-Roxas’ Mansion-
-Terrence Kelvin Roxas POV-
“May kailangan pa po ba kayo young master.?” – Butler
“Paki pa handa na lang ng kotse na gagamitin ko.” – Terrence
“Kayo po ba ang magmamaneho.?” – Butler
-_-
“Hindi, baka ikaw butler, sa iyo yata yun eh.?! Pssh..” – Terrence
“Hmpft, young master, pinagbilinan po ako ng inyong ama na huwag kayong hayaan munang magsariling magmaneho, baka…”
“BAKA ANO.?” Sigaw ko
“Iyan ang hirap kay Daddy eh, HINDI NA AKO BATA, KAKAASAR.”
“Ipapahanda mo ba ang kotse o tatanggalin kita.?!!”
“Ipapahanda ko na po.” Nagmamadaling umalis si butler
Bumalik muna ako sa kwarto ko sa taas para kunin ang cellphone, ATM at wallet ko ng may tumawag sa intercom,
“Young master handa na po.”
Papalabas na ako ng mansion papuntang main door dahil nanduon na ang kotse ko, nang tumunog ang telepono sa sala ng mansion, ngunit nilagpasan ko lang ito, hindi ko trabaho na sumagot ng telepono, kaya nga may mga kasambahay kameng binabayaran.
Krrrrrring-krrrrrring..
-OTW sa School-
Ito ang hirap kay daddy, para akong bata kung ituring, nakakainis.! Hindi na ako bata, bahala siya, basta gagawin ko ang gusto kong gawin.
Eeeennngggkkkk.
Napaapak ako sa preno ng wala sa oras, nang may bigla na lang kasi na sumulpot na sasakyan sa harapan ko galing sa kanan at muntikan ko ng mabangga. Ito pa naman ang ayaw ko kapag bad trip na ako sa mansion tapos dadag-dagan pa.
Bumaba ako ng aking sasakyan at lumapit sa kotse na bigla na lamang nag-cut sa daraanan ko.
“Hoy.! Sa susunod, kung gusto mong magpakamatay, tumalon ka na lang sa ilog pasig na may nakataling malalaking bato sa paa mo.”
Dahan-dahang bumaba ang salamin ng driver seat at may nakita siyang baril na nakatutok sa kanya at binaril si Terrence, tinamaan siya sa noo at dead on the spot, the end. Kawawang Terrence Kelvin Roxas ang ikli ng buhay, hehe, joke lang.
Ito talaga yung nagyari.
Pagkababa ng salamin ng kotse.
“Good morning Kelvin.!” Masiglang bati ni Stephanie Aguilar
“Don’t call me on my second name, where not close.! Psshh.!” Walang kabuhay-buhay na sagot ni Terrence
Sabay talikod pabalik sa kotse niya.
-Stephanie Aguilar POV-
First day of school bilang senior student sa school ko, yup, you’re right, sa school ko.! Pamilya ko lang naman ang may-ari ng school na pinapasukan ko at ni Terrence my prince, and take note ako ang queen bee duon, lahat ng gusto ko ay kailangang masunod or else kick out ang naghihitay sa kakalaban at hindi susunod sa akin.
Krrrrrring-krrrrrring..
“Helu, seno po eto.?” Sagot sa kabilang linya
“Nandiyan pa ba si Kelvin.?” Tanong ko
“Seno nga po sela muna.?”
“Eh ikaw, who are you witch.?
“Ako po.? Ako se Enday, tertetre yers old, kasamba…”
“Boba.! Sinagot mo pa talaga noh.? So, nandiyan pa ba si Kelvin, just answer me, yes or no.?” tanong ko na medyo iritado na.
“Sarrehh po ma’am, tenanong nyo po kase ako eh.”
“Stop it.! Where is Kelvin.?”
“Umales na po kani..”
Tooottt-tooottt..
First day of school kailangang sabay kame pumasok ng Kelvin ko.
“Butler, paki-handa ng sasakyan ko, DALIIII.!” Sigaw ko sa intercom
-Terrence POV-
Pagkabalik ko sa aking sasakyan, agad ko itong pinaandar, alam ko kaseng sinadya ni Stephanie na bigla na lamang humarang sa daraanan ko, dahil alam kong siya yung tumawag sa bahay kanina bago ako umalis para magsabay na naman kameng pumasok.
“Psshh.. Bahala ka diyan.”
Ako si Terrence Kelvin Roxas, Terrence for short, 15 years old, ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa second name ko, hindi ko kasi feel at saka isang tao lang ang pwedeng tumawag sa akin niyan at iyon ang mommy ko. Ako ay nag-iisang anak at taga-pagmana ng mga yaman at ari-arian ng pamilya ko, ako ay gwapo at may tamang pangangatawan para sa edad kong ito.
Ako yung taong gusto ko lagi na perfect ang lahat, specially pag patungkol na sa sarili ko, ayaw ko na may napupuna silang mali sa mga ginagawa ko. Sa totoo lang, hindi ko na kailangan pang mag-aral at maka-graduate pa kagaya ng ginagawa ng mga ka-edadan ko para makahanap ng magandang trabaho at magkaroon ng magandang buhay.
Pwede naman kasi na sa mansion na lamang ako o di kaya’y mag-around the world whole life ko, hindi ako sa nagyayabang pero yun kasi ang totoo. Kahit na siguro twenty times akong isilang ng paulit-ulit kaya kong mabuhay nang may karangyaan sa buhay na kahit walang ginagawa.
Sa muli inuulit ko hindi ako nagyayabang, sinasabi ko lang ang totoo, pero kung nayayabangan ka then that’s your problem, psshh.
Kaya lang naman ako nag-aaral ay para lamang pagbigyan ang kahilingan ng pinakamamahal kong mommy, na ngayon ay wala na sa tabi ko, hindi dahil busy sa work or nasa malayong lugar, kungdi pumanaw na noong 10 years old pa lang ako, dahil sa sakit na breast cancer. Hiniling niya sa akin bago man siya pumanaw na sundin ko ang lahat ng ipag-uutos ni daddy, dahil pag-pumanaw na siya kame na lang ni daddy ang maiiwan na magkasama.
Pero sa totoo lang, hindi ko ramdam na may daddy ako, bakit.? Parang ang tingin niya sa mansion namin ay bahay bakasyunan lamang, bihira lamang siyang umuwi lagi nasa kumpaya naming o nasa mga business trip niya outside ng Philippines at parang mas pamilya niya pa yung mga business partner niya kaysa sa akin.
At simula ng maramdam ko ang mga bagay na iyon, naging ganito na ako, makasarili, at walang paki-alam sa mga taong naka-paligid sa akin.
-NEW WESTTON UNIVERSITY-
-Parking Lot-
“Sinong tanga ang nag-park sa pwesto na para lamang sa akin.?” Sigaw ko
Tumawag ako ng ilang mga nakatambay na estudyante sa parking lot at inabutan ng tig-1000 ang bawat isa.
“Alam nyo na kung ano ang gagawin sa kotseng bulok na yan na nakaharang.”
“Opo.!” Sabay sabay na sagot ng sampung estudyante
Inabot ko ang susi ng kotse ko sa kanila at alam na nila ang gusto kong mangyari.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“AYYYYYYYYYY.!!!” Sigawan ng mga fan girls
“Hi my prince.!”
“Sabay tayong kumain ng lunch mamaya ah.?”
“Akin ka na lanag.!”
“Ang gwapo gwapo talaga niya.!”
Haisk.. Ito na naman sila, ang iingay sobrang sakit sa tenga, direretso ako sa tambayan naming mga DevilBats, oo tama ang pagkakabasa mo, pangalan yan ng basketball team namin dito sa university at ako ang team captain.
-At DevilBats Tambayan-
Buti na lang wala pa ang mga ka-teammates ko dito na mga baliw at makaka-pagpahinga pa ako dahil stress pa rin ako sa mga nangyari sa akin kanina.
Ang tambayang ito ay exclusive lamang para sa mga DevilBats, kumpleto ito sa lahat ng uri ng libangan ng kabataan sa panahon ngayon. Tinatawag din ito ng mga estudyante na paraiso sa loob ng university, pinagawa ko ito para sa amin para maka-pagrelax kame after ng mga practice namin.
Makatulog muna nga.
BINABASA MO ANG
The Angel Of The Devil
Teen Fiction"The more you hate, the more you love." Ano ang mangyayari kung ang dalawang magkaibang mundo na ginagalawan ni Terrence Kelvin Roxas (Daniel Padilla) at Michaela Torres (Kathryn Bernardo) ay biglang magtagpo.?