REVELATION

44 2 0
                                    

-OTW sa NWU-

-Christian’s POV-

6:12 AM

Nakasakay na ako sa kotse ko papuntang NWU para pumasok..

Krrrrrinnggg krrrrinngg..

Terrence calling..

“Good morning captain, musta.? Napatawag ka.?”

Pumunta ka dito sa bahay, may ipapagawa ako sa iyo.” – Terrence

"Ano iy..."

Toottt toottt..

Si captain talaga kahit kailan may pagka-bastos, ehehe..

Medyo inaantok pa ako pagod kasi sa sunod-sunod na byahe namin last week, pero nag-enjoy naman ako, masarap palang kasama ang girls hindi sila boring kasama..

Kamusta na kaya si Michaela, sana okay na siya, nakakaawa din yung babaeng yun lagi na lang na-bubully sa school, kaya nakapagkasuduan ng mga girls na sabay sabay na sila laging papasok sa school para maiwasan nang ma-bully si Michaela, hindi rin kasi basta-basta yung mga babaeng yun sa yaman at sa mga kayang gawin..

-Roxas’ Mansion-

Nandito na ako sa mansion nila Terrence..

“Gud murneng ser, nasa taas pa pu se Yang Master, mag-hentay na lang pu kayu deto, may gustu pu ba kayung inumen habang naghehentay.?”

Si Enday sinalubong ako pagpasok ko ng mansion..

“Wala, salamat na lang Enday.”

“Ah ser, pwedeng magtanung.?”

“O, ano yun.?”

Ganyan talaga si Enday, close kami niyan, halos lahat nga siguro ng sikreto ko about girls alam niya, kaya okay lang sa akin kung magtanong siya..

“Hende na pu ba kayu nagkabalikan nung ex-gelplen mu.?” – Enday

“Wala na sumama na siya sa iba.”

“Ah ganun pu ba.? Kung sabagay ser, kung mapunta man ang ex mu sa eba wag kang mag-alala dahel sabe nga ne Jolibee, “Ebegay ang penaglumaan sa kawawang nangangaelangan.” – Enday

Yan na naman si Enday bumanat na naman, pero atleast may sense naman, hehe..

“Very good.!”

“At saka alam mu pu  ba ser, dapat kenekelates mu ng maege yung mga babaeng nelelegawan mu.” – Enday

“Bakit naman Enday.?”

“Sa panahun kase ngayun ser, halos ang sesepag ng mga tao ngayun magmahal, pate mahal ng eba, mahal den nila.”

“Hahaha, tama tama, sige Enday mag-iingat ako ng mabuti sa mga nililigawan ko.”

^_^

“At alam mu ba ser na lemetado na lang sa mundo ang mga taong FEETHPUL at ESTEK TOW HUWAN sa relaysyonshep, kaya dapat hende sela senasayang… NU.! Male male, hende pala dapat KAME senasayang.”

“Hahaha.” Lalo tuloy akong natawa sa sinasabi ni Enday..

“Hoy ang lakas ng tawa mo para kang bakla.” – Terrence

Nakababa na pala si captain..

“Ito kasing si Enday, bumabanat ng mga kasabihan niya, haha.” Sagot ko..

“Sige na Enday pumunta ka na sa kusina at gawin muna ang dapat mong gawin.” Rinig kong utos ni Terrence kay Enday..

“Salamat Enday sa kwentuhan hanggang sa muli.” Pahabol ko kay Enday..

The Angel Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon