-Stephanie’s POV-
Wala akong paki kong late na ako o hindi, basta papasok ako sa oras na gusto ko, takot lang sa akin ng mga teacher dito baka ipatanggal ko sila.
-Room 103-
“Good morning everyone, late po ba ako ma’am.?” Pagtataray ko.
“A-Ah a-ah h-hindi Ms. Aguilar, please come in, kakaumpisa lang namin.”
“Thank you.”
Yan ang gusto ko marunong kumilala, magiging close tayo..
Naupo ako banda sa harapan, ayaw ko sa likod ang baho baho duon magkasakit pa ako, yuckkkkk..
“Okay class, so meron bang mga new students.?Okay, can you please come here infront and introduce yourself.?” Rinig kong tawag ni ma’am..
“Hello everyone.! My name is Princess Delfin, I’m 15 years old … blah blah blah..”
Wala akong paki sa iyo, bahala ka diyan, inilabas ko ang iphone 6 ko at nag-selfie at pinost sa instagram account ko..
“Okay, thank you Ms. Delfin, may your take your seat. So meron pa ban…”
Naputol ang sinasabi ni ma’am nang biglang..
“AAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYY.!” Sigawan nila..
“Tabi tayo.”
“Dito ka umupo sa tabi ko.”
Sigawan at tilian ng mga pilingera kong classmates..
Nagtataka siguro kayo kung bakit nagtilian ang mga bruhang classmate ko at bakit hinahayaan na lang din sila ng teacher namin kagaya ko, kasi naman sila lang naman ang mga varsity players ng school namin, sila ang DevilBats. Mga mayayaman, malalakas ang inpluwensya sa loob at labas ng school at syempre mga gwapo, parang mga ideal boyfriend ng mga kababaihan, pero higit sa kanilang lahat ang kanilang team captain na si Terrence Kelvin Roxas.
Siya ang pinaka sa kanilang lahat at 10x ang yaman niya sa lahat ng members ng DevilBats, kaya ginagalang siya at pinapantasya ng mga bruha dito sa school. Lahat ng sabihin niya ay nagiging batas dito sa school kahit ang mga school official ay sinusunod siya, kahit nga ako minsan ay sumusunod diyan, ultimate crush ko kasi siya at gagawin ko ang lahat para mapa-sa akin siya.
Nag-upuan ang mga DevilBats sa paborito nilang pwesto lagi, ang likuran for almost three years ay magkakaklase na kame at sa loob ng tatlong taon na iyon ay lagi na lang silang lahat nag-uupuan sa likod..
Natahimik ang buong klase ng umupo si Kelvin my prince sa tabi ng isang babaeng estudyante..
Pero biglang nanlisik ang mga mata ko ng makilala ko ang babae na tinabihan niya..
Yung..
Yung..
Yung..
Yung babae kanina na bumangga sa akin.!
B-Bakit niya tinabihan.? Hindi naman siya tumatabi sa mga babae ah.?
Ikaw babae ka.! Kamalas-malasan mo lang, humanda ka sa akin..
-Terrence’s POV-
Ito na kame ngayong DevilBats papunta nang class room, magkakaklase na naman kame, panigurado kagagawan na naman ito ng isa sa mga DevilBats, tsk tsk..
Pagpasok namin sa room, expected ko na namabibingi na naman ako sa tilian ng mga babae sa room, ngunit dene-deadma ko na lang..
Inikot ko agad ang mata ko sa loob ng room para hanapin yung pagmumukha ng babaeng muntikan ng sumira sa hinaharap ko, I mean kinabukasan ko, huwag berde ang isip. Alam kong magiging kaklase ko siya, dahil ni-request ko sa Registar Office kanina ang room and section niya, ganyan ako ka-impluwensyang tao dito sa school. At tyempo, ang swerte ko pa, nakita ko siya banda sa likuran ng klase at bakante ang upuan sa tabi niya..
BINABASA MO ANG
The Angel Of The Devil
Jugendliteratur"The more you hate, the more you love." Ano ang mangyayari kung ang dalawang magkaibang mundo na ginagalawan ni Terrence Kelvin Roxas (Daniel Padilla) at Michaela Torres (Kathryn Bernardo) ay biglang magtagpo.?