Maxwell POV
Habang papunta ako nang ospital naisipan kong tawagan ulit si Faye. I miss her so much! sana bumalik na siya sa akin. Binaba ko ang phone at nilagay sa dashboard.
Pinark ko ang kotse sa Parking lot nang ospital habang papasakay ako nang elevator pinag-isipan ko yung mga sasabihin ko kay Danie. I'm sorry Danie pero hindi na talaga kita kayang mahalin si Faye na talaga ang Mahal ko.
Habang naglalakad ako sa pasilyo papunta nang silid ni Danie hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Nang makarating na ako nang silid ni Danie huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob at pumasok.
Agad sumigla ang mukha ni Danie nang makita ako tipid akong ngumiti sa kanya.
"Magandang hapon Tita"
"Magandang hapon din, Hijo. Maiwan ko muna kayo"
Ngumiti ako lumabas na si Tita lumapit ako sa tabi nang kama ni Danie at umupo sa upuan.
"Danie"
"Salamat at nandito ka na, Maxwell"
"Kaya ako nandito kasi may kailangan akong sabihin sa'yo" nabura ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko.
"Hindi mo naman ako iiwan di'ba? Maxwell you promised"
"I'm not the one for you, Danie. I love Faye so much I'm so sorry!"
Umiling siya at agad nag-unahan sa pagdaloy ang luha niya nakadama ako nang konsensiya pero kailangan niyang bumitaw kailangan na niya akong bitawan kasi may naghihintay sa akin at kailangan ko nang umuwi sa kanya.
"Ayokong paasahin ka lalo Danie ayokong pareho tayong magsisi sa huli Mahal na Mahal ko si Faye"
"No Maxwell nangako ka na hindi mo ako iiwan nangako ka"
"Hindi ako nangako Danie sinabi kong hanggang sa gumaling ka lang sobra na kaming nahihirapan Danie. Kung totoong mahal mo ako hahayaan mo na ako sa totoong mahal ko"
Umiyak na siya at napatakip nang mukha niya yumuko din ako I feel so guilty. Tumayo na ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
"P-please Don't leave me Max I love you so much"
Pumikit ako at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"I'm sorry Danie and Goodbye"
Lumabas na ako nang silid niya nakadama ako nang kaginhawaan sa ginawa ko. I'm free babalik na ako kay Faye.
Sa babaeng simula pa lang noon mahal na ako, sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang kulitin ako. I never thought na mahuhulog ako sa kanya sadyang napaka-misteryo nang pag-ibig.
Nadatnan ko ang Mama niya sa lobby nang ospital. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Saan ka pupunta, Maxwell?"
"Uuwi na po sorry po"
Nilagpasan ko si Tita at lumakad na papa-labas nang ospital. Sumakay ako nang kotse ko at pinaharurot ko yun. Nagtext ako kay Faye tungkol sa pinag-usapan namin ni Danie at hahanapin ko siya kahit saang lugar man siya naroon ngayon.
Faye's POV
Ngumiti ako nang matanggap ko ang Text ni Maxwell. Sorry pero gusto ko muna magpakipot. I miss him so much! Pero kailangan kong gawin 'to para makita naman niya ang halaga ko.
"Si Maxwell yan, Hija?"
Tumango ako habang kagat kagat ang labi ko.
"Balikan mo na mamaya may mangyari pa at mahirap nang magsisi sa huli anak"
Nakadama ako nang kaba sa sinabi ni Dad. Wala namang mangyayari di'ba? I call Louie kung nakauwi na ba si Maxwell.
"Hindi pa Faye eh kanina pa nga yun umalis hindi pa bumabalik baka hinahanap ka"
Huminga ako nang malalim.
"Tawagan mo ako pag dumating na siya ha? Thank you Louie"
"Anything for my Crush" natawa ako sa biro ni Louie natawa din siya sa kabilang linya. Binaba ko na ang phone ko. Sandali na lang Babe.
3rd Person's POV
Gabi na pero hindi pa rin napapagod si Maxwell kakahanap kay Faye ngunit Hindi siya sumusuko hahanapin niya pa rin ang kasintahan at lalayo sila at mamuhay nang tahimik.
Papaliko na sana siya nang may humintong itim na SUV sa harap nang kotse niya.
Napalunok ang Binata bumaba dun ang apat na lalaking kapwa armado at lumapit sa kinaruonan niya. Kumatok ang Isa sa windshield nang kotse niya.
"Baba" wala siyang nagawa kundi ang bumaba.
"Bakit? Ano'ng kasalanan ko sa inyo?"
"Sorry Bata pero napag-utusan lang sige gulpihin niyo na yan"
Sumugod sa kanya ang tatlong lalaki naka-iwas siya sa unang suntok pero hindi ang pangalawa bumulagta siya sa daan sa lakas nang suntok nang isa agad niyang naramdaman ang dugo sa labi.
Tatayo pa sana siya nang sipain siya sa sikmura nang isang lalaki muli siyang napahiga at napangiwi sa sakit na naramdaman parang namanhid ang katawan niya sa sipa nito. Tinayo siya nang isang lalaki at muli siyang nakatanggap nang suntok at dalawang beses siyang sinipa sa sikmura habang nakahandusay siya sa daan. Ramdam niya ang dugong dumaloy sa noo niya nang sinipa siya nang Isa sa ulo.
Pinilit niyang bumango pero muli siyang sinipa nang dalawang lalaki. Dobleng sakit ang naramdaman niya. Sumuka na siya nang Dugo dahil sa ginawa sa kanya.
Hinawakan siya nang dalawang lalaki sa magkabilang braso pinagsusuntok siya nang dalawang lalaki lungayngay na siya pero Hindi siya tinigilan nang dalawang lalaki.
"Wala na 'to hayaan na natin yan dito"
Tumawa pa ang mga ito bago siya pabagsak na binitawan nang dalawang lalaki. Duguan na ang mukha niya at naging kulay pula ang kulay puti niyang damit. Iniwan siya nang mga ito nang walang malay at duguang nakahandusay sa daan.

BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomansaMatagal nang gusto ni Xander si Farrah, Kababata niya. Gagawin niya ang lahat para mahulog sa kanya ang matalik na kaibigan. Pero walang gusto si Farrah sa kanya gusto nito ang Kuya niya, si Louie. Nasaktan siya kasi wala siyang ibang nagustuhan kun...