-Reyes’ Residence-
6:00 AM
“Magandang umaga po tita at tito.” Bati ko habang kumakain sila ng almusal..
“Sumabay kana sa amin.?” Sabi ng tito ko
“Hindi na po, nagmamadali na po kasi ako at dadaan pa po ako ng National Bookstore at maymga bibilihin pa ako na mga kailangan ko sa school.”
“Ah, ganun ba.? May pera ka pa ba dian.?” Tanong ng tito ko
“Opo.”
“Huwag kang mahiyang magsabi sa amin ng tito mo kung may mga kailangan ka ah.?” – Tita Fe
Tumango na lang ako, ang bait talaga nila sa akin..
“Oo nga pala tumawag yung mama mo sa akinkahapon at kinaka-musta ka at sinabing baka hindi daw sila makapagpadala ngayong buwan ng allowance mo, nagkasakit daw kasi yung bunso mong kapatid at duon nila na gastos ang pera na dapat ay ipapadala sa iyo.” – Tita
“Ah, ganun po ba.? Okay naman po si Michael (pangalan ng kapatid ko.?” Tanong ko..
“Sabi ng mama mo ay okay na naman siya ngayon, kaya huwag ka ng mag-alala, mag-focus ka sa pag-aaral mo iha, at kung may kailangan ka sa mga bayarin mo sa school o personal na kailangan ay magsabi ka lang, okay ba.? Huwag kang mahiya.” – Tita
“O, tanggapin mo na ito, huwag kang tumanggi magtatampo kame sa iyo ng tita mo.” – Tito
At inabutan ako ng 1000 pesos, tinangaap ko na lang, kasi wala na rin talaga akong pera kungdi 500 pesos na lang sa wallet ko..
“Maraming salamat po.!”
“Walang anuman.!” – Tito
“Si Allesandra po.?” Tanong ko
“Nauna na siya kanina, sabi ko nga na sabay na kayo pero ang sabi niya naman ay hindi naman kayo mag-kakalase at may naghihintay daw sa kanya sa school na mga classmates niya at may gagawin sila.” – Tita
“Okay po, sige po tito’t tita mauuna na po ako, salamat po ulit.”
-New Westton University-
7:10 AM
“Hoy miss.!” Si ateng lady gurad muli..
“Ako po.?”
“Hindi, ako.! Tinatawag ko ang sarili ko.!” Pamimilosopo nito sa akin..
“Diba scholar ka dito.? Halata kasi sa itsura mong damit pangmahirap eh.” – Ateng lady guard
“O-Opo.” Nahihiyang sagot ko..
“Okay, may memo kanina na pina-abot sa kin dito at ang utos ay ang lahat ng mga kagaya mo ay kailangang maglinis ng quadrangle area tuwing umaga para sa kapalit ng scholarship.” – ateng lady guard
“Ito ang walis, dustpan at garbage bag, maglinis ka na, dali.!” – Ateng lady guard
Kinuha ko at dumiretso ako sa quadrangle area..
Bakit ganun parang ang sobrang kalat yata ng quadrangle at ang nakakapagtaka pa ay puro dahon, saan nanggaling ito.? Eh wala namang kahit ni isang puno akong nakikita sa quadrangle, kasi napapalibutan ito ng mga building..
At isa pa.? Walang ni isang estudyanteng kagaya kong scholar na nanduduon at naglilinis, kahit yung pinsan kong si Allesandra ay wala dito, talagang naka-pagtataka talaga..
Haisk.. Makapaglinis na nga para maka-abot pa ako sa first subject ko..
Linis linis..
Walis walis..
BINABASA MO ANG
The Angel Of The Devil
Teen Fiction"The more you hate, the more you love." Ano ang mangyayari kung ang dalawang magkaibang mundo na ginagalawan ni Terrence Kelvin Roxas (Daniel Padilla) at Michaela Torres (Kathryn Bernardo) ay biglang magtagpo.?