KABANATA 5

60 2 0
                                    

"Binibini, ayos ka lang ba?" mahinhin na tanong ng katulong habang inaayos niya ang aking damit, "Aking napansin na hindi ka na komportable kanina dahil kay Ginoong Carmelo." sabi niya. Nginitian ko siya, "Salamat sa iyong pag-aalala, ate. Ayos lang naman ako pero
'di ko lang talaga maintindihan kung bakit ba ipinipilit ni Carmelo na ako yung Andrea na sinasabi niya." sagot ko. Huminga muna siya ng malalim, "Kaya po iyon ipinipilit ni Ginoong Carmelo sa inyo dahil kamukhang kamukha niyo po talaga si Binibining Andrea. Wala pong pinagkaiba ang inyong mga mukha!" paliwanag niya, "Sino ba kasi si Binibining Andrea?" tanong ko. "Ganito po iyon, Binibining Clara. Si Ginoong Carmelo ay ang pinsan ni Ginoong Nikolas, kanyang pinupusuan si Binibining Andrea Madrid; ngunit, ang pinupusuan ni Binibining Andrea ay si Ginoong Nikolas." Nasa teleserye talaga ako, shemay! "E, sino naman ang pinupusuan ni Ginoong Nikolas?"

"Ang kanyang pinupusuan ay si Binibining Arabella Inocencio, ang dalagang ipinagkasundo kay Ginoong Danilo Dela Torre na isa sa kanyang mga matalik na kaibigan kaya naman tinatago niya ang kanyang nararamdaman para kay Binibining Arabella." sagot niya, "Iniibig ba ni Danilo at Arabella ang isa't isa?" tanong ko, "Hindi ako sigurado; ngunit, sa aking pagkaka-alam ay iniibig talaga ni Ginoong Danilo si Binibining Arabella." Kinikilig ako, huhu! Ang drama naman ng teleserye ko! "Sa palagay ko, iniibig rin ni Binibining Arabella pabalik si Nikolas kaso hindi siya ang ipinagkasundo sa kanya kaya hindi niya masabi ang kanyang totoong nararamdaman. Tama ba ko?" Sa rami ba naman ng mga kwentong binasa ko sa Wattpad, pambihira naman kung di ko pa to' alam. "Tama ka, Binibining Clara." tugon niya. "Ano nga ba ang iyong pangalan?" tanong ko sa kanya, "Ang aking pangalan ay Julieta, Binibini." masayang sagot niya sa akin. Nginitian ko siya, "Nagagalak akong makilala ka, Binibining Julieta." sabi ko. Ngumiti ito pabalik, "Ikaw rin, Binibining Clara. Ika'y isa sa mga kakaunting tao ng bayang ito na totoo ang ugali."

"Bakit naman, Julieta? Kwentuhan mo naman ako." I smirked. Tumango si Julieta, "Ipinapangako iyan sayo, Binibining Clara. Ika'y aking ku-kwentuhan pagbalik mo galing sa salo-salo." Yinakap ko siya ng mahigpit, "Salamat, Julieta! Ako na ang best fr- este, ituring mo na ako bilang pinakamatalik mong kaibigan!" sabi ko. "Nagagalak akong marinig iyon, Binibini." natatawang tugon niya. Binitawan ko na siya at umalis na ako sa dressing room, "Ingat, Binibini!" sigaw ni Julieta at kumaway ako sa kanya. Bigla kong na-realize na naiwan ko yung sulat na dala-dala ko kanina sa kwarto nila Franz kaya binalikan ko ito. Pagkabalik ko sa kanilang kwarto, nakita ko yung sulat sa loob ng drawer; kaso, meron pang isang sulat na nakatabi rito? Wala naman to' dito kanina ha? Dibale, mamaya ko na problemahin to'! Itinago ko ang mga sulat sa ilalim ng kama at lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako sa main hall at nakita ko sila Nikolas, Sir Fidel at Franz na nakatambay sa upuan. Natulala silang tatlo nang makita akong nakasuot ng Maria Clara dress, "Wag naman kayo masyadong ma-fall sakin." biro ko sa kanilang tatlo, kaso si Sir Fidel at Franz lang ang nakaintindi. Pinagtatawanan nila ako habang nakakunot lang ang noo ni Nikolas. Nagulat nalang ako nang bigla siyang ngumiti, "Bagay sa iyo, Binibining Clara." sabi niya. Ramdam ko na namumula ang mga pisngi ko. Hala, crushie- wag ka ganyan, marupok ako! Charot. "Halina. Nag-aantay na ang kalesa sa labas." sabi ni Nikolas at sinundan namin siya papunta sa kalesang sasakyan namin.

Pinauna ako ng mga lalaki na sumakay at sila'y sumunod sa akin. Ang nasa tabi ko naman ngayon ay si Nikolas at sila Sir Fidel at Franz naman ang magkatabi sa harap namin. Medyo boring yung ride kasi wala sa aming umiimik, parang may sariling mundo kaming lahat. Nakatulala lang yung tatlong lalaki sa kinaroroonan nila habang ako naman ay nag iisip-isip dito sa tapat ng bintana. "Binibining Clara, nais ko lang sana itanong: saang bayan nga pala ang inyong pinanggalingan?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang tanong at nagkatinginan kaming tatlo nila Franz. Napalunok ako sa kaba. Hala, hindi ko alam isasagot ko dito- ba't kasi may pa-interview? "Hindi talaga namin maalala, Ginoong Nikolas. Nagising nalang kami nang walang kahit anong ala-ala." pagsisinungaling ko. Tumango si Nikolas at ngumiti, "Iyan ay maalala niyo rin pagkarating ng itinakdang oras." mahinhin niyang sinabi. Tumango nalang din ako. Ang hirap mag-sinungaling kay Nikolas, lalo na't totoong-totoo ang pagkabait niya sa amin. Maybe someday, masasabi ko rin ang totoo sa kanya.

Nang Tumigil Ang Oras Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon