Farrah's POV
10pm na wala pa rin siya. Ugh! Ini-imagine ko pa lang na magkasama sila ni Faye nasasaktan na ako.
Ba't hindi ka pa kasi umamin?
Hindi ako aamin! Tama! Hindi ko gusto si Xander magkaibigan lang kami.
Naghihintay ako dito sa cafe na pag-aari ng Tita Vivian nila. Kanina ko pa siya tinatawagan hindi niya naman sinasagot.
"Wala pa rin ba si Alexander the great?"
Yan talaga tawag nila kay Xander. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa.
"Wala pa rin po eh." Matamlay kong sagot at tumingin sa labas.
"Tatawagan ko."
"Hindi niya naman po sinasagot, Tita."
"Sigurado ka? Baka naman nagmamaneho na yun papunta dito?"
Tumango ako at ngumiti. Tatawagan ko na sana si Xander nang makita ko si Louie na wala sa sariling pumasok ng cafe naibaba ko ang phone ko ng makita siya.
Agad akong tumayo at nilapitan siya. Nabigla pa siya ng makita ako. Bakas ang kalungkutan sa mga mata niya.
"Farrah!"
"Are you okay?"
"Im not okay! Faye rejected me!" Umupo siya at yumuko. Lumapit naman si Tita Vivian para aluin si Louie.
Nagulat ako sa narinig. Napa-buntong hininga naman si Tita sa narinig.
"Oh my!" Napatakip pa ako sa bibig ko. Umupo ako sa harap ni Louie.
"Faye likes my brother and it hurt me so much!"
Narinig ko siyang suminghot. I really can't believe it! Iniiyakan niya ang babaeng yun?
"Ang sakit, Farrah!"
"Ano'ng gusto mong gawin ko para mawala na yang sakit na nararamdaman mo, Louie."
Inangat niya ang mukha niya. Namumula ang mga mata niya at bakas ang lungkot at pagiging desperado dun.
"Alam kong gusto ka ni Xander, Farrah. Please, wag mong hayaang mahulog ang loob ng kapatid ko kay Faye!"
"Hindi naman tama yun, Louie. Oo nasaktan ka ni Faye pero naging totoo lang siya sa'yo at ayaw niyang masaktan ka lalo kaya ni-reject ka na niya." Paalala pa ni Tita.
"But I love her, Tita!"
"Kung totoong mahal mo siya. Hayaan mo siyang maging masaya sa taong mahal niya."
Umiling si Louie at muling umiyak. Oh no!
"Yun ba gusto mo, Louie?" I have no choice.
"Oo! I love Faye so much!"
Oh God! Ano ba ang meron sa babaeng yun? Pero sige para two in one na rin.
Hitting two birds with one stone kumbaga.
Masasaktan ko na si Faye, magiging mabuti pa sa akin si Louie.
Sinamahan ko si Louie sa pagtangis niya. Hayy naku! Bakit ka ba nagsasayang ng luha sa babaeng yun?
"Louie, I like you pero hanggang dun lang ata because my heart already fell for someone else."
Hindi na niya ako narinig kasi nakatulog na siya kakaiyak. Bumuntong hininga si Tita.
"Ako na ang bahala sa batang ito, Farrah. Pwede ka ng umuwi papalalim na rin ang gabi."
Tumango ako at tumayo saka nagpaalam. Lumabas na ako ng cafe.
Biglang nag-ring ang phone ko agad kong kinuha yung phone ko sa purse at tiningnan kong sino ang tumatawag.
It's Xander! Kaya agad kong sinagot yun.
"Xander! Bakit ngayon ka lang tumawag?!"
"Ah, sorry wala kasing signal. Farrah, nasaan ka?"
"Nasa cafe pa ng Tita niyo pero papauwi na rin ako."
"Ah. Nasaan si Kuya?"
"Ayun, tulog!"
I heard him sigh on the other line.
"Narinig ko yung pag-reject ni Faye sa kanya."
"Yang babaeng yan! Naku! Umalis ka na nga diyan Xander baka pati ikaw masulot niya na naman." Hindi ko hahayaang mangyari yun.
"Chill, bestfriend! Alagaan mo si kuya pupunta agad ako diyan pagkatapos ng party. Wag ka munang umuwi."
"Sige basta bilisan mo."
Natawa siya sa kabilang linya. Kainis!
Faye's POV
Hindi ako nagsisi sa pag-reject kay Louie. I'm being honest with my feelings. I like Chase kaya dapat lang na hindi na umasa si Louie para hindi na siya lalong masaktan.
"Mauna na ako." Biglang sambit ni Chase at tumayo.
"Chase, Ano'ng oras pa lang."
"Naghihintay na si Farrah sa akin."
Malungkot ako. Siya lang ang kailangan ko dito nagustuhan ko yung kanta niya tadhana ang kinanta niya sa akin sobrang ganda ng boses niya.
"Pero Chase-"
"Please, Faye! Binigay ko na yung gusto mo. Kumanta ako sa birthday mo hanggang dun lang yun."
Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Sige. Ingat ka pag-uwi." Malungkot kong sambit sa kanya.
Tumango siya at tumalikod na. Shit! Hindi ko maintindihan sobra akong nasasaktan ng makitang lumalayo siya sa akin.
~
"Uy, insan. Napaparami ka na ah." Umupo sa tabi ko si Brad at kumuha ng kopita saka nagsalin ng alak. Nilapag ko ang kopita sa mesa.
"Hindi pa naman ako lasing." Nahihilo pa lang ako.
"Ano ba nangyari?"
"Ano ba ang ayaw niya sa akin, Brad? Hindi ko maintindihan. Everyone likes me pero yung taong gusto ko ayaw sa akin." Malungkot kong sambit sa kanya.
"Matatauhan din yun. Naguguluhan na yun panigurado."
Nakaramdam ako ng saya sa sinabi ni Bradley.
"Talaga?"
"Oo kaya wag ka ng uminom. May pasok pa bukas."
Tumango ako at ngumiti. Sana nga totoo yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/198047111-288-k263533.jpg)
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceMatagal nang gusto ni Xander si Farrah, Kababata niya. Gagawin niya ang lahat para mahulog sa kanya ang matalik na kaibigan. Pero walang gusto si Farrah sa kanya gusto nito ang Kuya niya, si Louie. Nasaktan siya kasi wala siyang ibang nagustuhan kun...