KABANATA 7

77 2 0
                                    

"Eto na ata' yung cue natin para umalis." sabi sa akin ni Franz, "Paalam kaya muna tayo kay Nikolas?" bulong ko. Tumango ito, "Asan ba si Nikolas?" tanong niya, "Hindi ko rin alam eh. Di' ko na nakita kung saan sila ni Arabella pumunta." paliwanag ko sa kanya, "Baka nasa loob ng bahay." sabi ko, "Hanapin pa ba natin?" tanong ni Franz, "Wag na kaya? Baka ma-expose pa tayo sa mga tao dito eh." Nakita ko si Arabella na nag-iisa sa isang tabi kaya nilapitan ko ito, "Binibining Arabella, nakita mo ba si Nikolas?" tanong ko sa kanya. Tumango ito, "Siya'y nag-punta sa hardin." Itinuro niya sa amin kung saan kami dadaan. Yumuko ako, "Salamat, Binibini." sabi ko. Tumingin siya sa aking mga mata , "Salamat rin sa iyong ginawa kanina sa gubat, Binibining Clara. Ika'y mag-iingat." Pumunta kami sa hardin kung saan nakita namin si Nikolas na inaamoy yung mga iba't ibang klase ng bulaklak, "Ginoong Nikolas, kami'y babalik na sa inyong hacienda. Hindi maganda ang aking pakiramdam ngayon." sabi ko. Tumango ito, "Patawad, Binibini. Dapat pala'y hindi muna kita sinama." Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang balikat, "Ayos lang yun, Ginoo. Sasama ka na ba sa amin?" tanong ko, "Maiwan muna ako dito. Ako'y susunod na lamang sa inyo." sagot niya. Tumango ako, "Paalam, Ginoo." Ngumiti ang binata, "Paalam rin sa iyo, Binibini." Binalik niya ang kanyang tingin sa mga iba't ibang klase ng bulaklak.

"Isang araw palang tayong nandito sa panahon na to' pero ba't parang sobrang rami na ng mga nangyari?" bulong ko kay Franz. Tumango siya, "Kaya nga eh." sabi niya, "Isipin mo, isang araw palang to'. Paano kaya kapag pangalawang araw na natin?" Humagikgik ako, "Wag nalang muna natin isipin ang kasalukuyang panahon para di' sumakit ang ulo natin." sabi ko. Tumawa ito, "May punto ka naman." sabi niya, "Basta kasama ko naman kayo, kaya to'." naka-ngiti kong tugon sa kanya. Kinurot ako ni Franz sa braso, "Hinay-hinay lang, baka maiyak ka pa." Sumimangot ako, "Mas-masaya nga lang kung nandito rin sila Cy, diba? Kaka-miss sila eh."

"Wag mo na ko i-remind. Isipin nalang muna natin kung pa'no natin tatapusin yung misyon natin dito." Yumuko ito, "Ba't kasi sa lahat ng tao, tayong tatlo pa ang napili ng tadhana?" sabi niya, "Gusto ko na bumalik sa panahon natin." Tinapik ko siya sa likod, "Ako rin eh."

"Binibining Andrea?" narinig naming sabi ng isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong ito, "C- Cole!" tawag ko sa kanya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at yinakap ko ito, "Clara, what are you doing here?" tanong niya. "Hindi ba dapat ikaw ang tatanungin ko niyan?" sabi ko sa kanya, "Ano ang ginagawa mo dito? Wala ka naman sa bus na sinakyan namin kanina." tanong ko. "Kaya nga eh. Wala na yung bus niyo nung dumating ako sa school kaya sa pangalawang bus nalang ako sumakay." sagot niya, "Akala ko ghinost mo na kami eh." sabi ko. Tumawa ito, "Never." naka-ngiti niyang sinabi, "Ano ang nangyari sa'yo? Ba't nandito ka rin sa taong to'?" tanong ko pa sa kanya, "We got in an accident." sabi niya. Tumango ako, "Kami rin."

KANINANG UMAGA. . . COLE'S P.O.V

Nilabas ko ang cellphone ko para i-text si Clara, "I'll be a little late to the bus. Traffic is intense, sorry." I said. Hindi nag-send yung message dahil sa napaka-hinang signal dulot ng malakas na pag-ulan, "Manong, is there a detour we can take to get there faster?" tanong ko sa aming driver. "Wala, Ginoo. Pasensiya ka na." sabi niya, "Ugh." I groaned, leaning back on my chair in frustration. "Kung kailan I have to go somewhere important." naiinip na bulong ko sa aking sarili. Ngumiti sa akin yung driver nang makita ako nito, "Ayos lang yan, Ginoo. Lilipas rin ang traffic." sabi niya, "Maitanong ko lang, saan ka ba pupunta at madaling-madali ka makarating?" He asked. "We're going on a fieldtrip po." I answered, "My friend invited me to come with her kaya kailangan ko po pumunta." Tumango ito, "Kaya pala." sabi niya, "Ginoo, maari ba kita bigyan ng payo?" He asked, making eye contact with me. Tumango ako, "Okay po. Ano po ba yun, Manong?" Hinawakan ako nito sa balikat, "Sa maliit na bayan ng Pueblo De Flores, bilang na bilang ang mga taong maari niyong pagkatiwalaan." sabi niya. Kumunot ang aking noo, "Di' ko po kayo naiintindihan, Manong. What do you mean?" tanong ko. Ngumiti ito, "Ako'y iyong maiintindihan rin kapag dumating na ang itinakdang oras." He said. Tumango nalang ako dahil hindi ko na talaga naintindihan kung ano yung sinasabi niya. What a weird guy. Maya-maya ay nakarating narin kami sa school, "At last. Thank you, Manong." sabi ko. Ngumiti siya, "Ika'y mag-iingat lagi, Ginoong Cole. Lalo na sa inyong pupuntahan." He said. I got out of the car and went straight to the bus kung saan nakita ko yung mga ibang kaklase ko na nag-aabang din.

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon