"JIAYUE!" Malakas na tawag ni Daejin pagkababa niya ng sasakyan.
Nakita niyang bukas ang gate ng mansyon ng pamilya Galvacio kaya nagtuloy-tuloy na siya sa loob kasabay ng pag-asam na sana'y nandoon ang asawa.
"Jiayue!" Muli niyang tawag dito habang binabagtas ang pathway patungo sa maindoor ng mansyon.
"Kayo po pala, señorito." Nakangiting bati sa kanya ni Mang Toryo—Caretaker ng mansyon— nang makita siya nito. "Mabuti naman at nakadalaw--"
"—Pasensya na po Mang Toryo pero andito po ba ang asawa ko?"
"Aba'y hindi pa nagawi ang señorita rito. Akala ko nga kasama ninyo ngayon," Mababakas sa mukha nito ang pagtataka kaya napasabunot na lamang siya sa sariling buhok.
Saan niya ngayon hahanapin ang asawa? Saan siya magsisimula? Fvck! Bakit ba kasi umalis ito?
"Sige po Mang Toryo. Babalik nalang po ako rito." Paalam niya na di malaman ang gagawin."Pakitawagan na lamang po ninyo ako kung sakaling pumarito ang asawa ko." Agad siyang sumakay sa sasakyan at pinatakbo iyon na hindi alam ang direksyon.
"PAANO ba 'yan? Cancel ang flight natin pa-Ozamiz." Baling ni Moira sa kanya.
Nanlulumong napaupo na lamang si Jiayue habang sapo-sapo ang tiyan. Balak niya sanang pumunta muna sa probinsya ng kaibigan sa Mindanao subalit mukhang hindi pa yata matutuloy. Bakit ba kasi ngayon pa nagkabagyo kung kelan naka-schedule ang flight nila?
"Is there any way?"
Moira sighed. "Bakit ka pa kasi nagdadrama eh kung bumalik ka nalang kaya sa pogi mong asawa at ayusin niyo kung ano mang meron kayo? In fact, tatay pa rin siya ng magiging anak mo. At siguradong nag-alala na yun sa'yo. Tatlong araw ka ba namang hindi umuuwi." Palatak nito na inikutan lamang niya ng mga mata.
"I doubt." Walang gana niyang saad. "Baka nga natutuwa pa yun eh." Muli na namang gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib nang maalala ang asawa.
"Kung alam ko lang ang buong detalye ng pag-aalsa balutan mo eh. Ayaw naman kasing magbigay ng kahit kaunting detalye. " Moira rolled her eyes then hissed.
"Huwag mo na ngang alamin. Baka isumpa mo na rin si Daejin. Kawawa naman kung dalawa na tayo."
"Wow! Isinumpa mo na nga 'yong tao, may gana ka pa talagang maawa ah. Ang bait mo naman 'no?" Sarkastikong sabi nito. "Ewan ko sa'yong babae ka. Tara na nga't umuwi."
Tumayo naman siya at sumabay dito patungo sa sasakyan. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang panghihinayang niyang makapunta ng Ozamiz at takasan ang masalimuot niyang buhay dito sa Maynila. Siguro nga may dahilan ang diyos kaya nangyari 'to. Wala ngang nagawa ang dalawa kundi ang bumalik sa condo ng kaibigan upang makapagpahinga.
"DAEJIN!"
Ang galit na galit na mukha ni Yushan ang nabungaran niya pag-angat niya ng mukha mula sa pagkasubsob sa mesa. At sa isang iglap lang ay inundayan na siya nito ng suntok. Ni hindi man lang siya nakapalag sa sobrang kalasingan niya. Nandito sila ngayon sa bar kung saan niya napiling uminom at maglasing para makalimot sa sakit na nararamdaman.
"Gago ka ba talaga ha? Binalaan na kita rati na huwag na huwag mong lolokohin si Jiayue pero ginawa mo pa rin! Fvck!" Hindi ito nagpaawat sa mga guards at isa pa uling suntok ang pinakawalan nito sa kanya. Hindi siya nanlaban at hinayaan lamang itong suntukin siya. He somehow deserved it. Nagsimula na ring makiusyuso ang mga tao sa bar.
"Sir, huwag po kayo dito manggulo." Ani ng guwardiya habang pinipigilan ang nagwawalang si Yushan.
"Now, Mark my word Dae! Kapag ako ang unang makakita kay Jiayue hinding-hindi ko na siya ibabalik pa sayo!"Sigaw nito sabay sipa sa boteng nabasag. "Fvck! Hindi mo man lang inalala ang kalagayan niya!"
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
RomanceMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...