Chapter 7

212 8 0
                                    

"May lakad ka ba bukas?" Simpleng tanong ni Jiayue sa asawa nang madatnan niya ito sa kanilang sala.

Kasalukuyan itong nanonood ng basketball habang nakapatong ang dalawang paa sa maliit na mesita.

"Hmm.. Wala naman. Bakit?"Balik tanong nito nang lingunin siya. Sumenyas ito sa kanya na lumapit na agad naman niyang sinunod. Umupo siya sa tabi nito at masuyo naman siya nitong hinalikan sa mga labi. Matagal ang halik na iyon na halos mapugto na ang kanyang hininga bago pa man siya pakawalan nito.

"Good. Magpapasama ako sa'yo bukas, pwede?" Lambing niya rito saka ito niyakap sa baywang. Gumanti naman ito ng yakap sa kanya na ikinatuwa ng kanyang puso.

"Yup. Saan?"

"Basta. 7:30 am tomorrow. Ge, goodnight." Iniwan na niya itong puno ng pagtataka ang mukha. Lihim naman siyang napangiti.

"Okay." Natatawa nitong tugon na may halong pagtataka. "Susunod na ako sa'yo pagkatapos nito." Dugtong pa nito. Ngumiti siya at lihim na kinilig.

Talagang kinilig siya sa sinabi nito ah. Kahit wala namang kakilig-kilig sa salita nito.

''Sana lang matuwa ka sa pagbubuntis ko Daejin.. Sana tanggapin mo ang batang ito.'' Bulong niya sa sarili at tuluyan ng pumasok sa kwarto nilang mag-asawa.

Samantala, hindi pa rin maisip ni Daejin kung saan ang lakad ng asawa bukas. Uuwi ba ito sa kanila o pupuntahan yung mga batang yagit sa kalsada?

Pero kahit saan man ito magtungo bukas ay nakahanda siyang samahan ito. Kahit abutin pa nila ang dulo ng Mt. Pinatubo hindi niya ito iiwan. Aalalayan niya ito dahil iyon ang nais ng kanyang puso. Iyon ang gusto niyang gawin. Ang samahan ito saan man ito dalhin ng mga paa.

He smiled at the thought.

MAAGANG NAGISING SI JIAYUE kinaumagahan dahil sa sobrang excitement. Ito na ang araw na ipagtatapat na niya sa asawa ang kanyang pagbubuntis.

''Sana matuwa ka Daejin.'' Pabulong niyang dalangin habang tinungo ang banyo.

Hindi niya nagisnan ang asawa kanina kaya nakini-kinita na niyang nasa kusina ito't nagluluto.

"Half the world sleepin', half the world's awake. Half can hear this heartbeat, half can hear them break." Kanta pa niya habang nagsasabon ng katawan.

Matapos mag-ayos sa sarili ay agad na siyang pumanaog para puntahan ang asawa sa kusina. Ngunit napakunot-noo na lamang siya nang wala siyang madatnan doon kundi katahimikan. Nagsimula na rin siyang kabahan dahil baka umalis na naman ito ng hindi nagpapaalam. Kusang napahakbang ang mga paa niya tungo sa study room nito kung saan ito naglalagi upang magbakasakali.

Ganoon nalang ang panlulumo niya nang hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang asawa sa buong kabahayan.

"You promised to be with me..." Anas niya habang tumutulo ang luha. Wala sa sariling napaupo na lamang siya sa sahig dahil sa sobrang pagdaramdam.

"Sana sinabi mo nalang na may lakad ka para di na ako umasa pa. Para hindi na kami umasa pa ni baby. Bakit ba ang gulo mo?" Hindi na nga niya nagawang pigilan ang mga luha at kusa na itong umagos. "No! This is enough. This is the last time I'll cry Daejin. Kelangan ko ng magpakatatag para sa magiging anak ko."

Marahas niyang pinahid ang mga luha at agad na tumayo. Inayos niya ang sarili. Muling humarap sa salamin at kinuha ang pouch para pumuntang mag-isa sa kanyang ob-gyne.

"Huwag kang mag-alala baby, mamahalin ka ni mommy.. Kahit tayo lang dalawa. Kahit wala ang daddy mo. Mamahalin kita anak ng buong-buo kaya kumapit ka ha? Hihintayin ka ni mommy.." Bulong pa niya bago pinaandar ang makina ng kanyang sasakyan.

BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon