Xander's POV
"Pupunta ka talaga dun?"
Malungkot na sambit ni Farrah. Humarap ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya.
"Nangako ako kay Faye pagkatapos kong kumanta pupuntahan agad kita."
"Promise?" Tumango ako saka ngumiti.
"Hihintayin kita, Xander."
"Sige. Aalis na ako."
I kiss her forehead bago pumasok sa kotse.
Nakaisip na ako ng kantang kakantahin ko para kay Faye.
Napangiti ako hindi ko alam pero masaya ako shit.
Pagkarating ko sa bahay nila mansion nga pala sobrang laki ng bahay nila eh.
Pumasok ako bitbit ang regalo ko at ang gitara.
"Magandang Gabi, Tita!" Nakangiti kong bati sa mama ni Faye.
Ngumiti siya sa akin. "Magandang gabi din, Hijo. Yung kapatid mo kanina pa dumating. Bakit ngayon ka lang?"
"Nag-ayos pa po kasi ako at bumili ng regalo. Nasaan ho si Faye?"
"Nandun sa loob, Hijo. Puntahan mo na lang baka magkasama sila ni Louie."
Nagpasalamat muna ako bago ako lumakad. Habang papasok ako ng mansion nila, marami pa ang nakakilala sa akin, schoolmate namin eh. Mabilis akong pumasok at agad akong pumanhik sa hagdan at pinuntahan si Faye pero bago ako pumasok sa silid niya narinig kong parang may kausap siya.
"P-pero Faye-" Kita ko kung gaano kalungkot ang mukha ni Kuya.
"Louie, I like Xander. Ayokong saktan ka pa lalo at lalong ayokong paasahin ka."
"I love you, Faye!" Pagsusumamo pa ni Kuya. Napasandal ako at pumikit.
Ramdam ko sa boses ni kuya na nasasaktan siya. Fuck!
"I'm sorry, Louie. Please, wag ka ng umasa sa akin."
"Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin."
"Sigurado na ako sa nararamdaman ko."
"Pero Hindi ka gusto ni Xander! Mas gusto nun si Farrah."
Bumuntong hininga ako.
"I don't care! As long na mahal ko si Xander, Wala akong pakialam kung may gusto man siyang iba."
Parang hinaplos ang puso ko sa sagot niya.
"Hindi ako susuko, Faye." Pursigido pa rin si Kuya.
Agad akong nagtago ng maramdaman kong papalabas na si kuya nang silid ni Faye.
Sumilip ko si Kuyaya at nakita kong matamlay itong naglalakad.
Fuck! Ayokong nasasaktan ang kapatid ko. Pumasok ako sa silid ni Faye at natigilan siya ng makita ako tapos bigla siyang ngumiti. Tumayo siya at lumapit sa akin saka nanlaki mga mata ko sa ginawa niya. She hugged me!
"Thank God you came akala ko hindi ka na pupunta." Hindi ako gumagalaw pero hinahayaan ko lang siyang yakapin ako.
"I promise. Right?"
Tumango siya. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik, para siyang batang takot na mahiwalay sa akin.
"Thank you!"
Tumikhim ako at napansin niya ata na kanina pa siya nakayakap sa akin.
"Sorry! Sobrang saya ko lang na pumunta ka, Chase." Kumawala na siya sa akin.
Ngumiti ako at binigay ang regalo ko sa kanya.
"Open it!" Masayang sambit ko sa kanya.
Nakangiti siya habang bbinubuksan ang regalo.
"Wow! This is expensive, Chase. It's from Cartier."
Kinuha niya ang kwintas sa loob ng premium box. Simple lang yung kwintas pero alam ko magugustuhan niya.
"Pagkakita ko sa kwintas nagandahan agad ako at naisip kita. Kaya yan ang binili ko." Kinuha ko sa kanya ang kwintas.
"Really?" Tumalikod siya sa akin.
Tumango ako habang sinusuot ko sa leeg niya ang kwintas.
Tumango siya bakas pa rin Ang kasiyahan sa mukha.
Pumunta ako sa likuran niya at bahagya niyang inayos ang buhok sa kanang balikat.
Sinuot ko sa leeg niya ang kwintas. Napaharap siya sa salamin.
"It's really beautiful! Thank you, Chase! I'll treasure this one." Hinawakan niya ang pendant.
Ngumiti ako.
"You're beautiful."
Bahagya pa siyang namula natawa ako. I can't believe this! The campus sweetheart is blushing.
"W-what's funny?"
"Nothing. Tara na sa labas?"
Tumango siya at kinawit ang kamay niya sa braso ko.
Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok nang puso ko.
Di'baa dapat kinaiinisan ko siya? Bakit ganito na ngayon? Fuck! The abnormality of love is real.
"I'm really happy, Chase!"
"Talaga? Ako ba talaga ang dahilan?"
Tumango siya at dinampian ng halik ang pisngi ko. Tumingkayad pa pandak kasi.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
Storie d'amoreMatagal nang gusto ni Xander si Farrah, Kababata niya. Gagawin niya ang lahat para mahulog sa kanya ang matalik na kaibigan. Pero walang gusto si Farrah sa kanya gusto nito ang Kuya niya, si Louie. Nasaktan siya kasi wala siyang ibang nagustuhan kun...