-NAIA-
-Jhael’s POV-
Umalis kame ng Singapore ng mga 5AM at ngayon nandito na kame sa NAIA, sobrang nag-enjoy kameng lahat sa escapade na ito, lalong lalo na ang friend namin na si Michaela..
Tapos na ang Asia escapade namin pero it doesn’t mean na tapos na ang sorpresa, remember meron pang ako at Princess na hindi nakakapagbigay ng surprise..
Oo nga pala, naaalala nyo pa ba yung special dinner last night sa rooftop ng hotel na pag mamay-ari ng pamilya nila Angel, si Christian ang naka-isip nun. Siya ang nagpa-set up at gumastos ng lahat from red carpet, violin, decoration, program at sa mga masasarap na food, kahit pala minsan na panira siya ng moment lagi may soft side pa rin pala siya, hehe..
Napansin ko ring pinipigilan niya lang umiyak kagabi, mukhang OA tignan para sa iba especially sa mga boys pero sa aming mga girls, ang pag-iyak ng mga lalaki lalo na pagdating sa ganitong mga bagay ay talagang nakaka-touch at nakaka impress..
Ito na kame ngayon kababa lang ng private plane, 8:17 palang ng umaga at may pupuntahan pa kame at sa pagkakataon na ito ako naman ang taya..
“Welcome home sa ating lahat.” Narinig kong bati ni Christian..
“So, what’s next.?” – Princess
“Huh.? What’s next.? Huwag nyong sabihin na may lakad pa tayo.?” – Michaela
“Yes my dear, may pupuntahan pa tayo.” Sagot ko..
“Talaga.? Guys, sobra sobra na itong ginagawa ninyo.” – Michaela
“Okay lang yan, hindi lang naman ikaw ang nag-eenjoy sa lakad na ito, lahat naman tayo, kaya huwag na masyadong mag-alala diyan friend.” – Princess
Krrrrrrrringgg krrrrringggg..
Butler Calling..
“Good morning butler, ok na po ba ang lahat.?”
“Opo young lady.” – Butler
“Salamat po.”
End of call..
“Tara na guys, follow me doon tayo, nandian na yung dalawang helicopter na gagamitin natin.” Sabi ko..
-Michaela’s POV-
W-O-W sasakay ako ng helicopter..
Naalala ko dati nung bata pa ako doon sa probinsya namin, kapag may dumadaan sa bukid na helicopter tamang kaway lang ako habang sumisigaw ng, “Paalam Paalam”. Pero ngayon sasakay na ako nakaka-excite naman, saan naman kaya kame pupunta, siguro mag-iikot lang kame sa himpapawid at titigin-tingin, astig naman..
Narito na ako sa helicopter nakasakay, kasama ko sila Angel, Jhael at Sarah sa kabila naman ay sina Princess, Angel, Georgia at Christrian..
“Jhael saan tayo ngayon pupunta.?”
“Isang lugar kung saan matutuwa ka.” – Jhael
Makalipas ang 1,000,000 years, nakarating na kame sa patutunguhan namin, medyo pamilyar yung lugar sa akin, may mga van na naghihintay sa amin at agad kameng sumakay..
Habang nasa byahe kame, biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko mula sa likuran at nawalan ako ng malay..
-Christian’s POV-
Nakasakay na kami ng van at sine-senyasan na ako ni Jhael na gawin ko na yung ipanagagawa niya sa akin..
Kinuha ko yung panyo ko na may amoy ng pampatulog, kina-klaro ko lang sa inyo na hindi ko ito plano at wala akong balak na masama, ang lahat ng ito ay plano ni Jhael..
BINABASA MO ANG
The Angel Of The Devil
Teen Fiction"The more you hate, the more you love." Ano ang mangyayari kung ang dalawang magkaibang mundo na ginagalawan ni Terrence Kelvin Roxas (Daniel Padilla) at Michaela Torres (Kathryn Bernardo) ay biglang magtagpo.?