Xander's POV
"Hi!" Nagulat ako sa biglang nagsalita at lumingon nakita ko si Faye. Ano'ng ginagawa niya dito?
"Ano na naman ginagawa mo dito?" Lumapit siya sa akin. Maganda siya sa suot na simpleng shirt at jeans pero mas maganda pa rin si Farrah.
"Wala naman hinahanap ko si Louie." Lumapit siya sa akin at umupo pa talaga sa harap ko. Tss!
Magkaklase sila ni Louie kaya no wonder crush siya ni kuya matanda siya sa akin ng dalawang taon.
Ewan ko ba naiirita ako sa kanya. Ngumisi siya at tumitig sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Nasaan na ang maarte mong bestfriend?" Bigla niyang tanong.
"Bakit ka nagtatanong?"
"Masama ba magtanong?"
"Maganda bang sagutin mo ng tanong ang tanong ko?" Inis kong sambit sa kanya.
"That's what i like about you Chase suplado ka kasi." Ngumiti ito at sumandal.
Umiling ako at tumayo na para pumasok. Ayokong tinatawag niya akong Chase tch.
"Chase, birthday ko nga pala next week gusto ko sanang kumanta ka." Hirit niya pa sa akin.
Inis akong humarap sa kanya, nakatayo na rin siya habang nakahalukipkip.
"At bakit ko naman gagawin yun?"
"Bawal ba? Magaling kang kumanta Chase. Please, kahit yun na lang gift mo sa akin." Halatang nakikiusap ito pero hindi ako mahuhulog sa bitag niya.
Sasagot na sana ako sa kanya ngunit biglang sumabat si Kuya.
"Faye, naparito ka?" Nawala sa akin ang atensyon niya. Masayang lumapit sa kanya si Kuya.
"Ah, Balak ko lang sana kayong imbitahan."
"Tungkol saan?"
"Birthday ko remember? Duh." Umirap pa ito.
Ang arte niya talaga pag si Farrah pa ang nandito masaya ako pero pag siya no comment naiirita lang ako.
Pumunta ako sa sariling kong studio at kinuha ang gitara ko.
Hinayaan ko silang dalawa dun. I start to strum my guitar.
Ano naman ang kakantahin ko sa kanya? Napakamot ako sa batok. Halos kalahating oras na ako sa loob ng studio pero wala pa din akong naiisip. Ginugulo niya ang isipan ko.
"Aww, So cute baby."
Nagulat ako at napatingin sa nagsalita.
"Bakit ka nandito? Dun ka nga kay kuya." Taboy ko sa kanya. Pero imbes na lumabas ay lumapit pa ito.
"Tapos na kaming mag-usap. I like your studio." Ngumiti siya at ginala ang paningin.
"Thanks"
Walang gana kong sagot."Nag-iisip ka na ba ng ikakanta para sa akin."
"Hindi ako pupunta para kay Farrah yung kakantahin ko." malamig kong sambit.
Hindi ko alam pero nakadama ako ng guilt nang makita ang sakit na dumaloy sa mata niya.
"I'm sorry! Sige kakantahan kita sa birthday mo." Shit! Mukhang mapapasubo ako ah.
Agad lumiwanag ang mukha niya.
"Talaga?"
Tumango ako.
"Salamat aasahan ko yan, Chase."
"Sige."
Ngumiti siya ng makita ang piano.
"You love playing piano?" Tanong ko sa kanya.
Mabilis siyang tumango.
"Pwedeng-"
"Sure!"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya natawa tuloy ako.
Agad siyang nag-tipa ng tono. Napatingin ako sa kanya.
Sa tono ng tinitipa niya alam kong Crush ni David archuleta ang tono.
Para sa akin ba yung kanta? Kapal ko naman. Malay ko namang pinagtitripan oang ako ng babaeng yan. She's a player, Yun na rin siguro ang isang dahilan kung bakit ganito ako kasungit sa kanya.
"That was nice."
"That song is for you, Chase."
Nabigla ako at napatigil sa pag-strum ng gitara at napatingin ako sa kanya.
"Alam ko si Farrah ang gusto mo at kahit anong gawin kong pagpapacute sa'yo 'di mo ako mapapansin."
Kasi player ka hilig mong gawin manakit ng damdamin.
"Ah, pwede ka ng umuwi lalabas na ako nang studio at papasok ng room ko."
Aktong tatayo na ako ng magsalita siya.
"I like you! I really like you!"
Natigilan ako.
"Stop this crap, Faye."
"I'm not playing games here Chase noon pa man gusto na kita."
Napailing ako at nilagay ang gitara ko sa lalagyan at lumabas ng studio.
*Dug dug dug*
Fuck! Why do I have to feel this?Kay Farrah ka dapat tumibok hindi kay Faye. Shit this.
Nakasalubong ko si kuya na nakangiti.
"Si Faye, bro. umalis na?"
"Nandun sa studio."
"Talaga? Sige salamat, bro."
Isa pa 'tong dahilan kung bakit ayaw ko kay Faye. Siya ang gusto ni Kuya Louie, ayokong isipin ni kuya na traydor ako.

BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomantikMatagal nang gusto ni Xander si Farrah, Kababata niya. Gagawin niya ang lahat para mahulog sa kanya ang matalik na kaibigan. Pero walang gusto si Farrah sa kanya gusto nito ang Kuya niya, si Louie. Nasaktan siya kasi wala siyang ibang nagustuhan kun...