Chapter 3

212 8 0
                                    

"Shin..." Bulalas niya nang makabawi sa pagkagulat.

"Daejin!" Inilang hakbang nito ang kanilang pagitan. "I'm sorry.." Anas ng dating kasintahan bago siya niyakap ng mahigpit.

Hindi naman niya malaman ang gagawin ng mga oras na 'yon. Kung gaganti ba siya ng yakap dito o lalayuan ito dahil may asawa na siya. Hindi niya inaasahan na darating pa ang pagkakataong magkikita silang muli ng babaeng dating minahal. Na muli niyang masilayan ang kagandahan nito. Bigla yatang bumabalik ang damdamin niya para rito. Muling sumibol at muling nanariwa ang masayang ala-ala ng kanilang kahapon. Hindi na nga niya napigilan ang sarili at mahigpit na niyakap din ito na para bang wala ng bukas. Pakiwari niya muli siyang nabuhay sa mundong ibabaw pagkakita sa babaeng iniibig.

"God! I've missed you so much, hon!" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"Miss na miss na rin kita Daejin. Akala ko kaya kong mawala ka kaya ipinaubaya nalang kita kay Jiayue pero hindi eh, living without you is like living in hell. I can't live without you baby.. I'm so sorry for being narrow-minded at that time. Nasaktan kasi ako eh. Masakit sa'kin ang makita kitang nasa ganoong ayos kasama ang ibang babae a day before our wedding pa. Sorry kung nagpakalayo ako't pinutol ang lahat ng---"

"Shh.. It's not important. Ang mahalaga'y nagbalik ka. You came back for me at lalo mo lang akong binigyan ng rason na huwag kang kalimutan. Mahal na mahal kita Shin.. Mahal na mahal. Kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko. Kahit kailan hindi tumigil sa pagmamahal sayo itong puso ko. " Kinintilan niya ito ng magaan na halik sa labi.

"Mahal na mahal din kita Daejin. Ikaw lang sa buhay ko at hindi magbabago 'yon." Madamdamin din nitong saad at ito na mismo ang nag-abot ng mga labi niya at masuyo siyang hinalikan na buong puso naman niyang tinugon.

Walang pasidlan ang sayang lumukob sa kanyang pagkatao ngayong nagbalik na ang tunay niyang iniibig ngunit makakaya kaya niyang iwan ang asawa upang makasama ang babaeng tanging minahal?

NANLULUMONG NAPAUPO na lamang sa sofa si Jiayue nang makarecieved siya ng text mula kay Daejin na hindi raw ito makakauwi. Kusang nalaglag ang luha niya sa mga mata. She thought everything will be fine after what happened between them last-last night but thing's getting worst.

Hindi siya manhid para hindi mahalata na tuluyan ng nanlalamig sa kanya ang asawa. Lagi nalang itong busy at hindi makakauwi. Ni hindi na nga sila nagpasing-abot. Kung kelan tulog na siya saka naman ito nakauwi. Pag gising naman niya'y nakaalis na ito at tanging note nalang ang magigisnan niya.

Minsan tuloy naiisip niyang mag-isa nalang siya at walang asawa. The silence of this house suffocates her. Nahihirapan siyang huminga kapag naisip niyang mag-isa lang siya sa malaking bahay na ito.

Niligpit niya ang mga nakahain sa mesa dahil nawalan naman na siya ng ganang kumain. Matapos maisilid ang mga pagkain sa plastic ay nilagay niya ang mga ito sa cotton bag at kinuha ang susi ng kotse. Nilagay niya ang mga iyon sa passenger seat and turning on the engine. She have to leave this house for a while to take a break of all the things that pains her.

"Tintin!" Tawag niya sa batang nakatalikod mula sa kanya nang marating niya ang destinasyon.

Mabilis naman itong luminga para makita siya. Napalitan ng ngiti ang busangot nitong mukha pagkakita sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali, pitong taong gulang palang itong si Tintin at ulilang lubos na. Balak sana niyang ampunin ito pero ayaw naman nito kasi di raw nito kayang iwan sina Clay, Jack, Mau at Chloe. Kung pu-pwede nga lang ampunin nalang niya ang apat ay ginawa na niya.

Nakilala niya ang mga ito nang minsang siyang magawi sa isang parke kung saan muntik na siyang mahold-up. Mabuti na lamang at andoon ang mga batang iyon at pinagtutulungang hampasin ang holdaper.

BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon