KABANATA 4

64 3 0
                                    

Kinuha ko ang libro na nakita ko sa drawer at tumayo ako sa tapat ng bintana. Grabe, ang sariwa ng hangin dito. Ang lamig pa. Ibang-iba na compared sa kasalukuyang panahon, puro bughaw ang mga makikita mo sa paligid at hindi puro matataas na building. Okay, enough na sa pag-emote ko dito. Mamaya ulit. Binuksan ko ang libro at nakasulat sa unang pahina ang pangalan namin nila Sir Fidel at Franz. Hindi nga lang nakalagay kung sino ang nagsulat nito, may pa-mystery na nalalaman.

Clara Isabella, Fidel Villanueva at Franz Quezon na mula sa kasalukuyang taon. Ako'y sigurado na alam niyo na ang madugong kwento ng Pueblo De La Muerte; ngunit, alam niyo ba na pagkatapos ng isang buwan at tatlong linggo ay muling mangyayari ang pagpapakamatay? Walang matitirang buhay kahit isa, kahit ako na nagsusulat nito. Noong unang nangyari ang pagpapakamatay, ako lang ang natirang buhay kaya naghanap ako ng paraan na maibalik lahat ng aking mga minamahal. Ang nag-iisang pwedeng gawin upang mapigilan ang pangyayari na iyon ay kapag nakahanap kayong tatlo ng paraan upang mapatigil ito. Hindi ko rin kayo matutulungan dahil ako'y isa rin sa mga magpapakamatay, apektado narin ako dahil ngayon ay hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili pagkarating ng itinakdang oras. Masyadong malakas ang sumpa. Kayo na lamang ang natitirang pag-asa ng Pueblo De Flores.

Huminga ako ng malalim. Di' ko na talaga kayang i-process ano nangyayari. Ano ba talaga genre ng teleserye na to'?! Horror, Drama o Romance?! Agad akong tumakbo papalabas sa kwarto at bumisita kanila Franz. "Franz, Franz!" sigaw ko habang walang hiyang nagdadabog sa kanilang pinto. Binuksan ni Sir Fidel ang pinto, "O, Clara? May kailangan ka ba?" Tanong niya. "May kailangan tayong pag-usapan, Sir Fidel." sagot ko sa kanya. Pumasok ako sa kwarto nila at sinara ni Sir Fidel yung pinto. "May nakita akong maliit na libro sa drawer ng kwarto ko, tas' eto ang nakalagay." Pinakita ko sa kanila ang sulat. "You mean, nandito talaga tayo sa panahon ng mga bayani?" gulat na tanong ni Franz, "Akala ko binibiro lang tayo nung matanda sa kalesa nung sinabi niya satin yung taon." sabi niya. Tumango naman ako, "Ako rin eh. Di' ko alam na nandito pala talaga tayo, tas' satin pa umaasa yung nagsulat nito."

"Kung nandito talaga tayo sa taon ng 1832, hindi pa ipinapanganak si Jose Rizal dahil noong 1861 pa siya pinanganak." pagmamarunong ni Sir Fidel, kaya naman rumolyo ang mata ko. "Hindi yun ang problema natin, Sir. Nabasa mo naman yung sulat diba?" sarcastic kong sagot, at tumango siya. "Mahirap talaga paniwalaan eh, ba't ba kasi tayo pa ang napili para iligtas tong' bayan? Wala naman tayong kinalaman dito ha?" sabi ni Sir, "Wala nga po kaso sa tingin ko, wala na tayong magagawa. Nandito na tayo eh." sagot ko. Bigla kaming nakarinig ng katok sa pinto, "Ginoong Fidel, Ginoong Franz?" mahinhin na pagtawag ni Nikolas, "Halina't magpalit na kayo ng inyong kasuotan. Nandito ang aming mga katulong, mayroon silang dala na damit." sabi ng binata. Nagtago muna ako sa ilalim ng kama bago buksan nila Sir Fidel yung pinto. Maya-maya ay umalis narin silang anim at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Agad akong gumapang papalabas sa ilalim ng kama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pagkalabas ko, akala ko wala na silang lahat. Yun pala, mayroong isang binata na nakabantay sa pinto. Shucks. "At ano naman ang iyong ginagawa sa kwarto ng mga lalaki?" Ang angas naman nito, kinabog pa ata' yung lady guard namin sa school, "Sandali lang. Binibining Andrea? Ano ang iyong ginagawa dito?" tanong niya. Kumunot ang noo ko, "Ha? Sino si Andrea? Mali ka, kuya. Di' ako ang para sayo." nakangiti kong sinabi. Di' naman siguro masama kung pagtripan ko yung mga tao dito, diba? "

Nginitian ako nito, "Hinding-hindi mo ko maloloko, Binibini. Ano nga ba talaga ang iyong ginagawa sa Hacienda Blanco? Akala ko bumibisita ka sa iyong abuela?" tanong niya. Saglit lang, ano nga ba yung abuela? Wait, alam ko na! Natutunan ko nga pala kung ano ibig sabihin niyan dahil sa kakanood ko ng Dora nung bata pa ko. "Hindi ako si Andrea, kuya." palaban na sagot ko, "Mali ka nga, ayaw mo pa maniwala!"

"Ika'y nagkaroon ba ng sakit, Binibining Andrea?" sabi niya. Aba, di' talaga to' titigil! Masapak nga, charot! "Di' nga ako yun, bwis-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang itinapat niya sa mukha ko ang suot niyang locket at pinakita sa akin ang larawan na nasa loob nito. What the h- Imposible to'! Formal na portrait yung larawan. Nakatayo si kuya sa likod ng upuan kung saan naka pwesto ang isang babae, at kamukha ko yung babaeng yun! Seryoso, magkapareho kami ng mukha ni ate- pero siguro doppelganger ko lang yan. "Kaya naman pala akala mo ako, ang ganda-ganda kasi niya." sabi ko, "Pero hindi talaga ako yan, sorry." Papaalis na ako nang mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, "Binibining Andrea, may ginawa ba akong masama at ako'y hindi mo pinapansin?" nakasimangot niyan sinabi. Luh, pa-simple pa si kuya. Gusto lang naman hawakan kamay ko, hihi.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mong masama kaya hindi kita pinapansin?" sabi ko, "No sé, Binibini." sagot niya. Sige, sasabihin ko parin ano yung ipinaplano ko kahit di' ko naintindihan yung sinabi niya. "Kasi ipinipilit mo na ako si Andrea kahit hindi naman!" naiirita kong sigaw. Biglang nanlaki ang mga mata niya. Narinig ko sila Nikolas na tumatakbo papalapit sa amin, "Binibining Clara, ano ang nangyari?" hinihingal niyang tanong. Lumingon siya sa lalaking kinakairitahan ko, "Carmelo?" gulat niyang sinabi, "Bakit nandito ka?" Magkakilala sila ni kuya? "Bibisita dapat ako sa iyong kwarto; ngunit, nakita ko si Binibining Andrea." sagot ni Carmelo habang nakatingin sa aking mga mata. "Binibining Andrea?" nalilitong tugon ni Nikolas, "Ika'y nagkakamali, primo. Siya ay si Binibining Clara, kakarating lang niya rito sa ating bayan kasama ang kanyang mga kaibigan." Tumuro siya kay Sir Fidel at Franz, "Sila ay si Ginoong Fidel at Ginoong Franz, ang mga matalik na kaibigan ni Binibining Clara." Tumawa si Carmelo, "Claudio, Ernesto! Que estas haciendo aqui, amigo?" sabi niya. Huh? Mukhang nalito rin si Franz at Sir Fidel dahil nagkatinginan sila. Ngumiti si Carmelo, "Wag niyo sabihing, kinalimutan niyo na rin ako?"

"Di' kita kilala, kuya." diretsong sagot ni Franz. Tumango si Sir Fidel, "Pasensiya ka na." pahabol na sinabi niya. "Hindi ko maintindihan ano ang nangyayari." sabi ni Carmelo, "Ano ba ang pinaplano niyong tatlo?" tanong niya. "Di' ka talaga namin kilala." tugon ko. Tinignan ko si Nikolas, "Ipadala mo na kaya to' sa ospital ng mga may tama, Ginoong Nikolas?" nakangiti kong bulong sa kanya, tumawa ito. Mukhang litong-lito na si Carmelo kaya umalis nalang ito, "Tayo'y magkita na lamang sa salo-salo." seryosong sabi niya bago siya umalis. "Ako'y pupunta muna sa aking kwarto." nag-bow si Nikolas at umalis narin. "Binibini, halina. Ika'y magpapalit narin ng damit." sabi nung katulong. Tumango ako at tuluyan narin kaming umalis. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot ng barong sila Franz; in fairness, bagay sa kanila yung maginoo look!

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon