Forgive and Forget

54 8 0
                                    

Faye's POV

Mahimbing na natutulog ngayon si Maxwell nandito ako at binabantayan siya sina Tito at Louie patuloy na hinahanap yung mga gumawa nito kay Max. Hinaplos ko ang buhok niya. Akala ko biro lahat yun pala napahamak talaga siya kaya pala ganun na lang ang kaba ko.

"Hindi na ako aalis babe Mahal na Mahal Kita" I kissed his forehead at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

Magbabayad ang gumawa nito sa kanya. May suspek na ako pero syempre kailangan ko nang pruweba. Maaring mamatay si Maxwell sa ginawa nila maaring magkaka-internal hemorrhage siya dahil sa tindi nang pambubugbog sa kanya. Maayos naman daw siya na-CT scan na siya at wala naman daw delikado sa lagay niya.

Pasalamat lang sila kasi malakas si Max kasi pag nalagay talaga sa panganib ang buhay niya hindi ko na alam ang magagawa ko sa kanila.

Nasabi ni Louie na pumunta daw siya kay Danie para sabihin dito na wala na siyang maasahan kay Maxwell nakiusap si Max sa kanya na pakawalan na siya ni Danie kasi ako na yung mahal niya tapos pagkagabi papauwi na daw si Max nang bigla na lang may umabang kay Max at binugbog siya. Humanda ang babaeng yun sa akin pag napatunayan kong may kasalanan sila nang pamilya niya.

Nagulat ako nang marinig na bumukas ang pintuan kaya lumingon ako at nakita ko siya kaya nagdilim ang paningin ko at tumayo ako.

"Ano'ng gina-gawa mo dito? Ang kapal rin nang mukha mo noh? Napahamak siya nang dahil sa'yo sigurado akong ang pamilya mo ang nag-utos na ipa-gulpi si Max"

Umiiyak siya habang nakatitig kay Max na mahimbing pa ring natutulog.

"I-im sorry hindi ko alam wala akong alam sa ginawa ni Dad"

"Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila kay Max"

"I'm sorry Faye naging madamot ako" muli siyang umiyak. I never thought na makikita ko siyang ganito kahina. Huminga ako nang malalim.

"Kung hindi pa napahamak si Max hindi ka pa magbabago" umiling siya saka pinahid ang luha niya.

"Simula nang mag-usap kami noong nakaraang araw noong pinaintindi niya sa aking hindi na niya ako mahal at ikaw na ang Mahal niya dun ako natauhan. I'm being selfish hindi ko iniisip ang mararamdaman niyo ni Max. All i care about is myself naging makasarili ako, inggit na inggit ako sa'yo kasi Mahal na mahal ka ni Max"

Hindi ako sumagot pinakinggan ko ang mga hinaing niya.

"I-ingatan mo si Maxwell, Faye. I'm setting him free"

"Thank you. Don't worry sasabihin ko kay Max ang sinabi mo. And please Danie mag-bakasyon ka muna hilomin mo ang sarili mo at magbagong buhay ka darating din ang lalaki para sa'yo"

"Lubos ko nang pinagsisihan ang mga nagawa ko sa inyo"

"Mabuti naman pero ibaon na natin sa limot yun Danie oras na para ayusin natin ang sarili natin"

Tumango siya at pinahid ang luha niya tipid siyang ngumiti sa akin "Pakisabi kay Max na susuko si Daddy dahil sa ginawa niya nabalot lang siya nang galit nang makitang umiiyak ako nang iwanan ako ni Max sinabi niya sa akin na siya ang nagpabugbog kay Max"

"Kailangan niya talagang pagbayaran ang ginawa niya. Paano kung naging delikado ang buhay ni Max or worst namatay siya"

"I'm so sorry pinagsisihan na rin ni Dad ang nagawa niya aalis na ako magpapakalayo kami ni Mommy don't worry hindi tatakbo si Dad siya mismo ang susuko"

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Hindi ko pababayaan si Maxwell mahal na mahal ko siya at hindi na ako maghahanap pa nang iba"

"F-faye"

Lumingon ako at gising na si Max. Humarap ako kay Danie na natuwa nang makitang gising na si Max.

"Mag-usap kayong dalawa nagka-patawaran kayo kasi ako gusto ko na lang patawarin ka para makalimutan ang mga nagawa mo sa amin"

"S-salamat Faye"

Lumapit ako sa kama ni Max at ngumiti sa kanya. "Babe, usap kayo ni Danie para maging tahimik na rin siya at maka-move on na siya"

"Thank you, Babe" dinampian ko nang halik ang labi niya. Tumango ako kay Danie saka ako lumabas nang room ni Max. Ang gaan sa pakiramdam na after all the trials magiging tahimik at masaya na rin kami ni Max.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon