"I LOVE YOU.." Bulong sa kanya ni Daejin pagka-locked nito ng pinto ng kanilang kwarto.
Ngumiti lang siya dito bilang tugon at nakipagtitigan habang mahigpit siya nitong yakap.
"I love you. At hindi ako magsasawang banggitin ng paulit-ulit iyon sa'yo." Muli ay anas nito.
Kauuwi lamang nila at heto lagi ng nakapulupot sa kanya ang asawa. Ni hindi siya nito nilubayan kahit na nagpapalit siya ng damit eh.
Is this a start? Ipagkakatiwala na ba niya ulit sa asawa ang kanyang puso?
"Da--"
Hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin dahil sinakop na nito ang kanyang mga labi. Bahagya siyang nagulat gayunman wala siyang makapang pagtutol sa ginawa nito. Bagkus tinugon din niya ito ng buong puso. Bahala na ang diyos kung saan man sila hahantong. Kung tuluyan man silang paghiwalayin babaunin na lamang niyang ala-alang ito.
NAALIMPUNGATAN SI DAEJIN nang mag-ring ang aparato niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng masulyapan ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.
Masaya siya at hindi ito tumutol ng gawin nila ulit ang bagay na iyon. Mahal na niya itong muli. Mahal na mahal.
Masuyo niyang pinagmasdan ang mukha ng asawa at buong pagmamahal na niyakap matapos niyang kabisain ang mukha nito. Nagsiksik naman ito sa katawan niya na lalong ikinalundag ng kanyang puso. Akala niya tuluyan na itong mawawala sa kanya. Akala niya katapusan na ng kasiyahan niya. Napangiti siyang muli.
"I love you..." Bulong niya rito habang kinintilan ito ng maliliit na halik. Pipikit na sana siya ng muling mag-ingay ang aparato sa kanyang tabi kaya wala siyang nagawa kundi abutin 'yon.
Shin's calling...
Bumangon muna siya at bahagyang lumayo sa asawa bago sinagot ang caller.
"Hi honey! Asan ka?" Bungad ni Shin sa kanya. Nang lingunin niya ang orasan ay alas kwatro y medya palang ng umaga.
Muli siyang napangiti ng mapadako ang paningin niya sa asawa. There's a feeling that makes him fall in love with her over and over again. Ngayon niya napatunayan na mahal na nga niyang talaga ang asawa at unti-unti ng naglaho ang nararamdaman niya para kay Shin.
Katulad nalang ngayon. He felt nothing but a little irritation. Hindi niya naman sinadyang mairita rito pero iyon ang nararamdamn niya ngayon. And he never felt any excitement at all.
"Bakit ka napatawag? Alas kwatro y medya pa lang ah?" Tanong din niya rito ngunit hindi niya pinahalata ang pagkairita.
May pinagsamahan din naman sila nito at hindi niya kayang saktan ang damdamin nito. Oo, nasaktan na niya ito pero hindi niya intensyong gawin iyon dito. Ito pa rin si Shin na buong puso niyang minahal dati at hindi niya makakalimutan 'yon.
"Anong masama do'n? Dati-rati naman akong tumawag ng ganito kaaga ah. Minsan nga mas maaga pa eh."
"I know." He sighed. "Bakit ka nga napatawag? May problema ba?"
"Bakit pakiramdam ko may mali sa'yo ngayon? May nagawa ba ako na ikinaganyan mo?" May himig pagtatampo sa boses nito.
Para namang hinaplos ang puso niya sa inasta nito. God, paano ba niya lulusutan ang sitwasyong ito na walang masasaktan? He is fvcking guilty. Kahit sino man ang piliin niya sa dalawa ay may masasaktan paring isa at lalong hindi niya pwedeng pagsabayin ang dalawa dahil maliban sa isa lang ang puso niya masasaktan din silang pareho.
"Wala. Wala naman." Pinasigla niya ang boses sa pagkakataong iyon. "Wait me there. Pupuntahan kita ngayon din."
"Okay, bye." Tugon nito at ito na rin ang unang nagpatay ng phone.
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
عاطفيةMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...