PROLOGUE

486 3 0
                                    

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan.

Kung hindi ikaw ay hindi nalang pipilitin pang umasa para sa ating dalawa.

Giniginaw, at hindi makagalaw. Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw.

Kung di' rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli.

"Clara, please pay attention to the lesson." sabi sa akin ni professor. Tumango ako, "Okay po, sir." Inalis ko na  ang aking earphones. Epal, kainis. Palihim na lumapit at bumulong sa akin ang best friend ko na si Franz, "Mamaya ka na kasi makinig sa playlist mo." Rumolyo ang mata ko, "Katamad makinig sa lecture, e." Tumawa ito, "Pwede mo naman yan pakinggan ulit mamaya." sabi niya, "Malapit na yung exam kaya makinig ka nang mabuti." Palihim kong binalik ang isang earphone sa aking tenga at nakinig lang ako sa music hanggang sa natapos ang klase. Lumabas na kami ni Franz sa classroom at pansamantalang tumambay sa hallway, "Gusto ko na umuwi." reklamo ko sa kanya, "Joke, binabawi ko na pala." kinikilig kong sinabi. Dumaan kasi ang crush ko na si Cole. Tumingin siya sakin at ngumiti, "Wait lang, guys. Mauna na muna kayo sa labas." sabi niya sa mga lalaking kasabay niya. Lumapit ito sakin, "Uy, Clara. I'm having a party at my house tonight. Punta ka, please?" tanong niya. Tumango ako, "Sige. Sabi mo, e." sagot ko. Paawa pa siya. Papayag naman rin ako, e! Tumawa ito, "Buti naman. I'll text you the details later, alright?" Ngumiti siya at umalis na. Yung ngiti niya, shucks! Ang gwapo talaga. May pag-asa kaya ako sa isang lalaking katulad niya? Lumapit sa amin ni Franz si Cy at Alyssa na mga matalik rin naming kaibigan, "Ayie, Mrs. Asuncion!" pang-asar nila sa akin. "Wag kayo maingay, baka marinig niya kayo!" sabi ko sa kanila. Humagikgik ang mga ito, "Kunwari ka pa! Gusto mo naman eh." sabi ni Cy. Kinindatan ko siya, "Di' ko naman sinabing ayaw ko." Sinapak ni Alyssa ang aking braso, "Marupok ka talagang babae ka!" sabi niya at nagsitawanan kami. Maya-maya ay umuwi narin kaming apat para maagang makapag-ready para sa party. Nang makauwi ako, dumiretso agad ako sa aking kwarto at naghanap ng pwedeng suotin. Nilabas ko ang aking cellphone dahil nag-vibrate ito, "Want me to pick you up at your house?" tanong ni Cole sa kanyang text, "Hoy, wag na!" reply ko sa kanya, "It's okay, I insist naman eh. Where do you live?" sabi niya. Binigay ko sa kanya ang address namin, "Sige na nga. Salamat, Cole!" nahihiya kong tugon, "Anytime, Clara! See you in a bit, hehe." reply niya sa akin. Mangisay muna ako sa kilig, saglit. Charot! Agad akong nagpalit ng damit. Dahil medyo maaga pa, nagpalipas muna ko ng oras sa kwarto.

Maya-maya, narinig ko na ang busina ng kotse ni Cole sa labas ng aming bahay. Agad akong bumaba sa hagdan at lumabas para makipagkita sa kanya, "Cole!" sabi ko. Ngumiti siya, "Tara na ba?" tanong niya. Tumango ako at pumasok na kami sa kanyang kotse. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating narin kami sa bahay niya. Malapit lang naman pala samin.

ANG SUSUNOD NA ARAW. . .

Di' parin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi, huhu. Nakakakilig, oh my- "Binibining Isabella, sasama ka ba sa amin?" tanong sa akin ni Sir Fidel, "Saan po kayo pupunta?" tanong ko sa kanya, "Sa Pueblo De Flores, hija." sagot niya. Tumango ako, "Opo, sir. Sasama po ako." Ngumiti ito, "Ayos. Paalam nalang kayo sa mga magulang niyo at bukas na ang alis natin, class dismissed." Umalis na ako sa classroom at pumunta ng banyo para makapag-hugas ng kamay. Medyo natatakot pa ko dahil mag-isa lang ako pero sinubukan kong magpaka-tapang. Binilisan ko nalang mag-hugas ng kamay. Nang tumingin ako sa salamin, may nakita akong lalaki na naka-barong sa likod ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha ng mabuti dahil duguan ito. Nung una, akala ko nasa isip ko lang; tinatakot ko lang ang sarili ko, kaso nung tumalikod ako para tignan ito ay nandun nga talaga siya. I wasn't hallucinating. Sumigaw ako at tumakbo papalabas ng banyo. Nakasalubong ko si Franz sa labas at niyakap ko ito ng mahigpit, "May multo sa banyo!" sabi ko sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay, "Sira-ulo ka." sabi niya at tumawa lang ito, "Kulang ka siguro sa tulog."

Nakita kami ni Cole at lumapit ito sa amin, "Ano nangyari?" tanong niya, "Okay ka lang ba, Clara?" Tumango ako, "Okay lang naman, Cole." Bumitaw ako kay Franz, "Sasama ka ba sa amin sa Pueblo De Flores bukas?" tanong ko sa kanya. "Hindi pa ko sigurado eh. I'll ask my dad about it." sagot niya. Ngumiti ako, "Sana payagan ka para di' naman boring." sabi ko. Tumawa ito, "Pilitin ko ba si dad para masamahan ko kayo?" Hinawakan ako ni Franz sa balikat, "Sama ka sa amin para masaya si Clara." naka-ngiti niyang sinabi. Inapakan ko ang paa nito, "Manahimik ka." bulong ko. Tumingin si Cole sa kanyang relo, "Ugh, it's getting late. I have to go home or else my dad'll get mad. I'll catch you guys later, alright?" Ngumiti kami, "See you tomorrow, Cole!" sabi ko. Kumaway siya sa amin at dumiretso na siya sa exit. "Gusto mo ba pumunta sa Starbucks?" tanong sa akin ni Franz. Tumango ako, "Tara." sabi ko.

ANG SUSUNOD NA ARAW. . .

Dahil hindi na nakarating yung mga iba naming kaibigan sa meeting spot, napilitan na kaming sumakay ni Franz sa bus. Umupo ako sa tapat ng bintana at tumabi sa akin ni Franz. Saan na kaya pumunta yung mga iba? Ba't di' na sila tumuloy? Tumaas lahat ng balahibo sa aking braso nang maalala ko yung lalaking nakita ko sa banyo. Imahinasyon ko lang naman ata' yun. Nag-simula nang gumalaw yung bus at sumandal muna ko sa aking upuan habang nakikinig sa music. Pueblo De Flores, here we come.

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon