"JIAYUE! Ano 'to?" Galit na inilapag ni Daejin Kim ang tuxedo'ng may sunog sa gilid na likha ng plantsa.
Matalim ang tingin nito sa kanya dahilan upang panginigan ng tuhod si Jiayue.
"Pa-pasenya na Daejin, p-papalitan ko na lang 'yan." Halos maluha-luhang saad niya sa asawa. Kung nakakamatay lang ang tingin nito siguro'y kanina pa siya nakabulagta.
Nag multi-tasking kasi siya sa mga gawaing bahay kaya iniwan niya ang pinlantsa pagkatunog ng oven kaya ayun nasunog na ang tuxedo nito pagka balik niya. Ang tanga naman kasi niya pagdating sa mga gawaing bahay eh.
Ayaw naman kasi nitong kumuha ng magiging katulong nila. Gusto pa nitong siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay upang pahirapan siya ng husto. Gusto nitong magsisi siya sa kasalanang nagawa niya rito. Ngunit kasalanan nga ba talaga ang magmahal ng lubos? Maituturing bang isang kasalanan ang pagmamahal niya rito?
"Ganyan ka nalang ba lagi Jiayue!? Dinadaan sa iyak ang lahat? Damn it!" Inis itong tumalikod at malakas na binalibag ang pinto ng kanyang kwarto.
"Hangga't may luha pa ako, kaya kong magtiis Daejin... Kasalanan ko 'to kaya magtitiis ako hanggang sa mahalin mo rin ako at makalimutan mo na siya. Mahal na mahal kita at hindi ko sasayangin ang mga araw para ipadama sa'yo kung gaano kita kamahal kahit ang kapalit nito'y sugat sa aking puso. Sanay na akong masaktan at gagawin ko 'tong daan maangkin lang ang pag-ibig mo."
Mahina niyang bulong sa sarili habang hinayaang dumaloy ang masaganang luha sa pisngi.
"Hinding-hindi ako magsasawang ipadama sa'yo ang aking pag-ibig kahit ang kapalit nito'y pighati't sakit ng loob. Ngayon pa ba ako susuko gayung asawa na kita? Ngayon pa ba kung kelan Mrs. Del Castro na ako?"
He used to be her bestfriend and he used to be a gentle man. Pero dahil sa kagustuhan niyang maangkin ang pag-ibig nito'y nakagawa siya ng isang malaking kasalanan dahilan upang kamuhian siya ng asawa.
Tinapon niya ang dating masaya nilang samahan para sa pansariling interes. Interes na akala niya buong-buo niyang maaangkin.
Tumayo na siya at nagsimulang magtupi ng damit. Hindi na muna niya ininda ang nananakit na katawan dulot ng maghapong paglilinis ng bahay.
"DAMN IT!"
Inis na ibinalibag ni Daejin ang kanyang tuxedo sa sahig at pagigil na sinabunutan ang sariling buhok.
"Hanggang kailan ka magtitiis Jiayue? Hanggang kailan mo ako iiyakan?"
Sa tuwing nakikita niya ang mga luha nito'y parang sinaksak ng kutsilyo ang kanyang dibdib. Oo nga't hindi niya ito mahal pero tao pa rin siyang nakararamdam ng awa. At kahit papa'no ay naging kaibigan niya rin ito at ayaw na ayaw niyang nakikita itong lumuluha at nasasaktan.
"Bakit Jiayue? Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Bakit ginawa mong kumplikado ang mga buhay natin?"
Nagtungo si Daejin sa bar section ng kanilang bahay at nagsalin ng alak. Kasabay ng pananalaytay ng likido sa kanyang lalamunan ang pagdaloy ng ala-ala sa kanyang gunita...
Flashback...
"BAKIT KASI MAY HAKA-HAKA at adhikain pang ganito at ganyan kapag ikinasal eh." Nakangusong reklamo niya sa kaibigang si Yushan na kasama niya sa bar section ng kanilang bahay.He was his classmate and a good friend during college. Pareho sila ng kursong kinuha at parehas din ang hilig kaya nagkakasundo.
"Aba't nagrereklamo ka pa eh bukas na nga ang kasal mo!" Umiling-iling ito sabay tungga sa laman ng kopitang hawak nito.
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
RomanceMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...