Chapter 2

251 10 0
                                    

A/N: Ang chapter na ito ay rated SPG at bawal sa mga batang katulad ko.. hahahahaha

Sorry for the badwords!  

__________________________

PAPASOK NA SANA SI DAEJIN sa study room nang mapansin niyang nakabukas pa ang master's bedroom kung saan natutulog ang asawa.

Mula ng ikinasal sila ni Jiayue ay magkahiwalay na sila ng kwarto. Siya sa study room at ito naman ay sa master's bedroom. Oo, mag-asawa sila pero hanggang sa papel lang iyon. She is a Del Castro now but she will never be a part of him.

Kahit kailan hindi niya maituturing na asawa si Jiayue. Hanggang bestfriend lang ang tingin niya rito at hindi lalagpas yun.

Isasara lang sana niya ang pinto ngunit nakarinig siya ng mahinang ungol mula sa loob. Inatake siya bigla ng pag-alala para rito.

"Jiayue..?" Tawag niya ngunit mahinang ungol lamang ang sagot nito. Nagsimula na siyang humakbang papasok habang hinahanap ng mata ang asawa.

"Jiayue..." Muli niyang tawag dito.

"Uhmm.."

Ungol nito na parang galing sa loob ng banyo. Agad siyang napasugod doon sa pag-alala sa asawa. Hindi niya alam kung bakit pero ang lakas ng kaba ng kanyang dibdib nang makitang nakahandusay ito sa tiles ng banyo habang hawak-hawak ang noo.

"What's wrong?" Tanong niya at ka'gad na dinaluhan ito. “Nauntog ka ba? Nahilo? Come on, Jiyaue, Speak up!"

"I'm okay.." Anas nito ngunit alam niyang hindi ito okay kaya walang sabi-sabing kinarga niya ang asawa at dinala sa kama.

Kahit gaano pa kalaki ang galit niya sa asawa ay kailangan parin niyang alagaan ito sa ganitong sitwasyon lalo pa't asawa na niya ito at hindi na mababago ang katotohang iyon.

"Shit!" Mura niya ng mapansing nanginginig ito. Saka palang niya napansing nakatapis nga lang pala ito ng tuwalya. Mabilis siyang nagtungo sa closet at kumuha ng damit pantulog nito.

Pagbalik niya'y nangingiki pa ri. talaga ito sa lamig kaya nagpresinta nalang siyang bihisan ito. Umayaw pa sana ito pero naging mapilit siya. Godamnit! Ano bang ginagawa nito sa sarili?

"Damn!" Mura niya sa isip ng matanggal na niya ang tuwalya nito. Why? His wife wearing nothing for fvcking saint! He can clearly saw her flesh and it's making him uncomfortable!

"Daejin..." Nanghihinang anas nito at pilit itinatago ang nakabuyangyang na katawan. Saka palang siya natauhan nang marinig ang mahinang boses nito. Para pa siyang napaso at agad napatayo mula sa pagkakaupo sa kama nito.

"Get up and dress yourself." Aniya at tumalikod. Hindi man dapat ay biglang nag-init ang kanyang katawan dahil sa kahubaran ng asawa. Bigla ding sumikdo ang kanyang pagkalalaki na ilang buwan narin niyang hindi nagagamit.

Aalis na sana siya para pawiin ang init na lumukob sa kanyang pagkatao ngunit hindi naman niya kayang tiisin ang asawa sa ganitong sitwasyon.

Nangingiki na ito sa lamig kaya muli siyang lumapit dito at kinuha ang damit na pilit nitong inaabot. Mapipigilan pa naman niya ang tawag ng kanyang laman ngunit hindi ang init ng kanyang katawan.

Agad niya itong ipinahiga sa kama matapos niya itong mabihisan. Hindi pa rin humupa ang panginginig nito kaya kumuha na siya ng gamot panlunas sa lagnat nito. Tsk. Bakit ba kasi ito nilalagnat?

"Drink this," utos niya tsaka inabot dito ang gamot at tubig. Nanginginig naman ang kamay nito habang inaabot ang baso na may lamang tubig hanggang sa matapon iyon sa katawan nito. Agad naman niya itong dinaluhan at inagaw ang baso. "Ano ba kasi ang ginawa mo at dinapuan ka ng lagnat ha?" Sita pa niya rito at siya na mismo ang nagpainom ng gamot.

BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon