din siya sa ulo ko, walang malisya. Onti-onti na rin akong nakakatulog nang biglang lumiko yung bus at napatalsik ako sa bintana. "Manong!" Sigaw ko, "Ingat naman po kayo diyan!" Galit kong sinabi. "Pasensiya ka na, hija." sabi ng driver, at binilisan pa nito ang pag maneho. "Sira-ulo ka ba, manong?! May tama ka ba?!" natatakot kong hiyaw. Padiretso na yung bus namin sa isang bangin; ngunit, ayaw pa rin nung driver lumiko. "Manong, itigil mo to'!" sigaw ni Franz.

Biglang tumayo si Sir Villanueva, "Ba't ba kayo sigaw ng sigaw?" tanong nito sa amin. Tinuro ko sa kanya kung saan nakatungo ang bus na sinasakyan namin, "Tanongin niyo po tong driver natin, Sir! Mukhang gusto tayong mapa aga!" Nanlaki ang mata ni Sir Villanueva nang tignan niya kung saan ako nakaturo. "Itigil mo na to', Manong!" seryosong sabi nito, "Wag mo kami idamay kung gusto mong magpakamatay! Pababain mo muna kami!"

Binitawan ni Manong yung steering wheel at tinignan niya si Fidel, sunod naman si Franz; at panghuli, ako. Ngumiti siya, as if may sinasabi samin sa kanyang isip kaso hindi namin macomprehend ano ang nangyayari. Basta, mamamatay na ko. Nararamdaman ko na. Umupo ako at nag-simula na kong mag dasal para magsisi sa mga kasalanan ko nang biglang suntukin ni Sir Villanueva si Manong, "Papababain mo ba kami o' ako na ang papatay sayo?!" panakot nito. Tumawa lamang siya, "Hinding hindi kayo makakababa dito, hijo." nakangiti niyang sinabi.

Dire-diretso na ang bus namin sa bangin. Tumilapon kami nila Franz at Sir Villanueva sa may mga upuan sa likod at nawala bigla yung driver. Ilang segundo ata' kaming nasa ere bago tuluyang mahulog ang bus sa lupa. Naka-ilang ikot pa yung bus at ramdam ko na na dugo-duguan na kami dito. Nandilim nalang ang paningin ko sa takot at nag-collapse ako, hindi naman na rin siguro ako magigising. Goodbye, Philippines. Hindi man' ako nakapag goodbye sa mga kamag anak ko. Pero eto na, oras ko na talaga. Handa na kong lumisan.

Nagulat nalang ako nang bigla akong magising, tumingin-tingin ako sa aking paligid bago ako tumayo. Ginising ko sina Franz at Sir Fidel. Wala silang kahit anong dugo o' sugat sa kanilang katawan, maski ako. Wala din kami sa loob ng bus, nandito lang kami sa tapat ng mga puno-puno kung saan man' tong lugar na to'. Mukhang napadpad kami sa gitna ng kagubatan, shucks. Napansin ko rin na wala na yung bus na sinasakyan namin, nag-disappear bigla? Hala? Ano yon, magic? Nandito parin naman lahat ng gamit ko, naka-display lang sa may gilid ng puno. Pucha, di' ko na talaga alam ano nangyayari. Paano napunta diyan gamit ko kung nakalagay yan sa loob nung bus? Asan yung bus? Asan kami?!

"Nandito na ba tayo sa langit, Sir?" Tanong ko kay Sir Fidel at mukhang hindi rin siya sigurado, "Hindi ko rin alam, Clara." sagot nito, "Walang sugat, walang dugo, walang bus, puro puno. Baka nga kinuha na tayo ni Lord."

"Ano ba yan, Sir! Di pa po akong handang mamatay!" paiyak kong sigaw kay Sir Fidel at tiniptip ni Franz ang aking likod, "Wala na tayong magagawa, Clara! Namatay na tayo eh!" naiiritang tugon ni Sir, "Hanapin nalang natin ang Diyos. Baka nag-kakape." Kahit wala sa oras yung pag-banat ni sir, napatawa naman kami ni Franz. "Patay na nga tayo, Sir! Wag mo na dalhin dito yang mga banat mong walang kwenta." natatawa kong sinabi at pinitik ako nito sa noo.

"Magandang umaga sa inyo, Binibini at mga Ginoo." narinig namin na sinabi ng isang lalake. Agad naming hinanap kung saan nanggaling yung boses, at nakita namin ang isang lalakeng nakatayo sa may puno. Kayumanggi ang kanyang balat, matangkad siya, makapal ang kanyang labi at nakasuot ito ng barong. Tumayo ako at nilapitan ko ito, "Kuya, pano' ka namatay?!" tanong ko at kumunot ang noo nito. Ang taray ni kuya, in fairness. Imposibleng di namin to' kababayan sa langit dahil naka-barong siya, meron bang nagsusuot ng barong as casual wear? Wala naman, diba? Eto siguro suot niya nung nilibing siya. Pinanood lang kami ni Sir Fidel at ni Franz. "Binibini, ano ang iyong sinasabi?" tanong nito, "Ako'y hindi pa lumalaho."

Napanganga ako, "Ha? Anong hindi ka pa lumalaho?! Nasa langit na tayo, diba?!" Tumaas ang kanyang kanang kilay, "Binibini, tayo'y nandirito sa maliit na bayan ng Pueblo De Flores." Pueblo De Flores? Pano' kami napunta dito?! Wala pa nga kami sa kalahati nang biyahe nung nahulog yung bus sa bangin!

"Pueblo De Flores?" tanong ko, "Kuya, patay na tayo. Ano pinagsasasabi mo diyan? Nahulog kami nang mga kasama ko sa malalim na bangin, imposibleng nabuhay pa kami dun. Di' naman to bangin eh!"

"Binibini, hindi ba't dapat ay sugatan at duguan na kayo ng iyong mga kasama kung nahulog kayo sa bangin?" natatawang tanong nito. Aba, aba. Kapal ng mukha nito; patay na nga kami, pinagtawanan pa niya yung sitwasyon namin. "Kaya nga eh!" sigaw ko, "Hindi namin alam ano nangyari! Nahulog yung sinasakyan naming bus sa bangin tas' pagkagising ko, nakahiga kami dito. Ipaliwanag mo nga!"

"Hiling ko'y wag kang sumigaw, Binibini. Magkaharap lamang tayo, ang sakit sa tenga." sabi niya at mas-nairita pa ko. "Hindi ko alam ano ang iyong sinasabi; ngunit, maari kitang dalhin sa hacienda namin ng aking pamilya. Maari kayong kumain roon, masasarap ang inihahandang pagkain nang aming mga katulong."

"Kuya, hindi bed and breakfast ang hinahanap namin. Ang kailangan namin ay paliwanag!" sagot ko. Pinapatagal pa kami nitong lalaki dito eh. Di nalang sabihin kung saan namin mahahanap ang Diyos. "Bed and breakfast?" tanong niya, "Ano ang iyong ibig sabihin, Binibini?" Kumuha ito ng bato at mukhang balak pa ata' itapon sakin, "Kasapi ka ba ng mga Amerikano?" natatakot na sabi nito. Bakit? Ano ba meron sa mga Amerikano? Illegal na ang discrimination ha?

"Shunga ka ba, kuya? Alam kong mukha akong foreigner dahil sa gandang to' pero hindi ako Amerikana! Bumibigkas nga ako nang Tagalog!" pangangatwiran ko sa kanya at tumango ito, "Wag kang nagsasabi nang mga ganyang salita dito, Binibini. Ika'y pagkakamalan na Amerikano." babala ni kuya, "Ano ba pangalan mo?" tanong ko. Nag-bow siya, "Ang aking pangalan ay Nikolas Blanco. Ikaw, Binibini? Ano ang iyong pangalan?"

"Ako si Clara Isabella." pagpapakilala ko sa sarili ko. Ipinakilala ko rin sa kanya si Sir Fidel at Franz. "Nagagalak akong makilala kayo." nakangiti niyang sinabi, "Halina't sundan niyo ako. Tayo'y dadalo sa aming tahanan."

( dedicated sa fren ni author na si camille, labyu. )

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon