KABANATA 3

87 3 0
                                    

"Edi hindi madre si Arabella?" tanong ko kay Nikolas. Tumango ito, "Tama ka, Binibining Clara; ngunit, kahit hindi ito madre ay madasaling tao parin naman siya." sagot niya. What the hell? Di' ka madre tas' ganon ang suot mo? Baka nga nasa taong 1832 talaga kami nila Sir Fidel at Franz, huhu. Dinala kami ni Nikolas sa isang malaking kwarto na mala-banquet hall ang dating. Ang taray naman nito, sana all! Nakasalubong namin ang isang magandang dalaga pagpasok namin. "Dalisay, ano ang iyong ginagawa dito? Diba't dapat ay dadalo ka sa salo-salo ng iyong kaibigan?" tanong ni Nikolas. Tumango si Dalisay, "Ako'y aalis pa lamang, Kuya Nikolas. Napadaan lang ako sa kusina dahil nauhaw ako." Nakangiti niyang paliwanag. Hala, ang ganda naman nito. Tunay nga siguro yung kasabihang 'it runs in the family'. Nag-bow si Dalisay sa amin at tuluyan na siyang umalis. Uso nga siguro nung ganitong panahon yung pag-bow. Nilapitan ni Nikolas ang isang matandang babaeng nagwawalis, "Madam Claudia, nasaan po ang aking inay at itay?" tanong niya. Makikilala ko agad mga magulang niya? Hala, ang aga pa masyado. Charot!

"Dumalo sa piyesta ang iyong mga magulang, Ginoong Nikolas. Bukas ng gabi pa sila makakabalik mula sa kabilang bayan." sagot ni Madam Claudia. Napatingin siya samin, "Sino ang iyong mga bisita, Ginoo?" Ngumiti si Nikolas, "Mga kaklase ko po galing sa Unibersidad Ng Santo Tomas, makikitulog po sila dito sa ating tahanan." sabi niya. Nag-bow kaming tatlo nila Sir Fidel at Franz ng sabay-sabay. Naks, ano kayo ngayon? Kala niyo di' kami marunong mag-bow? Puwes, kami rin. "Magandang araw po, Madam Claudia." mahinhin kong sinabi at nginitian ko siya. Boom! Ano ka ngayon, Arabella? Nag-bow rin siya sa amin pabalik, "Kay' galang naman ng iyong mga kaibigan, Ginoo. Halina, halina! Ipapakita ko sa inyo kung saan kayo matutulog."

Sinundan namin si Madam Claudia papunta sa second floor ng hacienda. Pinakita niya kanina Sir Fidel at Franz kung saan ang kanilang kwarto at nagpaiwan muna sila don' para makapagpahinga. Magisa nalang ako, huhu. Dibali, sanay naman na ako. Charot! Dinala naman ako ni Madam Claudia sa pangatlong floor. Habang naglalakad-lakad kami dito sa hallway, napansin ko lang na maraming iba't ibang painting na nakasabit sa pader. Siguro eto yung mga miyembro ng pamilya ni Nikolas. As expected, puro mga gwapo at magaganda. Isa pa sa mga napansin ko ay walang kahit anong ilaw sa celing o' kung saan man. Pano' kung gabi na? Huhu. Binuksan ni Madam Claudia ang isa sa mga vacant na kwarto gamit ang kanyang susi, "Binibini, ika'y dito muna mananatili. Ayos lang ba sa iyo?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti, "Ayos lang po sakin yon, Madam Claudia! Ang ganda nga po ng bahay na to' eh, bihira ako makakita ng ganto' na bahay sa Maynila."

"Kay' ganda talaga ng bahay na ito, hija. Suwerte nga ako at nakakuha ako dito ng matinong trabaho para sa mga Blanco, sila ang pinakamayaman at maimpluwensiya na angkan dito sa Pueblo De Flores." masayang sinabi ni Madam. Kaya pala ang laki ng bahay nila! "Oo nga pala! Taga-Maynila ka ba, hija?" Tanong niya sa akin. "Opo," magalang kong sagot, "Don' po kami nakatira ng pamilya ko."

"Ubod ka ng suwerte, hija! Maimpluwensiya rin siguro ang iyong pamilya, puro mayayaman ang nakatira sa Maynila at nakakapagaral sa matinong eskuwelahan katulad ng Unibersad Ng Santo Tomas." sabi niya. Kumunot ang noo ko, tas' bigla kong naalala na wala ako sa 2019. Shucks! "Hindi naman po kami mayaman." nakangiti kong sinabi. Di' ko naman talaga alam. Nasaan kaya ang mga ancestor ko? Malay mo lang naman, napakayaman pala namin! "Ay sus!" natatawang sabi ni Madam Claudia, "Pasensiya na't ika'y aking dinaldal pa, Binibini. Hindi kasi dito madalas magkaroon ng bisita ang mga anak ng aking amo." Tumango ako, "Oka- ayos lang po yun, hehe. Magpapahinga po muna ako, Madam. Napagod po ako sa biyahe." pagsisinungaling ko at nakinig sakin si Madam Claudia at umalis na siya.

Sa bintana ay mayroong isang drawer na gawa sa kahoy. Lumapit ako dito at hinila ko yung isa sa mga compartment nito, natuklasan ko ang isang maliit na libro na may nakacarve na letra sa harapan. Para Sa Tagapagtanggol ng Pueblo De Flores ang nakasulat dito.

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon