"Jiayue, com'on! We're late." Sigaw ni Daejin sa asawa. Pasado alas siyete na at bilang boss, hindi sila dapat ma-late."Two minutes." Mahina nitong saad. Agad naman siyang naalerto sa boses ng asawa kaya napasugod siya sa master's bedroom kung saan sila natutulog. Oo, napadalas na ang paglipat niya ng tulugan.
"Are you okay?" Nadatnan niyang nakaupo sa sahig ang asawa habang hawak-hawak nito ang tiyan.
"Yeah." Agad niya itong dinaluhan nang akmang tatayo ito.
"You sure you're okay?" May himig pag-alala sa boses niya.
"May nakain lang siguro ako kanina na nakakasama ng pakiramdam ko." Tugon naman nito.
After ten minutes, nakarating na rin sila sa office at bumuti na rin ang lagay ng asawa. Mas naging ganado pa nga itong kumilos ngayon. Nasa iisang room lamang sila kaya malaya niyang namomonitor ang kilos nito.
Minsan ay hindi niya maiwasang magtaka sa mood ng asawa. Ilang ulit na rin niyang sinabing magpacheck-up ito ngunit nagmamatigas pa rin ito. Kesyo pagod lang daw ito. Wala naman siyang magagawa kundi hayaan na lamang ang asawa.
Tatlong katok ang bumasag sa katahimikan ng paligid at sabay pa silang napalingon sa pinto.
"Sorry for disturbing Ma'am, sir but I just want to remind you sir that you have lunch meeting with one of our client at Blue wave restaurant and he's expecting you to be there." Sambit ng sekretarya niya. "Would you like me to cancel---"
"--No, no. I'll be there. Thank you for the reminder Ms. Gonzaga."
Agad niyang tiningnan ang asawa pagkaalis ng kanyang sekretarya.
"It's okay," She give him a smile as she answered. He already promised that they will eat lunch together. Hindi naman kasi niya naalalang may ka-meeting nga pala siya ngayon. "Sabay nalang tayong magdinner mamaya" She tried to hid the sadness in her tone pero nahalata pa rin niya ito.
Umasa na kasi itong makakasalo uli siya sa pagkain ngunit hindi pala. Anyway, business is business at ito ang first priority nila. She would probably understand the situation. She is an understanding wife anyway.
Napangiti siya sa huling naisip. Ang swerte niya talaga dahil ito ang kanyang asawa.
"Pwede naman kitang isama sa--"
"--Its okay, Dae. Remember we're here for business."
He smiled and kissed her forehead.
LIHIM NA NADISMAYA si Jiayue dahil hindi matutuloy ang lunch date nilang mag-asawa gayunman, pinilit pa rin niyang pasiglahin ang sarili habang kaharap pa ito.
"Okay then, wait me here at sabay na tayong uuwi mamaya, 'kay?" Tumango lamang siya sa sinabi nito at pilit na ngumiti. Lumapit muna ito sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik. "Don't worry, babawi ako mamaya."
"Sus. Sige na at mag-aalas dose na oh." Turo pa niya sa orasan.
Napakamot naman ito sa batok at napangiti. Kahit papano naglubag na rin ang pagtatampo niya sa asawa. Ewan ba niya kung bakit naiinis na lang siya dito bigla. Minsan din bigla siyang nagtatampo.
Hayy.. Ano nga bang bago eh ganito naman na talaga ang nararamdaman niya pagkatapos ng kanilang kasal.
Hinalikan muna siya nitong muli sa mga labi ng matagal bago tuluyang umalis. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Excuse me, ma'am. Delivery po." kusang napaangat ang noo ni Jiayue pagkarinig sa boses ng sekretarya. Napakunot pa ang kanyang noo pagkakita sa bitbit nitong pagkain.
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
RomanceMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...