KABANATA 8

69 1 0
                                    

CLARA'S POV TAONG 2019, ISANG LINGGO BEFORE PUEBLO DE FLORES

Ibinaba ko ang hawak kong payong na basang basa sa walang tigil na ulan at niligay ko sa isang gilid. Nandito ako ngayon sa Cafe de los Montefalcos, ang paborito kong bilihan ng kape at tinapay. Sa wakas, matatakasan ko na naman ang realidad. Masyado kasing mabigat ang nararamdaman ko ngayon kaya balak ko munang uminom ng iced coffee. Wala nang tao sa linya dahil yung mga ibang customer ay nakaupo na sa kanilang mga designated na lamesa kaya wala na rin pwedeng upuan. Isang puwesto nalang ang natitira at ito ay sa table ng isang lalaki sa tapat ng bintana. Mukhang okupado siya sa laptop niyang sosyal ang brand. Nilapitan ko siya, "Kuya, may date ka ba?" tanong ko. Napatigil siya sa iniinom niyang kape at tumingin sa akin. Ngumiti ito, "Bakit? Do you want to be my date?" tanong niya. I shook my head, "Wala na kasing bakanteng table at mukhang ikaw na ang last option ko." diretso kong sagot sa kanya. Sumimangot siya, "I don't like the thought of being considered as an option." sabi nito. Aba, sa ibang table na nga lang ako umupo! Char, wala na nga palang natitirang table. Titiisin ko na lang. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tapat niya, "Wala naman akong date ngayong gabi. Feel free to sit down." Tumango ako, "Thank you, kuya." I said, "Sandali lang pala." Tumango rin siya at bumalik sa ginagawa niya kanina. Umorder muna ako sa cashier at tsaka ako bumalik sa aming table. "What's your name, kuya?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin, "Miles." sagot niya, "Ikaw ba?" tanong naman nito.

"Clara." agad kong tugon sa kanya. Tumawa ito nang mahinhin habang hawak ang mamahaling limited edition mug niya na mayroong mainit na kape sa loob, "Ang cute naman ng pangalan mo." sabi niya at inilabas niya ang kanyang kamay para makipagkamay sa akin. Di' lang naman pangalan ko ang cute, mukha rin! Char! Diretso pa ang tingin niya sa mga mata ko habang nakikipagkamay sa akin, shucks. Hinay-hinay lang sa pagiging pokpok, Clara. Wag kang lalandi ng hindi oras. "Anything on your mind?" tanong niya sa akin dahil napansin niya na nakatulala lang ako, "It isn't me, is it?" he teased. I shook my head, "Minsan kasi ang buhay masyadong-" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko, "Wala, joke lang pala. Masyadong masaya, I mean." Naalala ko na ulit kung bakit ako napadpad dito, para takasan ang mga responsibilidad ko sa buhay. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko, hays. Tumingin nalang ako sa bintana at pinanood ko yung mga iba't ibang taong dumadaan sa sidewalk. It's been a habit of mine since elementary school. I'd observe them and it would help me calm down. "Tell me, I'm willing to listen." narinig kong sabi ni Miles, "It's obvious that you've got a lot on your mind, Clara."

Tumingin ako sa kanya at nakita kong umiinom ulit ito sa kanyang mug. Tinignan ko siya nang masama, "Hindi naman tayo close. Ba't ko sasabihin sayo, sige nga?" Ngumiti lang ito, "There's this saying that it's better to confide in a stranger because there's no judgment involved." Aba, aba! Grabe talaga to' mamilit. Sige na nga! Kailangan ko naman din ng kausap. "Ano? Are you ready to talk, Clara?" tanong pa niya sa akin. "House Special for D- Dalagang Pilipina!" natatawang sabi nung isang staff. Ngumiti nalang ako, "That's for me." Tinakpan ni Miles ang bibig niya para pigilan ang kanyang tawa, "S- Sige, Dalagang Pilipina." biro nito. Naririnig ko rin yung mga staff at fellow customers na tumatawa sa paligid namin. Oo na, oo na! Nakakatawa na ko! Balak ko lang naman sana i-career ang pagiging comedyante, char! Kinuha ko na yung order ko at pagkatapos ay bumalik narin sa table namin. Okay, eto na. Eto na, Clara. You can do this. Huminga ako ng malalim, "I'm ready to talk." sabi ko. Muling sumipsip si Miles sa kanyang kape, "Okay, talk." tugon nito.

Kinagat ko ang lower lip ko, "Parang may kulang sa buhay ko." paliwanag ko, "Hindi ko alam bakit. I can really feel it, there's a missing puzzle piece and I don't know where to start looking. Naiintindihan mo ba ko?" Tumango siya, "The solution is simple. Don't look for the puzzle piece." Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi, "Let the puzzle piece look for you. One day, it'll find you." sabi niya, "But I warn you, hindi madali ang biyahe papunta sa tunguhin mo. In fact, mailalagay ang buhay mo sa panganib dahil sa labis na lungkot na mararamdaman mo sa mga susunod na araw." Pinitik ko ang kanyang noo, "Ano ang tingin mo sa sarili mo, manghuhula?" sabi ko. Ngumiti ito, "It's a special talent of mine. Ikaw lang ang tutulungan ko gamit ang talentong ito, okay? Alam kong nangangailangan ka ng tulong."

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon