KABANATA 2

106 2 0
                                    

Sinundan namin si Nikolas at pagkatapos ng mga ilang minuto ay nakalabas narin kami sa kagubatan. "Freedom, woo-hoo!" nagagalak kong sigaw at tatakbo na sana ako papunta sa daanan nang hatakin ako ni Nikolas sa pulso, "Binibini!" sigaw niya, "Ano ang iyong ginagawa? Ika'y muntik na masagasaan ng kalesa." Napatingin ako sa mga mata niya habang naririnig ko ang tunog ng kabayong naglalakad. Ang gwapo pala. Tinulak ko siya palayo, "Okay na, sir. Salamat sa pag-sagip." I rolled my eyes, at naglakad ako papalayo. Saglit, di ko naman alam san' ako pupunta. Lutang lang naman? Kainis. Tumalikod ako at tinignan ko sila, sumusunod pala sila sakin. "Oh, ano? San' na tayo punta?" tanong ko kay Nikolas, "Diretso lamang, Binibini. Tama ang iyong direksyon." sagot niya at tumango ako. Ayos, di' ako napahiya don'. Yehey! Umabot na kami sa paradahan ng mga kalesa, "Dito'y hihinto na tayo." sabi ni Nikolas. "Bakit? Sasakay ba tayo ng kalesa?" tanong ko. Medyo kabado ako kasi hindi pa ko nakakasakay ng kalesa, ever. Tumango ito, "Ika'y hindi nagkakamali, Binibini." nakangiti nitong sinabi at tinawag niya yung isang lalaki na nakapila sa harap kasama ang kanyang kalesa. "Manong, maari po bang sumakay?" magalang niyang tanong at pinasakay siya nung matanda. "Halina, halina." Tawag niya samin at sabay-sabay kaming umakbang at nagsiksikan sa loob. Ang weird. Napansin ko lang na lahat ng mga tao na nakikita naming naglalakad ay nakasuot ng mga barong at Maria Clara dress, yung mga ibang babae may hawak-hawak pa na payong at pamaypay. Cinareer si Maria Clara. Parang kami lang ata' nila Sir Fidel at Franz ang may suot na modern. Advance ba ang selebrasyon ng Buwan Ng Wika dito sa Pueblo De Flores? June palang ah, baka na-excite. "May tubig ka ba diyan?" parang pa-sindak ko na tanong ko kay Nikolas. Napahagikgik ako dahil parang nagulat siya, "Pasensiya ka na, Binibini. Ako'y walang inihandog na tubig para sa inyo pagkat hindi ko alam na may makikita pala akong tao habang nagmamasid sa kagubatan." Tumingin si Nikolas sa matandang nag-mamaneho nung kalesa, "Manong, kayo po ba'y may dala-dalang tubig para sa nauuhaw na Binibini?" Nag-tanong pa sa driver, pucha. Nagpapakapal siguro to' ng mukha.

Nag-abot si manong driver ng malaking tumbler na gawa sa kahoy at ipinasa sakin to' ni Nikolas, "Maari ka nang uminom, Binibining Clara." sabi niya, sabay ngiti. Nag-mura ako ng patago. Ang gwapo talaga, shucks. Kinuha ko yung tumbler at uminom dito. Dahil uhaw ako, syempre ninamnam ko yung tubig. Fresh na fresh, wow. "Manong," tawag ni Franz sa driver, "ano po yung date ngayon?"

Kumunot muli ang noo ni Nikolas, "Ano ang iyong ibig sabihin, Ginoo? Ano ang date?" tanong ni Manong, "Petsa po, I mean." sabi ni Franz. "I mean?" tanong naman ni Nikolas. What the hell? Di' talaga nakakaintindi ng English yung mga taga-bayan na to'. "Petsa po ang aking ibig sabihin." naiiritang tugon ni Franz, "Ano pa ang petsa ngayon?"

"Iyon naman pala." natatawang sabi ni manong, "Hunyo ng isang libo, walong daan at tatlumput-dalawa." Nanlaki ang mga mata namin. Tama ba kami ng narinig? Loko ka, manong. "Pakiulit po iyon, manong. Hindi ko po narinig." sabi ko at inulit lang din ni manong yung sinabi niya kanina. What the f-

Nagkatinginan kami nila Sir Fidel at Franz, mukhang tama talaga ako ng narinig. 1832. Ang taon ay 1832. It's either prank lang to' or talagang nag time travel kami somehow. Ang effort naman nila kung prank lang to'. Lahat ng tao nakapang-Filipiniana, huhu. Parang nung 18th century, ganitong ganito. Malinis ang paligid, fresh ang hangin, naka-pormal ang mga tao. Turo sa amin yan ni Sir Fidel, naks. Kahit yung pananalita nila pang-1800's rin. Na-realize ko na nakatunganga lang pala ako dito kaya tinignan ko sila Sir Fidel at Franz na parang napakalalim rin ng iniisip. Si Nikolas naman ay nakasilip sa dinadaanan namin. Walang kausap, kawawa. Mamaya ko na nga to' poproblemahin. Bahala na kung nandito kami sa 1832.

"Malapit na ba tayo, Nikolas?" tanong ko at tumango ang binata, "Oo, Binibini. Kaunting minuto na lamang, tayo'y makakarating na." Nagkatinginan ulit kami nila Sir Fidel at Franz, nag-shrug ako. Malay ko ba ano i-totopic ko dito. Mabagal na lumipas ang ilang minuto at nakarating narin kami sa 'hacienda' ni Nikolas. Pasosyal? Hacienda-hacienda pa kayo diyan, bahay lang naman yan. "Maraming salamat, Manong." sabi ni Nikolas at bumaba na siya sa kalesa. Sumunod si Sir Fidel at si Franz; panghuli, ako. "Thank you po, Manong." sabi ko at tinignan ako ni Manong ng masama, "Problema mo, hmp." bulong ko sa sarili ko at bumaba narin ako. San' kaya dito pwede bumili ng sarili kong Maria Clara dress?

Bumukas ang malaking gate ng hacienda ni Nikolas at meron don' matandang lalaki na nag-aantay sa kanya sa may gilid. Kinuha nung matanda ang suot niyang sombrero, tinapat ito sa kanyang tiyan at nag-bow. "Magandang hapon, Ginoong Nikolas." pag-bati nito, "Nakikita kong ika'y may dalang bisita." nakangiti nitong sinabi at tinitigan niya kami ng mabuti, nanlaki ang mga mata niya. "Ka'y ganda naman ang inyong mga suot, Binibini at mga Ginoo. Kakaibang-kakaiba. Ako'y hindi pa nakakatuklas ng mga ganyang klaseng kasuotan sa kabuoan ng aking buhay." I gulped, naalala ko na kung sino tong lalaki na to. Ito yung driver namin kanina sa bus kaya kami napunta dito in the first place! Muntik na ko umatake kaso naisip ko na mamaya nalang kasi nandito pa si Nikolas, baka mapalabas pa kami nang hindi pa nakakapasok. Pakainin ko muna sarili ko before I retaliate on him, kahit kape at tinapay lang okay na sa akin. "Sila ang aking mga kaklase mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, Mang Caesar." pagsisinungaling nito, ngumiti si Mang Caesar. Di na namin cinall out si Nikolas sa lie niya, sigurado ako it's for a good reason. "Ganon ba, Ginoo? Nagagalak naman ako na marami-rami ang iyong mga kaibigan. Naalala ko nung ako'y kasing-edad mo lamang, siguro'y yun ang isa sa nga pinakamasayang pangyayari sa buhay ko." sabi niya. Okay, sino nag-tanong? Gusto ko na kumain.

Tinignan ko sila Sir Fidel at Franz, mukhang nakilala rin nila yung mukha ni tanda. Nakailang tingin na ba kami sa isa't isa? Yung mga mukha nalang namin kasi yung natitirang ala-ala namin na galing sa 2019. Wait lang, hindi pa naman ako sigurado kung nasa 1832 kami! Hindi ko na talaga alam ano ang papaniwalaan ko at this point. Basta, mamaya ko na to' poproblemahin. Sinundan namin si Nikolas sa loob ng hacienda. Pag-pasok namin ay may nakita kaming dalagang nakasuot ng puti; parang madre, tama lang ang kanyang height, berde ang kanyang mga mailaw na mata, namumula ang kanyang labi at rosy ang kanyang mga pisngi. Ang ganda, what the hell. Siguro crush to' ng bayan sa school niya.

Nag-bow siya, "Magandang hapon, Ginoong Nikolas." mahinhin na sabi nito at nginitian niya ang binata, ang ganda talaga. Ganito ba ka-sosyal hacienda nila? May gwapong prinsipe, may magandang madre, ano pa ba? "Uy, Binibining Arabella!" nakangiting sinabi ni Nikolas at nag-bow rin siya, "Magandang tanghali rin sa iyo, ano ang iyong ginagawa dito? Diba'y dapat nandoon ka sa simbahan?" tanong niya. Humagikgik ng mahinhin si Arabella, "Napadaan lang ako, Ginoong Nikolas. Humingi kasi ng tulong sa pag-suot ng damit ang iyong ina sa akin." masaya niyang sinabi at nag-bow siya ulit, "Ako'y lilisan na, Ginoo. Nangangailangan ng aking tulong si Madam Matilda." paliwanag ng dalaga, "Hanggang sa ating muling pagkikita." Nakita niya kami na nakatayo sa likod ni Nikolas at nag-bow rin siya sa amin bago siya tuluyang umalis. Pabebe ka, teh. O sadyang mahinhin lang ba yan?

Nakangiting pinapanood ni Nikolas na lumabas si Arabella, kaya pala ha. Nginitian ko siya, "Ayie!" pagasar ko sa kanya at namula ang mga pisngi niya, "Kayo pala ni Arabella ha. Jumojowa ka na pala, di' mo sinabi sakin." He shook his head, "Hindi iyon maaari, Binibining Clara." malungkot na sabi niya. "Bakit naman?" tanong ko, "Ay, oo nga pala. madre si Arabella." Oof. Forbidden love pala, how sad. "Hindi rin, Binibini. Si Arabella'y nagmula sa isa sa mga pinakamayamang angkan dito sa Pueblo De Flores at siya'y ipinagkasundo na kay Ginoong Danilo ng pamilyang Dela Torre." Jusko po. Anong teleserye tong pinasukan namin?

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon