Chapter 7- Confession

62 8 0
                                        

Farrah's POV

"Xander."

Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Pasensiya ka na ngayon lang."

"Ok lang yun. Tara na?"

Everytime he smile my heart began beating fast.

"Farrah, Let's eat. My treat." Natuwa ako. Aba, libre kaya yun.

Inayos niya ang salamin kaya natulala pa ako sa kanya. Ang gwapo niya kasi hindi ko alam kung bakit naloko na 'to dati eh.

"Hey, Are you okay?"

Natauhan ako at namumulang umiwas nang tingin.

"You're blushing." Tuwang-tuwa na sambit niya. Inirapan ko naman siya.

"Hindi kaya!"

"Yiieeh! Crush mo ako?"

"Hindi ah. Si Louie lang kaya ang crush ko."

Ngumiti siya pansin ko ang pagiging masaya niya simula pa kahapon. Is this because of Faye? Nah. Ayokong isipin hindi pwede.

"Xander, Kumusta ang party?"

"Ok naman."

Nawala ang ngiti niya at parang may naalala.

Ano kaya ang nangyari kagabi?
Parang problemado si Xander eh.

"May problema ba?"

"Wala naman."

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Wala. Farrah, may gusto akong aminin."

"Ano yun?"

Aaminin na ba niyang gusto niya na si Faye?

"Farrah?" Humarap siya sa akin

Ngumiti ako at lumapit pa sa kanya napalunok ito pansin ko kasi ang pagtaas baba ng adams apple niya.

"Ano yun? Sabihin mo na."

"Ano kasi-"

"Gusto mo si Faye?"

"H-ha? H-hindi!"

"Then, why are you stuttering?"

"Ikaw ang gusto ko."

Kunwari pa akong nagulat matagal ko ng alam na gusto niya ako halata sa mga kilos niya.

"A-ano?"

Yumuko siya. Gusto kong matawa gusto ko lang siyang pagtripan.

"Farrah, I know you don't like me but I can't take this anymore. I like you! I really do!"

"Oh my God!"

Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa mga mata niya.

Ngumiti ako at niyakap siya at halatang nabigla siya sa pagyakap ko sa kanya.

"Matagal ko ng ramdam na gusto mo ako."

"T-talaga?" Niyakap niya ako pabalik.

Tumango ako at ngumiti.

"Di ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"K-kasi ayaw mo-"

"Shhh. Akala ko nga si Faye na gusto mo eh."

Umiling siya at ngumiti.

"Ikaw lang ang gusto ko."

"Salamat, Xander. Don't worry may chance ka sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya. Ang cute niya talaga.

"T-talaga?"

Tumawa ako. Why so adorable, Xander?

"Oo naman. You know what? Crush na rin kita Xander sadyang pabebe lang talaga ako."

Agad lumiwanag ang mukha niya. Ang gwapo!

"Salamat, Farrah. God! akala ko ire-reject mo ako."

"I'm not like Faye."

"Yeah. Sinaktan niya si Kuya."

"Because of you."

"I know pero sana isipin niya man lang kung ano'ng mararamdaman ni Kuya diba?"

"Yeah! I know. She's being insensitive."

Tumango si Max. Nakita ko si Faye na lumabas ng room nila kasama si Brad napadako ang tingin niya sa amin kaya agad kong kinawit ang kamay ko sa braso ni Xander. Agad niyang iniwas ang tingin niya.

"Xander, ngayong alam na natin ang nararamdaman sa isa't isa. May isa lang sana akong pabor."

"Anything."

"Stay away from Faye. I'm jealous Xander pag lumalapit ka sa kanya."

"Anything you want. I'll stay away from her." Pero bakit parang hindi siya masaya sa desisyon niya? Hindi ko hahayaan na mahulog si Xander sa kanya.

Thank God! Ibinigay mo si Xander sa akin. Masasaktan ko na si Faye sa pamamagitan ni Xander. I maybe a bitch pero ayoko lang talaga kay Faye.

Pumunta kami ng cafe dito sa loob ng AU. Ang yaman nina Xander.

"Blueberry cheesecake?" Hula niya sa paborito ko habang nakangiti.

Tumango ako habang nakangiti.

Pumila si Xander sa counter. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko na seryosong nag-uusap sina Louie at Faye. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

The Story Of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon