KABANATA 6

60 1 0
                                    

Nang magising ako, nakita ko na mahimbing na natutulog sila Sir Fidel at Franz sa harap namin habang si Nikolas naman ay mukhang gising na gising ang dugo. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa labis na pagod. Napatingin sakin si Nikolas, "O, Binibini. Ika'y nagising na pala, tayo'y nandito na." sabi niya, "Matagal ba kong natulog?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman masyado, Binibini. Maikli lamang ang iyong tulog." mahinhin niyang tugon, "Kayo'y napagod siguro." Naunang bumababa si Nikolas sa kalesa at inalalayan niya ko. Ang hirap gumalaw dito sa suot ko, huhu. I guess being beautiful has a price, charot! Nahuling bumaba sila Franz dahil kakagising lang nila. Sinalubong kami ng isang dalagang todo-todo ang pag-ngiti sa amin, "Ginoong Nikolas!" sabi niya. Kinuha ni Nikolas ang kanyang suot na sombrero at yumuko ito, "Magandang hapon, Binibining Sofia." masayang tugon niya. Tumingin sa akin si Sofia at kumaway siya, "Binibining Andrea! Hindi ako nabalitaan na nakabalik ka na pala galing ng Maynila!" Napatingin rin siya kanila Franz, "Magandang hapon, Ginoong Claudio! Sa iyon rin, Ginoong Ernesto! Maligayang pagbalik sa inyong tatlo."

"Pasensiya ka na pero hindi kami ang iyong tinutukoy." sabi ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at tinitigan niya kami ng mabuti, "Hala- ako'y nagkamali ba? Pasensiya na kayo." nahihiyang tugon ni Sofia, "Ano nga ba ang inyong mga pangalan?" tanong niya. "Ako si Clara Isabella." sagot ko sa kanya. Lumingon ako kay Franz, "Ang aking pangalan ay Franz Quezon." tumuro siya kay Sir Fidel, "Ito naman ay si Fidel Villanueva." Tumango si Sofia, "Nagagalak akong makilala kayo! Bienvenido a la ciudad de las flores!" sabi niya, "Salamat, Binibini." agad na tugon ni Sir Fidel at umalis narin kami. Tumambay muna kaming tatlo sa isang gilid habang kinakausap ni Nikolas si Sofia. Dahil naman chismosa ako, palihim akong lumapit kay Nikolas para makinig sa kanilang pinag-uusapan. "Pupunta ba sa aming salo-salo si Ginoong Carmelo?" tanong ni Sofia. Tumango ang binata, "Nakita ko siya sa may likuran kanina, malapit sa mga puno." sabi ni Nikolas, "Hayaan ko muna kayong mag-usap. Paalam, Binibini." yumuko siya at nag-lakad papalapit sa amin, "Ayos lang ba kayo diyan?" tanong niya sa amin. "Ayos lang naman," sagot ko, "medyo gutom nga lang." pahabol na sabi ko. Gusto ko na kumain, bakit ba? "Ang pagkain ay nasa loob ng hacienda. Pasensiya na't hindi ko muna kayo masasamahan dahil mayroon akong kailangan gawin na importante." madaling-madali na paliwanag ni Nikolas. Tuluyan na itong umalis at umikot muna kami nila Franz sa labas. "Ayaw mo ba siyang sundan?" tanong sa akin ni Franz, "Ba't naman natin siya susundan?" sagot ko, "Baka naihi lang yun." Tumawa si Franz, "Mukhang madaling-madali na nga siya umalis kanina eh. Sigurado ka ba na naiihi lang yun?"

Gusto ko na talaga sundan si Nikolas, huhu. Kanina pa, actually- kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil gusto ko i-respect yung privacy niya. Kasalanan ko ba kung pinanganak akong chismosa? "Tara na nga!" sabi ko. Tumango si Franz, "Bilis. Baka di' pa natin maabutan. Alam mo ba kung saan siya dumaan dito?" tanong niya. "Dito ata' sa kaliwa." sagot ko at dumiretso na kami. Pagkatapos ng ilang ikot sa kagubatan, naabutan rin namin si Nikolas. Nakatayo lang siya malapit sa isang puno, parang may inaabangan. "Nik-" Tatawagin ko na sana siya kaso tinakpan ni Franz ang bibig ko at hinila niya ko pabalik, "Wag ka maingay." bulong niya, "Tignan muna natin ano yung gagawin niyang importante."

"Binibini." narinig naming sabi ni Nikolas kaya naman bigla kaming napatingin sa kanya, "Ginoong Nikolas." masayang tugon ng dalaga na si Arabella, "Ano ang iyong nais na sabihin sa akin at ako'y ipinatawag mo dito?" tanong niya. "Nais lang sana kita makita, Binibini." paliwanag ni Nikolas. Humagikgik si Arabella, "Iyon lang ba? Tayo'y nagkatagpo naman kahapon ha?" Tinapik ako ni Franz sa balikat, "Umalis na kaya tayo?" tanong niya, "Bakit naman? Wag muna. Abangan na natin silang matapos." sagot ko. "Aking ninanais lamang na makita ang iyong mukha." mahinhin na sabi ni Nikolas, "Hindi sapat ang oras na mayroon tayo sa isa't isa." Sumimangot si Arabella, "Ginoo, alam mo naman na bawal natin ipakita ang ating nararamdaman para sa isa't isa. Kapag tayo'y nahuli, hindi lamang ako ang mailalagay sa pahamak kundi ikaw rin." malungkot niyang paliwanag.

Ang sakit naman nito panoorin. "Dito sa aming kagubatan matatagpuan ang pinakamasarap na mangga sa aming bayan." narinig ko na sabi ng isang lalaki, "Franz, may tao-" bulong ko. Lagot si Nikolas at Arabella pag' nahuli sila. Agad akong lumabas sa tinataguan namin, "Nikolas, Arabella! Umalis na kayo rito!" sabi ko, "May taong parating!" Nagulat sila nung una pero nakinig sila sa aking babala at umalis na sila. Aalis narin dapat kami ni Franz kaso nahuli ako nung lalaki; buti nalang, mabilis si Franz kumilos at nakapagtago pa siya sa likod ng puno. Yumuko ako, "Magandang tanghali po." sabi ko sa lalaki, "Magandang tanghali rin sa iyo, Binibini. Ano ang iyong ginagawa dito mag-isa?"

"Naghahanap ako ng hinog na mangga." sagot ko sa kanya, "Kuya, ikaw ba yung narinig ko na nagsasabi na ang mangga dito sa inyong kagubatan ang pinakamasarap?" Namula ang kanyang mga pisngi sa hiya, "Narinig mo yun, Binibini? Ako'y humihingi ng iyong pasensiya. Sinasaulo ko kasi ang aking sasabihin sa mga bisita." Tumango ako, "Kaya pala. Sige, ako'y aalis na. Salamat." sabi ko, "Sandali lang, Binibini. Ano ang iyong pangalan?" tanong niya sa akin, "Clara." sagot ko. Ngumiti siya, "Ako'y nagagalak na makilala ka, Binibining Clara. Ako si Danilo Dela Torre." Tumango ako at ngumiti rin pabalik, "Nagagalak rin akong makilala ka, Ginoong Danilo." At dahil awkward na, umalis ako agad. Nakita ko na wala na si Franz sa pinagtataguan niya kanina, nainip siguro. Wait lang, tama ba yung narinig ko? Danilo, as in yung Danilo na ipinagkasundo kay Arabella? Hala, siya pala yung lalaking yun. Kung hindi siya type ni Arabella, wala namang masama kung sa akin nalang siya ipagkasundo; medyo gwapo rin eh, charot!

Sinundan ko ang daan pabalik sa hacienda kung saan buhay na buhay parin ang kanilang party. Nakita ko si Franz at Sir Fidel na nakatayo sa isang gilid. Nilapitan ko sila, "Iniwan mo ko, bwisit ka!" sabi ko kay Franz at pinitik ko ito sa noo. Tumawa siya habang dahan-dahan na hinihimas ang kanyang noo, "Aray." sarcastic na sabi nito. "Nagtataka ako, nawala nalang kayo bigla." sabi ni Sir Fidel, "Pumunta ba kayo sa gubat?" tanong niya. Ipinaliwanag namin sa kanya ang mga nangyari kanina, "Anong oras kaya babalik si Nikolas?" naiinip na sabi ni Franz, "Gusto ko na umalis."

"Binibining Andrea, ika'y nakabalik na pala!" narinig naming sabi ng isang matandang babae. "For the last time, hindi ako si Andr-" Tumalikod ako at nakita kong hindi sa akin nakatingin yung matanda; kundi, sa dalagang kakababa lang ng kalesa. Napanganga ako, "Oh my g-"

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon