KABANATA 9

119 1 1
                                    

Pagkagising ko ay sumikat na ang araw. Nawalan 'ata ako ng malay. Ano ang nangyari kagabi? Asan na si Julieta? Lumibot ang tingin ko sa paligid at nakita ko siyang nakaupo sa aking tabi. "Julieta?" panawag ko dito. Tumingin siya sakin at halatang antok na antok na ito, "Magandang umaga po, Binibini. Ayos lang po ba ang inyong pakiramdam?" tanong niya. "Ayos lang ako. Ano ang nangyari?" tanong ko naman sa kanya. Kinamot nito ang likod ng kanyang ulo, "Nawalan po kayo ng malay matapos bumukas nung pinto." nakangiti nitong tugon. Aba, aba. Parang tinatawanan niya pa ako, hmp! Siya naman din takot na takot! "Si Ema lang po pala iyon." padagdag pa niya. Si Ema lang pala yung Sadako na bumungad samin kagabi!

Humikab siya, "Pagkatapos niyo pong mawalan ng malay ay pinahiga ko po muna kayo sa kama at ikaw po'y aking binantayan." matamlay nitong sabi. Nginitian ko siya, "Salamat, Julieta. Magpahinga ka na. Sigurado akong pagod na pagod ka na." sabi ko. Tumango ito, "Walang anuman, Binibini. At opo, ako po'y mamahinga muna. Hindi ko na po talaga kayang labanan ang aking antok." wika pa nito at tuluyan na itong naglakad papalabas ng kuwarto. Kawawa naman siya, huhu.

Tumayo na ako at tumambay muna ng 'onti sa kuwarto bago lumabas. Mayroon akong nakasalubong na babae sa hallway. Halatang maganda ang gising niya dahil fresh na fresh siyang tignan! Yumuko ito, "Magandang umaga, Binibini. Ikaw ba ang kaibigang inimbita ni Nikolas?" tanong niya. Napansin kong medyo namamaga ang mga mata niya. "Ako nga pala si Soledad, Binibini. Pasensiya na't ako'y hindi nakasama sa inyo kagabi dahil hindi maganda ang aking pakiramdam." paliwanag niya. "Ayos lang 'yon, Binibining Soledad. Maayos lang ba ang iyong pakiramdam?" tanong ko naman sa kanya. Nginitian ako nito, "Ayos lang, Binibini. Maraming salamat sa iyong pagalala. Halina, tayo'y dumaan muna sa aming hardin para amuyin ang mga bulaklak. Ika'y gusto ko pang makilala ng husto!" suhestiyon niya. Tumango ako, "Tara." nakangiti kong sabi.

Maya maya'y nakarating na kami sa kanilang hardin na pinapaligiran ng iba't ibang klase ng mga makukulay na bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko, "Wow!" namamangha kong sinabi. Kumunot ang noo ni Soledad, "Wow?" nagtatakang sabi nito, "Iyon ba'y ibang lenggwahe?" tanong niya pa. Ay, shucks. Nadulas na naman ako sa pagiging taglishera ko, hihi!

"Ang aking ibig sabihin ay astig." paliwanag ko sa kanya. Napatango naman ito, "Astig talaga, Binibini." natatawa nitong sabi. "Kumusta naman ang iyong unang gabi dito sa aming hacienda?" tanong pa niya. "Sobrang saya, Binibini! Ang tagal ko nang 'di nakakaramdam ng ganon na klaseng saya." nakangiti kong tugon. "Ako'y nagagalak na ika'y nabigyan ng aking mga kapatid ng sapat na kasiyahan. Sayang at ako'y okupado sa paglulukmok sa aking kuwarto kagabi." malungkot na paliwanag niya. Naalala ko tuloy yung usapan ni Dalisay at Agustino kagabi.

"Napansin ko nga na labis na nagaalala ang iyong mga kapatid sa iyo, Binibini." sabi ko sa kanya. Tipid itong ngumiti, "Ako'y nasisiyahan na nagaalala sila sa aking kalagayan. Ayos lang naman ako. Sadyang masakit lang talaga sa damdamin kapag iyong nalaman na ika'y wala na palang pagasa sa iyong pinupusuan." paliwanag nito. Kaya pala siya umiiyak, iniwan sa ere!

"Puwede ko bang malaman kung ano ang nangyari, Binibini?" tanong ko pa dito, "Okay, este- ayos lang naman din kung ayaw mong sabihin." sabi ko.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Ayos lang, Binibining Clara. Ikwento ko nalang din sa iyo dahil matalik na kaibigan ka naman ng aking kapatid." masayang tugon nito. Nakita kong pinipilit lang niyang ngumiti, "Ako'y labis na naglulukmok dahil aking natuklasan na ang binatang aking minamahal ay itinakdang ikasal sa ibang dalaga." paliwanag nito. "Hindi naman ibig sabihin niyan ay wala ka nang pag asa sa kanya!" sabi ko naman sa kanya. Nagsimula na itong lumuha, "P- Paano mo naman nasabi, Binibini?" nagtatakang tanong nito.

"Malay mo lang naman, hindi niya talaga gusto ang dalagang itinakdang ipakasal sa kanya kaya hindi siya papayag na maipakasal dito!" nakangiti kong sinabi, "Wag kang mawalan ng pag asa, Binibining Soledad." payo ko sa kanya. Napangiti rin siya dahil sa sinabi 'ko, "Tama ka nga, Binibini. Hindi dapat ako susuko nang 'di man lang lumalaban." masayang tugon nito. Ang sarap sa pakiramdam na may natulungan kang taong talagang nangangailangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon