Gloomy

46 8 0
                                        

Faye's POV

Tatayo na sana ako nang masagi ko ang baso at nabasag yun. Bigla akong kinabahan.

"Ano'ng nangyari anak?"

"W-wala dad nahulog yung baso ako na po lilinis"

"Masamang pangitain yan anak pahiwatig yan na may masamang mangyayari" natigilan ako dahil sa sinabi ni Dad. Kaya ba kanina pa ako hindi mapakali? Bumilis ang tibok nang puso ko.

"K-kailangan ko na pong puntahan si Maxwell babalik na ako sa kanya Dad"

"Mabuti pa nga Hija"

Aakyat na sana ako nang mag-ring ang phone ko tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Louie! Agad kong sinagot yun.

"H-hello, Louie. Bakit ka napatawag?"

"Faye, si Maxwell" dama ko sa boses niya ang kalungkutan.

"A-ano'ng nangyari?" Hindi pa man nagsasalita si Louie lumandas na sa pisngi ko ang luha ko.

"M-may nangyaring masama sa kanya nasa ospital kami ngayon"

"A-ano? S-saang ospital yan? Pupunta ako ngayon din mismo"

"Nasa Makati Med kami"

"S-sige hintayin mo ako diyan Louie ok lang naman siya di'ba?"

"H-hindi ko alam Faye nasa loob pa siya nang Emergency Room"

Umiyak na ako sa nalaman dinaluhan ako ni Dad. Binaba ko na ang phone ko at yumakap kay Daddy.

"What happened Faye?"

"S-si Maxwell Dad may nangyaring masama sa kanya"

"Tara puntahan na natin siya ngayon"

Tumango ako at tumayo saka Hindi na nagsayang nang oras.

Nag-ayos na ako malayo pa ang magiging biyahe namin ni Dad. Babe hintayin mo ako malapit na ako.

Dalawang oras din ang naging biyahe natin bago nakarating nang Makati Med.

Agad kong hinanap si Louie nakita ko siya sa harap nang Emergency Room na nakayuko habang umiiyak ang pamilya niya. Lumapit ako sa kanila maging si Farrah umiiyak din.

"F-faye"

Lumapit sa akin si Louie naluluhang tumingin ako sa kanya bakas ang kalungkutan sa mukha niya.

"W-where's Maxwell?"

Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan parang nadudurog ang puso ko.

"Sagutin mo ako, Louie. Nasaan si Maxwell?"

"I-im sorry Faye"

Umiling ako at nilagpasan si Louie binuksan ko ang pintuan nang E.R at palalabasin sana nila ako ngunit nagmatigas ako gusto kong makita ang boyfriend ko. I feel so guilty. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang isang kama na may taong nakahiga doon at may nakatakip na puting kumot sa taong nakahiga at may bahid nang dugo yun.

No! No! Umiyak ako at lumapit sa kinaruonan niya. At hinawakan ko ang kumot na nakatakip sa kanya at dahan dahang tinanggal yun.

"No! B-babe gising na nandito na ako hindi na ako aalis please gumising ka na babe"

Niyakap ko ang katawan niya at doon humagulhol nang iyak.

"Hindi na ako aalis please gumising ka na hindi ko makakaya Maxwell please"

Walang tigil ang iyak ko habang yakap yakap ang katawan niya. Hindi na Kita iiwan bumalik ka na please gumising ka na.

"Talaga? Hindi ka na aalis?"

Nanlaki ang mga mata ko sa nag-salita. Tumingin ako sa mukha ni Maxwell na nakamulat ang mga mata at pinipigilang tumawa.

What's the meaning of this? Sinamaan ko siya nang tingin. Hinampas ko siya sa balikat bwisit.

"Aray! Babe-"

"IT'S A PRANK"

Tuwang-tuwa si Louie maging si Farrah habang nakangiti naman parents namin.

"Wow! Ang galing niyo. Pwede na kayong maging vlogger sa YouTube" Inis kong sambit.

Kainis! Lubos akong kinabahan at umiyak ako nang todo tapos prank lang pala, mga walanghiya. Inis na humarap ako kay Maxwell na tuwang-tuwa din.

"Kainis ka, Andrada bahala ka sa buhay mo"

Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Teka lang babe napilit lang ako ni Louie siya talaga nagplano nito para daw bumalik ka na sa akin bilang Desperado na akong bumalik ka sa akin pumayag na ako"

Nakangisi lang si Louie hinayupak talaga 'to kainis.

"Thank me later bro Tara sa labas muna tayo hayaan muna natin silang dalawa diyan"

"Wag niyong gawin dito ang apo ko ha"

Natawa sila sa sinabi ni Dad. God, ako yung nahihiya sa mga sinasabi ni Dad. Tumatawa silang lumabas.

Huminga ako nang malalim at humarap kay Maxwell pero pansin kong totoo talaga mga sugat niya may sugat pa siya sa noo na may bandage at may bahid nang dugo. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Bakit parang nabugbog siya?

"Babe, I'm sorry"

"Ano'ng nangyari? Totoo yung sugat mo hindi ito kasama sa prank niyo at sariwa pa yung sugat mo sa noo at may bahid pa nang dugo ang labi mong may pasa"

"Totoong nabugbog ako"

"Ha? Sino ang gumawa nito sa'yo?"

"Hindi ko alam bigla na lang akong hinarangan sa daan eh"

Hinaplos ko ang buhok niya at dinampian nang halik ang noo niya. "Bati na tayo, Babe?"

Tumango ako at niyakap siya. "Mahal na Mahal kita, Maxwell. Bwisit ka pinakaba niyo ako"

"Mahal na Mahal din kita, Faye. I'm sorry babe"

Nakaramdam ako nang relief and I'm happy now na bumalik na ako sa kanya.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon