Chapter 3- Crush

94 9 0
                                        

Farrah's POV

"Bes?"

Nakatulog siya habang nakaupo kakahintay sa akin.

He's so sweet hinintay niya talaga ang uwian ko.

My rehearsal pa kasi kaming tinapos dancer kasi ako.

Nakita ko 'di kalayuan si Faye na nakatingin sa amin. May naisip ako alam ko may gusto sa akin si Xander ayaw ko lang ipahalata pero ewan ko ba ayaw kong mawala siya sa akin, siya lang ang nag-iisa kong tunay na kaibigan.

Crush ko si Louie gwapo kasi at mabait. Ang gentleman kasi tapos sobrang maalaga pa. Pero iba si Xander hindi ko nga alam pero hindi ko talaga kayang mawala siya sa akin.

Mainit ang dugo ko kay Faye maybe because She's Louie's ideal girl at alam kong gusto niya si Xander kaya agad kong nilapit ang mukha ko kay Xander at sa pwesto ni Faye iisipin niyang hahalikan ko si Xander.

And bingo hindi ako nagkamali paglingon ko sa pwesto niya. Wala na siya napangisi ako hindi mo maagaw si Xander sa akin.

I maybe rude but ayoko talaga Kay Faye simula nang dumating siya dito sa AU nawala na ang atensyon sa akin ni Louie at nang mga tagahanga ko dito masyado kasing talented kaya ayan marami ng tagahanga but luckily hindi siya gusto ni Xander. Kay Xander ko lang siya masasaktan.

Ginising ko si Xander.

"Farrah!"

Napansin kong nanlaki ang mga mata niya at dun ko lang naalala na nilapit ko pala ang mukha ko sa kanya.

"A-ah gabi na kasi."

Ngumiti siya at nag-inat isa pang rason kung bakit ayokong mawala sa akin si Xander yun ay sobrang gwapo niya lalo pa't naka-eyeglass siya sobrang gwapo niya talaga.

"Tara na hatid na kita." Tumayo na siya.

"Sige."

Kinuha niya ang bag ko at mga libro.

"Thanks!"

"Wala yun." Ngumiti siya sa akin.

Dinaig niya pa ang manliligaw sa mga gestures niya.

"Ahm."

"Ah."

Natawa kami ng sabay kaming magsalita.

"Sige. Go on, Farrah."

"Pupunta ka ba sa party ni Faye?"

"Hmm yes."

Nasaktan ako pupunta siya? Akala ko ba kaaway niya yun? Bakit siya pupunta? Nadismaya ako bigla.

"Ikaw?"

"Hindi may pupuntahan kami ng parents ko."

"Ah birthday niya naman pagbibigyan ko na. Yun ang hiling niya eh."

Tumango ako.

"Are you okay?"

"Yes, ofcourse!"

Ngumiti siya at nakarating na kami ng parking lot.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Salamat!"

Ngumiti ako at pumasok. Umikot siya sa kabila at sumakay din.

Faye's POV

Para akong sinaksak sa nakita ko kanina hinalikan niya si Chase nasasaktan ako.

Malaki talaga ang pagkagusto ko kay Chase. Hindi niya ako napapansin dahil kay Farrah.

"Faye"

Napatingin ako sa nagsalita, si Louie. He's dripping in sweat kakatapos lang ata ng practice nila.

"Louie."

"Ok ka lang ba? Something's wrong?"

Umiling ako.

"Gabi na ah."

"Kakatapos lang din kasi ng meeting sa office." Nauna na akong lumakad at mabilis naman siyang sumunod.

I'm also a student council president. Ako na talaga ang talented. Gusto kong matawa sa mga sinabi ko.

"Hatid na kita?"

"May kotse ako." Malamig kong sambit sa kanya.

Nawala ang ngiti niya.

"Mahal kita, Faye!" Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Alam ko."

"Hindi ko alam kung ano'ng mali sa akin para ayawan mo." Bakas ang kalungkutan sa boses nito.

"May iba na akong gusto, Louie."

Pero wala siyang ibang gawin kundi ang saktan ako.

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang lumakad.

Ewan ko ba jung bakit ganito na lang ang pagkagusto ko kay Chase siguro dahil sa personality niya rin magaling pa siya sa pagkanta at sayaw saka suplado. O baka sa akin lang siya suplado, napasimangot ako.

Marami nga nagkagusto sa akin pero yung taong gusto ko ayaw naman sa akin.

Ano ba ang ayaw niya sa akin? Maganda ako, Mayaman, Matalino, Mabait at talented. Yun talaga ang tanong ko na si Chase lang ang makakasagot.

The Story Of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon