Xander's POV
Nakita ko si Farrah na nakikipag-usap kay Kuya. Nasaktan ako bigla.
"Farrah, Kelan mo ba malalaman na gusto kita?" Bulong ko habang nakatitig sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko para mapasakin na siya ng tuluyan.
Nang makita ako ni Farrah agad siyang ngumiti. So, I smiled back at her.
Nag-paalam na siya kay Kuya at agad lumapit sa akin.
"Good morning!" Masaya niyang bati sa akin.
Agad lumiwanag ang mundo ko sa ngiti niya.
"Good morning, beautiful!"
Naglakad na kami papasok ng room at nakasalubong namin si Faye.
Halatang wala sa mood masungit ang mukha eh. Hindi ko alam pero natawa ako cute kasi eh.
"Why are you laughing?" Iritadong tanong niya.
Meron ata 'to ang sungit eh hahaha.
"Bakit ang sungit mo, Crush?" Inasar ko pa siya.
Natawa ako ng nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.
"Let's go, Xander. Malelate na tayo."
Natatawa pa rin ako sanay kasi akong nakangiti siya minsan lang siya magsungit. Nilagpasan niya lang ako pero nakangiti pa din ako habang nakatitig sa likod ni Faye habang naglalakad.
"Tawang tawa ka!" Singhal bigla ni Farrah.
Nawala ang ngiti ko ng makita ang naiinis na mukha ni Farrah.
"Oh! Bakit ganyan mukha mo?"
"Wala hmp!" Padabog niyang sambit saka nauna ng pumasok. Napakamot na lang ako sa batok. Ano'ng meron ngayon? Bakit ang sungit nila? Meron ba silang dalawa? Hayy naku! Mga babae nga naman.
Pero ang cute nilang dalawa pag nagsungit.
Ang saya naman! Natawa ako at pumasok na rin.
~
Pumunta ako ng studio at nagtugtog napaisip ako. Ano'ng kanta kaya ang kakantahin ko para sa birthday niya?
Hmm! Hindi ko alam. Hindi ko alam mga gusto nun na kanta.
"Uy! Mukhang malalim iniisip ni loverboy ah."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Brad, bestfriend ko na pinsan ni Faye.
"Brad!" Ngumiti siya sa akin at umupo sa stool.
"Iniisip mo ba si Farrah o ang pinsan ko?"
'Pinsan mo'
Gusto kong isagot yun kaso ayokong sabihin basta aish.
"Wala! Nag-iisip kasi ako ng kanta?"
"Para kanino?" Kunot noo niyang tanong.
Yung ngisi niya abot tenga at mukha siyang abnoy.
"Basta."
"Sa pinsan ko noh? Wag ako, Xander."
Nanlaki mga mata ko. Paano nahulaan ng mokong na ito?
"Kasi biniyayaan ako ni professor X ng ganung kapangyarihan."
Natawa ako putcha ang gago talaga neto nakitawa na rin siya.
"May gusto ka na ba kay Faye?"
"Wala."
"Eh, bakit kakantahan mo siya?"
"Kasi yun ang gusto niya sa birthday niya ang kantahan ko siya."
"Lakas talaga ng tama sa'yo ng pinsan ko." Umiling ito saka mahinang tumawa.
"Hindi ko nga alam kung ano'ng nagustuhan niya sa akin."
"Gusto ka naman talaga ni Faye. Saksi ako dun, Xander."
"She's a player aware tayo dun, Brad. Malay natin baka trip lang ako niyan."
Kumunot ang noo niya.
"Oh, bakit?"
"Seryoso ang pinsan ko sa'yo kaso Wala kang ibang tinitigan kundi 'yang kababata mong may iba namang gusto."
Natigilan ako sa sagot ni brad.
"Come to think of it eversince na nag-meet kayo ni Faye halos hindi ko na siya nakikitang nakikipag-flirt sa iba. Sa'yo na lang natuon ang atensyon niyang gustong-gustong makuha ni Louie. Ang gulo niyo!"
"Ewan ko ba. Wala talaga akong nadarama sa pinsan mo."
Tinapik niya ako sa balikat.
"Sige. Ikaw bahala basta walang sisihan pag nakahanap na ng iba si pinsan ha."
Lumabas siya ng studio. Natulala ako bigla sa sinabi niya.
'sige ikaw bahala basta walang sisihan pag nakahanap na ng iba si pinsan ha'
'sige ikaw bahala basta walang sisihan pag nakahanap na ng iba si pinsan ha'
'sige ikaw bahala basta walang sisihan pag nakahanap na ng iba si pinsan ha'
Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko yung sinabi ni brad. Pakialam ko ba? Tss.
Inayos ko na ang gitara ko sa lalagyan at sinukbit sa balikat ko.
Paglabas ko ng studio agad kong nakita si Kuya na nakayakap kay Faye para akong nasaktan sa nakita ko nanlaki na mga mata ko ng nagsimulang ilapit ni Kuya ang mukha kay Faye parang wala naman kay Faye yun. At hindi ko napansin na nakakuyom na pala ang kamay ko.
Shit! Why do I have to feel this? Si Farrah ang gusto ko eh pero bakit nagseselos ako?.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceMatagal nang gusto ni Xander si Farrah, Kababata niya. Gagawin niya ang lahat para mahulog sa kanya ang matalik na kaibigan. Pero walang gusto si Farrah sa kanya gusto nito ang Kuya niya, si Louie. Nasaktan siya kasi wala siyang ibang nagustuhan kun...
