Chasing

37 8 0
                                        

Faye's POV

"Hija, May bisita ka sa baba" napaupo ako sa sinabi ni Dad.

"Sino po?" Takang tanong ko. Hindi naman siguro si Maxwell di'ba?

"Sina Louie at Farrah" napahinga ako nang malalim salamat naman akala ko si Maxwell na.

"Pakisabi sandali lang"

"Sige anak" naligo na ako at nag-ayos saka bumaba para harapin sila.

"Hayy akala namin pumunta ka nang abroad"

"Hindi ah kapagod kaya" nagtawanan kami.

"Tara almusal nagluto si Dad para sa inyo" ngiting-ngiti naman sila.

"Hinahanap ka na ni Maxwell ngayon girl kawawa nga eh"

"Bakit naman? Eh mas pinili nga niyang bantayan si Danie kahit na nasasaktan na ako"

"I know Maxwell hurt you Faye pero sana mag-ayos na kayo marami na kayong napag-daanan ngayon pa ba Kayo susuko?"

Umiwas ako nang tingin kay Louie. At pumuna na lang ako nang dining saka umupo sa upuan.

Sumunod naman silang dalawa nakapag-hain na si Dad.

"Maiwan ko muna kayo may pupuntahan lang ako"

"Sige Dad ingat ka"

"Sure Hija"

Umalis na si Dad naiwan kaming tatlo mas lalong naging awkward ang paligid.

"Kelan niyo ba balak mag-ayos?"

Kumibit ako nang balikat "I dunno Louie pero masakit pa kasi hayaan mo ang kapatid mong mahanap ako kasi kung totoong mahal niya ako mahahanap niya ako".

Tumango si Farrah na sang-ayon sa sinabi ko "Somehow tama si Faye Louie hayaan mo si Maximo na maghirap aba naalala ko dati si Faye ang habol nang habol sa kanya feeling pogi talaga yang kapatid mo"

Nagtawanan kami. I can't believe na magiging ok pa kami ngayong tatlo silang dalawa ang hadlang sa Amin noon ni Maxwell.

Maxwell's POV

Napatayo ako nang makitang pumasok nang bahay Sina kuya Louie at Farrah.

"M-may alam na ba kayo kung nasaan si Faye ngayon?"

"Wala pa rin Bro eh napagod nga kami ni Farrah"

"Oo nga, try mo tawagan ulit baka sagutin na niya"

Laglag ang balikat na umupo ako ulit umupo silang dalawa sa kabilang couch. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Faye pero wala pa rin. Unattended pa rin gusto kong mapamura.

"Hindi ako mapapagod sa kanya"

"Tama yan bro dapat lang na ipaglaban mo siya ngayon pa ba kayo bibitaw?"

Tumango ako kay Kuya. Pag nahanap kita hindi na kita papakawalan Faye Mahal na Mahal kita.

Tumayo ako at inayos ang damit ko.

"Saan ka pupunta Bro?"

"Pupuntahan ko si Danie kailangan ko nang sabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal at kailangan niyang tanggapin yun"

Ngumiti silang dalawa ni Farrah sa lahat nang nangyari sa aming dalawa ngayon pa ba ako susuko. Itatali ko siya pag nahanap ko siya para hindi na siya makawala sa akin.

Nagpaalam na ako at lumabas habang papasakay ako nang kotse nag.ring ang phone ko kinuha ko yun sa bulsa at sinagot ang tawag nawala ang ngiti sa mukha ko akala ko si Faye na Yung nanay pala ni Danie.

"Hijo, sorry sa istorbo pero hinahanap ka ni Danie"

Huminga ako nang malalim "papunta na po ako diyan Tita"

"Sige hihintayin ka namin kanina ka pa niya hinahanap"

"Sige po"

Binaba ko na ang phone ko. Kailangan nilang maintindihan na hindi ko na Mahal ang anak nila, kailangan nilang tanggapin na ibang babae na ang mahal ko at si Faye yun.

Sumakay ako nang kotse at pumunta nang ospital. Aayusin ko na ang lahat Faye pagkatapos nito magiging maayos na tayo at tahimik.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon